THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 67

95.1K 1.3K 34
By Theblackwdow





Lumipas ang ilang araw. Nakadalaw na rin ako sa ospital. Nalaman ko na hindi na maganda ang kondisyon ni papa dahil sa sakit ni'to. He suffered stroke so many times at kapag aatakihin ito muli ay baka hindi na nito kayanin.


Nakangiwi ang labi nito habang pinipilit ang sariling magsalita.

Wala akong naramdaman kundi awa sa kanya.

I 've seen him with a strong and tough personality. Para itong leon na katatakutan ng lahat.

Wala sa bokabularyo nito ang pagiging mahina.

Wala sa katawan nito ang mga sakit na nararanasan nito.

Hindi ito nagpapakita ng kahinaan sa iba. Higit sakin dahil namulat ako sa kanyang katapangan sakin.



Hindi ko masasabing naging malupit siya sakin noon bata ako.

Nakakaranas ako ng pagpalo pero wala akong natatandaan na nagtanim ako ng galit sa pagdedesiplinang ginawa nito.

Subalit mas nasasaktan ako sa mga salitang bumibitaw sa bibig niya.

Sa mga matang mapanuri at parang Falcon na nakaabang sa pagdagit sa kanyang makakain.


"Pano nangyaring naging salutatorian kalang samantalang matalino ka!!"


"Nakakadisappoint ka Anna!!"


" Wala ka talagang silbi!!:"


"Wala akong mapapala sayo!!"



Those words that cutting my heart, and broke it.

Mga salitang hindi ko aakalain na manggagaling sa sarili kong ama.

Wala akong matandaan na magandang alaala meron ako sa kanya nung bata pa ako.



"You have to study first Anna para mabilihan din kita ng laruan gusto mo." Naaalala ko ang mga araw na yun nung umiiyak ako. Galing sila ng abroad ni mama dahil sa isang business trip.

May pasalubong na laruan manika si Tricia. Malaki at napakaganda. kapareho ng buhok meron nun si jocel, kulot kulot ang dulo.

Kulay asul ang mga mata at mamahalin ang suot na damit.

Meron din naman ako, kaya nga lang ay simpleng laruan lang. Naalala ko pang naririnig kong nagtatalo sila ni mama dahil ayaw ni papa na ibigay sakin ang laruan yun hangga't hindi ako nagtotop sa klase katulad ni tricia.


Top sa klase ang kapatid ko, kahit san anggulo ay walang kalaban laban ang mga kaklase nito nung grade school at high School.

Samatanlang ako, binabayo ko ang pang-araw-araw na pagsunog ng kilay para lang mamaintain ko ang mga grades o di kaya nama'y maungusan ko si tricia.

Pero kahit nung high school ako, nakaramdam ako ng pandaraya ng ibang tao na kahit kelan ay di ko magagawa sa iba.

Nakaramdam ako ng labis na takot kay papa nung mga panahon na yun dahil umaasa siya sakin.

Na makukuha ko ang pagiging Valedictorian kagaya ni Tricia.

Na aakyat sila ng stage na taas noong ipagmamalaking anak nila ako.

But it turned out na umalis sila ng bansa nila mama for other business trip. kasama si tricia, regalo ni papa sa kanya dahil nanalo siya sa national competition.

I felt like I'm outcast. wala sa pamilya ng mga Veloso. sampid, pahirap, walang kwenta, mahina...

Hindi ko alam kong aattend ako ng graduation at kukunin ang medalyang hindi sapat para sakin.



Ang iba kong mga kaklase ay masayang masaya dahil nakatapos sila ng high school. they are ready to face college life kahit walang karangalan natatanggap.

Samantalang ako, simula nung tumungtong ako ng high school ay sinikap kong mag-excel. Sinikap kong manguna, sinikap kong makita, mapansin, but at the end of the day, ako pa rin ang nawala, ako pa rin ang naging invisible, ako pa rin ang natalo, ako pa rin ang nahuli at ako pa rin ang nadaya.



Iniwas ko ang aking mga mata kay papa. Wala na ang matapang nitong mga mata. yung matang kinatatakutan kong tingnan.

Lumubog na iyon ng bahagya at namumutla ang kanyang balat.

"Hanna , Hanak,,(Anna Anak)." His tears are flowing in his eyes. He was wailing. Dahilan para mas lalo siyang mahirapan magsalita.

Inabot ko ang kanyang kamay na nagpupumilit na abutin rin ako.

Naramdaman ko ang init at higpit ng kanyang palad.


"Pa, kamusta na po?" Pinahid ko ang luhang hindi ko napigilan ilabas.


Mas lalo kong naramdaman ang mahigpit na pagkapit nito sakin kamay. Hinihila nito ako papalapit sa kanya.


"Hanna, forrgive papa, I'm sorry Hanak..patawarrrrin mo..hako...." Iyon lang ang naintindihan kong mga salita na pilit nitong binibigkas ng deristo sa kabila ng paghikbi.

Hindi ako makasagot. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Pinaramdam ko sa kanya ang pagpapatawad na hinihingi niya sakin,

Ang pagpapatawad na matagal ko nang binigay sa kanila.

Ang pagpapatawad na pinakaaasam nito..


Walang dahilan para ilayo ko sa kanila ang isang bagay na pwede kong ibigay.

Walang dahilan para paikutin ko sila sakin mundo at ipaalala ko ang lahat ng mga mga insecurities na naramdaman ko nung bata ako.

Walang dahilan para ipamukha ko sa kanila ang lahat ng pangungumparang natanggap ko sa kanila.



He is my Father. Sa pananaw ko ay malaki ang pagkukulang nito para sakin bilang ama, bilang kapamilya.


"We are trying to protect you princess." Isang beses na napalo ako dahil nahuli kaming umakyat ni Jocel sa puno sa likod ng bahay para kumuha ng mangga.


" We love you at hindi kami mapapalagay kung hindi ka namin makikita araw araw." Nung mga panahon pinipili kong mag-aral sa New York dahil mas alam kong madami akong matutunan don.


" We are saving you're miserable life.." Nung mga panahon nagbubuntis ako at pinipilit nila akong ipakasal kay Cyrus.


Iyon ang pagkakilala ko sa kanya, ang pagkakadepina ko sa kanya.


There was a time na naisip ko sana iba nalang ang mga magulang ko, sana iba nalang ang papa ko, sana ibang pamilya nalang ang meron ako..


Pero naiisip ko rin bigla eh di sana Hindi ako si Anna ngayon, hindi ako ang Anna'ng naging matapang ngayon. Hindi ako magiging ako kung hindi dahil sa kanila.


Humingi rin ako ng tawad kay papa. Sa lahat lahat.


Sa mga maling nagawa ko, sa pag-iwan ko sa kanya. sa pagtalikod ko sakin responsibildad sa kompanya. Sa pagiging makasarili ko sakin nararamdaman.



Ang buhay ng isang tao ay hindi umiikot sa isang daan lang.

Hindi ito iikot sa isang mundong ikaw mismo ang kumulong.

Gaya ng paulit ulit kong naaalala.

Desisyon mo ang magpapabago sa lahat.

Desisyon mo ang kokontrol sa mga mangyayari.

Desisyon mo ang magiging daan mo sayong kinabukasan.



Never kong nakitaan ng pagcheat si papa kay mama. They sincerely love each other. Para silang nagliligawan araw araw nung nakatira pa ako sa kanila.



Walang taong perpekto,.

Walang taong makakadikta sakin kung ano ang tama at mali.

Kung sino ang dapat at di nararapat.

Kung ano ang bagay at hindi bagay..


Siguro ito ang pamamaraan ng pagmamahal ni papa sakin.

Ang pagmamahal na walang ibang hinangad kundi ang isipin kung ano ang makakabuti sakin at kung ano ang tama sakin.


I and tricia are completely different. Iba ang tingin nila samin magkapatid. Iba ang trato pero hindi ko masasabing magkaiba ang sukat ng pagmamahal nila para samin.


Dahil naniniwala ako na walang tamang timbangan para dyan.

Walang tamang weighing scale para masabi kung sino ang angat at sino ang kulilat.

And again, ito ang paraan niya ng pagmamahal niya sakin.

Pagmamahal na kung kinakailangan itago nila ako sa mundo para hindi makaramdam ng kahit anong sakit.



~//~



Nakatayo ako ngayon sa harap ng libingan nang aking anak. Napapaligiran ang mga ito ng mga bulaklak na peonies and crocus. Alagang alaga ang mga bulaklak dahil bukod tangi ito sa mga halaman naroon.

Sa puntod ng aking mga anak ay ang Arborvitae tree. Malaki na rin iyon at green na green ang kulay ng mga dahon.

May mga makukulay na maliit na fence at mga batong pumapalibot sa kabuuan ng libingan.

But my eyes are not focus from what is infront of me.

Nakatuon ito sa babaeng nakaupo sa maliit na upuan. May hawak hawak itong libro na katatapos palang atang basahin.


It's a story book.


"Hansel and Gretel." Iyon ang title na nabasa ko mula sa kinaroroonan ko ngayon.


Dahan dahan niligpit ng babae ang librong hawak nito at nilagay sa paper bag na katabi. Tumindig ito at nanlalaki ang mga mata nung nakita ako.


"I'm sorry, hindi ko alam na darating ka." Aniya at iniwas ang sarili sakin. Bahagya pa itong yumuko at parang may pinahid na kung ano sa mukha.


Hindi ako sumagot bagkus nagderitso ako sa puntod ng aking kambal.


Tinali ko sa bawat sanga ang sulat na ginawa ko kagabi bago ko napagdesisyunan pumunta rito.


"Thank you sa pagpapaayos ng lugar na'to para sakin mga anak." Hindi ako lumilingon sa kanya habang sinasabi ko yun.


Sinabi sakin ni mama kung sino ang nagpaayos at nag-asikaso nito. Pati maintenance sa paglilinis.


Isang beses sa isang linggo rin sila dumadalaw rito. Sama sama sila ni papa.


Tumikhim ako pagkatapos ng mahabang katahimikan namayani samin.


Unti unti ko siyang hinarap.


Nung tiningnan ko siya, ibang Tricia na ang aking nakikita.

Wala na ang dating anyo nito.. wala na ang dating matapang at makasariling itsura niya.


All I can see is a woman with full of love. Walang hatred na nararamdaman. Walang bitterness sa sarili.

Sa amin dalawa, siya ang halos nakamana ng pag-uugali ni Daddy, matapang. walang bagay na hindi niya nakukuha.


Kaya nga nagawa niyang gawin sakin ang mga bagay na yun noon.


"Wala yun, I owe you everything Anna. lahat lahat." Garalgal ang boses nito.


Hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko galing sa kanya.

Wala akong ibang bagay na pinaramdam sa kanya noon kundi ang sakit na maagawan ka ng taong mahal na mahal mo; ang sakit na malusutan ka ng yung kapatid na noon ay pangalawa lang sayo.


"When you left, I promise to your children that I will be there mother. Gagawin ko ang mga bagay na iniwan mo para hanapin at buuin ang yung sarili. I will fullfill all you're duties from our family, from your children, from Cyrus."


Lumapit ito sakin, at dahan dahan lumuhod sakin harapan.


hindi ako gumalaw, bagkus hinayaan ko siya sa kanyang nais gawin.


"Anna pano mo'ko mapapatawad? pano ko mapapatunayan sayo na nagsisisi na ako sa lahat ng mga nagawa ko? pano ko mababalik ang dating tayo na masaya at buong pamilya."


Hindi ko alam.


Hindi ko alam kong pano mababalik ang lahat o kung mababalik pa ba namin ang mga yun.

Narinig ko ang kanyang paghikbi habang nanatili akong nakatindig.


"Naiintindihan ko kung hindi mo ako mapapatawad, pero umaasa pa rin ako.. at gusto kong ipakita sayo ang lahat ng pagsisisi ko sayo."

"Ang lahat ng mga nabago at pinarealize mo sakin. Ang lahat ng mga naitulong mo para magkarun ako ng pamilyang hindi ko aakalain na magbibigay sakin ng ganitong saya."

"Ikaw dapat Anna, ikaw dapat ang nakakaranas ng lahat ng ito at hindi ako, at patawarin mo ako dahil inagaw ko ang lahat. Inagaw ko sayo ang kaligayahan matagal ko nang pinagkait."


Hindi ko namalayan tumutulo na rin pala ang aking mga luha.

Oo, gusto kong gumanti.. gustong gusto ko na maramdaman niya ang lahat sakit..

Kung pano mawasak at mawarak.

Kung pano mawalan at pano pagtulungan,.

Gusto kong iparamdam sa kanya ang lahat ng galit ko noon.



pero ano ang mapapala ko?


Ano ang makukuha ko?


Sasaya ba ako?


magiging maligaya ba ako kapag nangyari yun?


anong makukuha ko sa paghihigante?


Sinubukan ko siyang itayo.


Nang magtama ang aming mga mata ay agad kong pinalipad ang aking kanang palad sa kanyang pisngi.


Hinawakan nito iyon at umiiyak pa rin.

Sinampal ko uli siya gamit ang kaliwang palad ko.


Inubos ko lahat ng aking lakas sa dalawang sampal na yun.

Habol ang aking hininga at naiiling ako na naiiyak..

Gusto ko nang makalaya sa galit ko sa kanya.

Gusto ko nang tapusin ang lahat ng sumpang tinanim ko sa kanya.

Nakaramdam ako ng pagod at habol ang aking mga hininga.

Lumapit ako sa kanya, hindi ito gumagalaw, pero nakikita ko ang panginginig ng katawan nito.

Hinawakan ko siya sa kanyang braso at yinakap ko ang sarili ko sa kanya.


I will end the war.


Ako na ang tatapos ng gyerang dineklara ko sa kanila.

Ako na ang magtutuldok sa lahat ng bangungot na nangyari samin lahat.

Walang maidudulot na maganda ang lahat ng galit.

Alam ko yun dahil ako mismo sa sarili ko ay ginawa ko yun.


Nakita at nalaman ko kung pano naging miserable ang buhay ng mga taong mahal ko..

Ako ang nagdala sa kanila ng sakit na habang hindi ko binibigay ang susi ay hindi sila makakalaya.


What they did is Unforgiven..

pero mahal ko rin sila..


Love that forgive's and forget the past..


and this is my Forgiven Love...









Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
11.4M 124K 55
Noon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman...
797K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...