HEAD OVER HEELS [Soon To Be P...

By EmpressAffy13

83.7K 2.2K 261

Date started: July 8, 2017 Completed: August 31, 2017 Book 1 lang ang mapa-publish under WWG Publishing House... More

🌸PROLOGUE🌸
🌸CHAPTER 1🌸
🌸CHAPTER 2🌸
🌸CHAPTER 3🌸
🌸CHAPTER 4🌸
🌸CHAPTER 5🌸
🌸CHAPTER 6🌸
🌸CHAPTER 7🌸
🌸CHAPTER 8🌸
🌸CHAPTER 9🌸
🌸CHAPTER 10🌸
🌸CHAPTER 11🌸
🌸CHAPTER 12🌸
🌸CHAPTER 13🌸
🌸CHAPTER 14🌸
🌸CHAPTER 15🌸
🌸CHAPTER 16🌸
🌸CHAPTER 17🌸
🌸CHAPTER 19🌸
🌸CHAPTER 20🌸
🌸CHAPTER 21🌸
🌸CHAPTER 22🌸
🌸CHAPTER 23🌸
🌸CHAPTER 24🌸
🌸CHAPTER 25🌸
🌸CHAPTER 26🌸
🌸CHAPTER 27🌸
🌸CHAPTER 28🌸
🌸CHAPTER 29🌸
🌸CHAPTER 30🌸
🌸END OF BOOK 1🌸
🌸START OF BOOK 2🌸
🌸CHAPTER 32🌸
🌸CHAPTER 33🌸
🌸CHAPTER 34🌸
🌸CHAPTER 35🌸
🌸CHAPTER 36🌸
🌸CHAPTER 37🌸
🌸CHAPTER 38🌸
🌸CHAPTER 39🌸
🌸CHAPTER 40🌸
🌸CHAPTER 41🌸
🌸CHAPTER 42🌸
🌸CHAPTER 43🌸
🌸CHAPTER 44🌸
🌸CHAPTER 45🌸
🌸CHAPTER 46🌸
🌸CHAPTER 47🌸
🌸CHAPTER 48🌸
🌸CHAPTER 49🌸
🌸CHAPTER 50🌸
🌸EPILOGUE🌸
AUTHOR's NOTE

🌸CHAPTER 18🌸

1.2K 40 6
By EmpressAffy13

Chapter 18 -- SORRY

"Binalaan na kita, Zairene, pero hindi ka nakinig! Nakita mo ba si daddy? Galit na galit 'yon nang makita namin na naghahalikan kayo ni Clark! Nababaliw na ba kayo!? Hindi kayo nag-iisip!" wika ni ate nang makarating kami sa mansyon nila tita Clara. Hindi ako kumikibo at panay lang ang tulo ng mga luha ko.

"Stop it, Zaira! Isa ka pa. Alam mo pala na may ganitong nangyayari sa dalawa pero nanahimik ka." Nakatayo si kuya at nilapitan si ate. Nanahimik naman ang kapatid kong babae saka napayuko. "Mas matanda ka sa kaniya ng tatlong taon. Kahit paano ay alam mo na ang dapat na gawin."

"Pero kuya, natatakot lang din ako na mapagalitan si Zairene."

"Bakit? Hindi ba sila mapapagalitan ngayon?" tanong ni kuya.

"E, bakit ba kasi ako ang pinapagalitan mo, kuya? Wala akong alam sa iba pang ginagawa nilang dalawa. Lately ko lang narinig mula sa kanila na may relasyon silang dalawa!"

"Wala kaming relasyon, ate!" singit ko.

Tumawa ito ng peke. "Talaga? Paanong wala, e, naghahalikan nga kayo kanina? Huwag mo kaming gawing tanga rito, Zairene!"

Natahimik ako.

"Enough, Zaira."

"No, kuya! Binalaan ko na siya na iwasan ang nararamdaman niya para kay Clark pero hindi niya ginawa!"

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko habang hilam ang mga mata sa sariling luha. "Wala kang alam, ate. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong iwasan ang nararamdaman ko."

"Lubayan mo ko sa drama mo, Zairene! Ang mabuti pa, problemahin mo kung ano ang eksplenasyon na sasabihin mo kay Daddy once pumasok siya sa pinto na 'yan! Basta ako, labas na ako sa problema mo!" anito sabay lakad palabas ng kwarto.

Nanlalata akong napaiyak na lang. Wala na akong maisip. Gulong-gulo na ko.

Nang tingnan ko si Kuya Zoilo ay seryoso itong nakatingin sa akin. Umiling ako.

"Kung galit ka rin sakin, ayos lang. Iwan mo muna ko, kuya." Nahiga ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot.

Buntong-hininga ang isinagot nito sa akin saka lumabas ng silid.

Pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa mga oras na ito. Naiisip ko si Clark. Ayos lang kaya ito? Napagalitan ba siya? Sana huwag naman siya saktan ni daddy.

Tatlong katok ang narinig ko sa pinto. Napaupo ako sa kama. Inayos ko ang aking sarili bago hinarap si daddy.

Nakayuko lang ako at hindi magawang tinangnan ito ng deretso.

"Nakausap ko na ang tita Gracie mo." Nag-angat ako ng tingin. "Tatapusin mo lang ang grade-9 mo rito. Pagkatapos mg school year mo ay lilipad ka na papunta sa California upang doon na mag-aral hanggang sa kolehiyo."

Napalunok ako.

Handa na ako sa ganitong desisyon ni daddy pero bakit ngayon, parang gusto kong umapila. Gusto kong tumutol.

"D-dad," tawag ko. "I'm sorry po."

"Hindi ako galit anak," tipid nitong sabi. Tila nabunutan ako ng tinik sa aking narinig.

"D-daddy,"

"Pero hindi ko kayang i-tolerate ang mga nangyayari. You're just only fifteen years old at napakabata pa ninyong pareho. Sa ngayon, anak, atupagin muna ninyo ang pag-aaral. Magtapos at magtrabaho para sa sarili. Huwag 'yung ganito. Masyado pang maaga."

Nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit. Gumanti si daddy sa akin saka hinalikan ako sa aking noo.

Mas mabuti na sigurong lumayo ako. Kailangan ko ito para makalimutan si Clark. Hindi kami pwede dahil masasaktan ang mga magulang namin kapag pinilit namin ang samin.

~~

Martes ng madaling araw nang makauwi kami sa Bulacan. Pagkauwi sa bahay ay gumayak kaagad ako para makapasok sa eskwelahan. Hindi ko kinikibo sila ate at kuya. Hindi ko alam kung alam ba nila ang napag-usapan namin ni daddy o hindi.

"Kumusta ang bakasyon ninyo sa Cavite? Marami bang gwapo do'n?" tanong ni Tony habang kumakain kami sa pantry.

Hindi ako nagkukwento sa kanila kung ano manang mga naging ganapsa Cavite. Lalo na ang first kiss namin ni Clark.

"Ayos lang," sagot ko.

"Ay bongga! Grabe. Kinilig ako sa kwento mo," puno ng sarkasmo ang boses ni Tony.

"Ewan ko sa'yo,"

May biglang umupo sa gilid ko. Nabigla pa ako nang makilalang si Melody pala iyon at si Shasha. Nginitian nila ako na parang walang nangyari.

"Patabi kami, huh?" paalam pa nito.

"Nakaupo ka na, beks! Papaalam pa?" wika ni Tony sabay tawa.

"Sorry na, bakla!" Biro din ni Melody.

Sa una ay medyo nagkakahiyaan pa sina Tony at Dashna kina Melody at Shasha pero hindi rin nagtagal ay naging close na rin sila.

"Hindi yata ninyo ang mga boys ninyo? Nasa'n sila?" tanong ni Dash.

"Nasa try-out. Ay! Siya nga pala, Zairene, pinapatawag ka ni Couch Zandro sa gym."

"Ay oo nga pala.  Ngayon i-aannounce kung sino-sino ang pasok sa varsity natin. Sama kayo?"

"Sure!" Sabay-sabay silang sumagot saka naghanda upang samahan ako papuntang gym.

Habang nasa daan kami ay may mga iilang mga estudyanteng nag-uusap sa likod namin. Medyo malakas ang kanilang topic kaya narinig namin.

"Pasok yata yung mga transferee na tatlo. Grabe! Ang gugwapo. Lalo na yung number 16. Gosh!"

"Sinabi mo pa. Pero napansin ba ninyo? Yung babaemg mukhang nerd na si Maureen. Palaging kasama ni number 16 yun, e. Grabe! Nililigawan ba niya 'yon? My God! Akala ko si Zairene ang bet nun pero mukhang hindi naman pala."

Napahinto ako sa paglalakad. Pati ang mga kaibigan ko ay natigil din.

"Oh, napahinto ka?" tanong ni Dashna.

Imbis na sumagot rito ay hinarap ko ang dalawang babaeng nag-uusap sa likod namin. Nagulat pa ang mga ito  nang makita ako sa harap nila.

"Anong sinasabi ninyong may nililigawan ni Clark?" tanong ko.

"H-huh? Wala naman -"

"Narinig ko kayo. Si Maureen ba ang nililigawan ni Clark? Paano ninyo nalaman?" sinunod-sunod ko na sila ng mga katanungan. Natataranta silang tumango.

"Huy! Ano bang pang-iinteroga 'yan, Zairene!" sita ni Dashna sa akin.

"Sige na, girls. Mauna na kayo. Pagpasensyahan na lang ninyo ang besty namin."

"No. Hindi kayo aalis hangga't hindi ninyo sinasabi sakin ang mga nalalaman ninyo,"

"Zai, tama na. Baka naman chismis lang 'yan." Hinila ako ni Shasha sa aking braso.

Medyo kumalma ako. Nakakairita kaya yung makarinig ng ganoong balita. Si Maureen pa talaga?

No way!

Hindi ako papayag.

Saka sinabi ni Clark na ako ang mahal niya. How come na may liligawan siyang iba, di ba?

Mga chismosa talaga, walang pinipili. Mayaman o mahirap basta chismis, pinapatos!

Nang makarating kami sa gym ay maraming tao. Hinanap ko kaagad ang mga players pati si Couch Zandro.

"Ayon sila." Tinuro pa ni Melody ang lugar kung nasaan sila.

Mabilis kaming nakarating sa pwesto ng mga ito dahil pinaparaan kami ng mga kapwa namin estudyante kapag nakikita nilang ako ang daraan.

Iba talaga ang isang Zairene Fiona Mendez.

Napangisi ako nang makitang kumpleto sila. Katatapos lang yata ng try-out dahil mga pawis na pawis ang mga players.

"Miss Mendez, mabuti naman at nandito ka na. Alam mo bang katatapos lang nila maglaro. Sayang at hindi mo napanood." Nakangiting salubong ni couch sa akin.

"Pasensya na po kung natagalan ako. Kumain pa po kasi kami ng mga kaibigan ko. Sinama ko na nga po pala sila para may kasama ako mamaya pag-uwi," wika ko habang tinitingnan sila ng mga players.

Seryosong natingin sa akin sina George at Tristan habang si Clark ay nakaupo lang sa bleacher.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kong katabi nito si Maureen habang pinupunasan nito ang pawis ng binata.

Nagkatinginan kami pero tila hangin lang ako at nilagpasan ng tingin.

Nalaglag ang panga ko.

"So, As I was saying. Humihingi ako ng paumanhin sa ginawa ni Mikael." Napansin ko si Mikael na nakatayo na sa harap ko.

"Ayieeh," wika ni Dashna.

Bahagya akong tinulak ni Tony kaya medyo nagkadikit kami ni Mikael.

"S-sorry," ani ng binata.

"A-ayos lang," turan ko sa kaniya.

Kahit paano ay naiinis pa rin ako sa kaniya pero naiintidihan ko rin ang side niya. Alam ko na kung ano ang pakiramdam ng nagpipigil ng nararamdaman.

Nginitian ko siya.

"Wag ka na sanang magalit sakin, Zai. Sorry talaga,"

Kitang-kita sa gilid ng mga mata ko ang pagbulong ni Maureen kay Clark dahilan kung bakit ito natawa. Pero nasa akin ang kaniyang tingin.

"Wala 'yon, magkaibigan naman tayo at naiintindihan kita." Nilahad ko ang aking kanang kamay upang pormal na makipag-ayos sa aking kaibigan.

Tinanggap nito iyon.

Gusto kong ngumiti ng matagumpay nang makita kong dumilim ang tingin ni Clark sa amin.

'Ano ka ngayon? Sa dami ng popormahan mo, yang kinamumuhian ko pa talaga, huh? Siraulo mo, Clark!'

Continue Reading

You'll Also Like

167K 5.7K 55
She lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has...
32.8K 790 30
A DerpHerp Fanfiction © 2016
733K 14K 49
💕PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCE 💕 My name is Vienna Torres. I am pretty, sexy, smart and super rich. Nasa akin na ang lahat except Miguel...
17K 297 36
Synopsis: Alexey Ricaforte marries the man she loves, Rendell Liu Vasquez, her college boyfriend. Gaya ng mga bagong kasal masaya ang naging simula n...