Psycho next door

By Serialsleeper

4.4M 207K 108K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... More

Prologue
1 : The fighter
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2
Announcement

9 : The other side

93.2K 4.1K 3K
By Serialsleeper


9

The other side


Kapansin-pansin ang katahimikan ng lahat habang nag-aagahan kami. Hindi maikakaila ang malaking puwang na iniwan ng pagkawala ni Baldwin. Namumugto ang mga mata ng karamihan kakaiyak at ang lahat ay nagluluksa sa pagkawala ng dalawang kasamahan namin. Baldwin just got murdered right in front of us last night and Lauren had just announced about Cara's suicide.


Pasimple kong pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga kasama ko at ng iba pang nasa cafeteria. Maaring isa lang sa kanila ang vulture at maaring alam na niyang may nakadiskubre na sa sikreto niya.


Nahagip ng paningin ko si Miller na nakatayo sa harapan ng buffet. Gaya ko ay minamatyagan niya rin ang bawat kilos ng lahat. Nagtama ang mga tingin namin at tumango si Miller kaya tumango rin ako pabalik.


"Wala bang newspaper delivery ngayon?"


Otomatiko akong napalingon dahil sa narinig at nakita ko si Batman na paupo sa tapat ko habang dala ang kanyang pagkain. Mariin ko siyang tinitigan at napansin kong namumugto rin ang mga mata niya. Hmmm...


Kagabi, matapos kaming lumabas mula sa opisina ni Python. Sinubukan naming balikan ang silid pero hindi na namin ito mahanap. Sa palagay ni Miller, nalaman ng Vulture na nahanap namin ang lungga niya kaya tinakpan na niya ang dinaanan namin. Siguro naman mag-iingat ang vulture na ipahalata ang sarili niya so malamang hindi ito si Batman. Sa tingin ko nga hindi muna papatay ang Vulture para mawala ang atensyon namin sa kanya, unless kami ni Miller ang balak niyang chugiin.


"Ba't ganyan ka kung makatingin kay batman?" tanong ni Vivian. Kung hindi lang talaga siya nagluluksa, malamang nagtaas-baba na siya ng kilay at todo na ang ngisi bilang pang-aasar. Pero dahil bad mood siya dahil sa pagkamatay nina Baldwin at Cara, para siyang lutang at wala sa sarili kung magsalita. Hindi ako sanay, sarap sapakin.


"I crush him," biro ko na lamang sabay kindat kay batman para naman wag akong mahalata.


Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ni batman na para bang natakot siya sa ginawa ko. kinuha niya ang kanyang tray at dahan-dahang tumayo saka naglakad paalis. Naiwan akong nakangiwi sa reaksyon niya lalo na nang mapansin ko ang bigla niyang pagputla. Gagong batman 'to, nakakainsulto 'yon ah!


"Sapakin kita bukas!" Sigaw ko nalang sa kanya.


"Shh, Cara and Baldwin just died," mahinang sambit ni Ledory na para bang sinasaway ako. Nakadungo ang ulo ni ledory at mukha siyang walang ganang kumain, marahan lang kasi niyang ginagalaw ang pagkain niya gamit ang kanyang kutsara.


"Don't shh me, alam ko yun!" giit ko at mas nilakasan pa ang boses ko.


"Shhhh!" biglang naupo si Miller sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.


"Isa ka pa! Don't shhh me! Mananapak ako!" pagbabanta ko sa kanilang lahat dahilan para matahimik ang buong cafeteria. Grabe, nakakatakot ba talaga ako?


****


Dahil sa mga nangyari kagabi, wala kaming naka-schedule na gagawin. Ayon kay Lauren, utos ni Python na magpahinga lang raw muna ang lahat. Kahit wala akong masyadong tiwala kay Python, hinahangaan ko siya dahil sa kagustuhan niyang tumulong sa lahat. Siguro may nangyari ring masama sa kanya noon kaya determinado siyang tumulong sa iba. Ano kaya ang nagtulak sa kanya para itayo ang Cosima?


"So ganyan ka nalang? Magmumukmok at sisihin ang sarili mo hanggang sa matubuan ng buhok ang bangkay ni Baldwin?" biro ko kay Vivian nang madatnan ko siya sa kwarto namin na nakaupo sa sahig at nagsusulat sa diary niya.


Isinara ni Vivian ang kanyang diary at nag-angat ng tingin sa akin. "'Wag ngayon, please?" nakangiti niyang sambit kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mga mata niya. para akong nanliit bigla. Naglaho ang ngiti sa mukha ko at nawalan ako ng sasabihin. P-pakiramdam ko... parang.. parang nakokonsensya ata ako?


Gusto kong mag-sorry pero hindi ko kaya, I mean wala rin naman akong kasalanan sa kanya so ba't ako magso-sorry. Nakakailang, hindi ko alam anong sasabihin. Ay teka!


"Sa tingin mo, ano kayang dahilan bakit pinatay ni Harold si Baldwin?" tanong ko nalang dahilan para mapatingala si Vivian sa kisame sabay hilamos sa kanyang mukha. Hala, mukhang mas lalo ko yata siyang pinaiyak? Kung sapakin ko kaya siya para tumahan gaya ng ginawa ko kagabi?


"The crowned is probably trying to tear us apart," umiiyak na sambit ni vivian kaya agad akong lumapit sa kanya at naupo sa kanyang harapan.


"Look, we shouldn't be pointing fingers right now—"

"I'm not pointing fingers, kleya! Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng lahat! Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng mga tao dito! Bago ka pa lang dito kaya hindi mo alam kung gaano ka-tuso ang mga crowned! Kleya, si Shawn!" napahikbi si Vivian at marahas niyang pinunasan ang luha niya. "Sinadya niya 'to! Siguro sinadya niyang utusan yung crowned na bumangga sa akin! Kleya, ang lakas ng pagkakabangga sa akin ng crowned na 'yon! Imposibleng aksidente lang yung pagbangga niya sa akin! they knew how kind Baldwin was! They knew he would—" hindi na natapos pa ni vivian ang kanyang sinasabi at muli siyang napahagulgol. Iyak lang siya nang iyak. At sa totoo lang... naaawa na ako sa kanya.


"This doesn't mean anything, okay?"napabuntong-hininga na lamang ako sabay lahad ng dalawa kong mga kamay.


"Huh?" kunot-noo niyang sambit habang nakatitig ang luhaan niyang mga mata sa mga kamay ko.


"Whenever I'm sad, Alicia would hug me and I'll feel better. I'm doing you a favor so stop asking so many questions!" sigaw ko na lamang sa kanya at nagulat ako nang mabilis niya akong niyakap. Para siyang isang batang uhaw na uhaw sa isang yakap, para siyang ako noong bata pa.


I hate hugs.

I really hate hugs.

Hugs remind me of Alicia.

Hugs remind me that I can never feel the comforting hug of my twin sister ever again.... because I left her to die at the hands of that welder-masked maniac.


"kasalanan ko 'to, kasalanan ko kung bakit namatay si Baldwin! Dapat ako yung namatay at hindi yung taong mahal ko," iyak nang iyak si Vivian habang mahigpit ang yakap niya sa akin. "Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya."


Gulat man ako sa narinig, mas nanaig ang awa ko para kay Vivian. Hindi ko maiwasang mapayakap sa kanya pabalik. Iyak siya nang iyak habang sinisisi ang sarili niya kaya marahan ko na lamang na hinimas ang likod ng kanyang ulo at hinayaan siyang umiyak sa balikat ko.


"Tahan na, hindi ka sinisisi nun. Mabait ang kalbong 'yon, sobrang bait nun," sabi ko nalang habang pinipigilan ang sarili kong luha sa pagpatak. Nakakainis ang mga gagong 'to, ang ayoko naman sa lahat ay yung maiyak. Bullspit!


"Dapat ako yung namatay eh, hindi si Baldwin," sabi pa ni Vivian kaya napabuntong-hininga na lamang ako.


"Sige, papatayin nalang kita para maging patas kayo," biro kong muli dahilan para agad na bumitaw sa akin si Vivian. Nagulat ako nang mapansing para bang galit na sa akin si Vivian. Bullspit oh! Ano na naman ang ginawa ko?!


"For a second there, I actually thought you were a human being! Why can't you just be a friend, kleya?! Why can't you just have a heart for a few hours! Or just pretend you actually have one!" galit na sambit ni Vivian sa akin habang patuloy ang pagragasa ng kanyang luha. "We are all nice to you! Kahit sobrang sama ng pinapakita mo sa amin, kahit lagi mo nalang kaming sinusuntok, lagi ka naming pinagpapasensyahan at iniintindi! Baldwin told us never to give up on you because he believes you have a heart under all that behavior! Kleya, kahit respetuhin mo nalang ang pagkamatay ni Baldwin oh?" dagdag pa ni Vivian.


Para akong mas lalong nanliit dahil sa pakiusap ni Vivian. Masakit rin naman sa akin na namatay si Baldwin at Cara ah? Kaya nga gusto kong mahanap ang vulture para makapaghiganti.


Napabuntong-hininga na lamang ako at tumitig sa mga mata ni Vivian.


"Just because I don't say anything, doesn't mean I don't care. Just because I act like I don't care, doesn't mean you guys don't matter to me." Napabuntong-hininga akong muli at napatitig na lamang sa sahig. "The wretched are my friends. You guys are my friends. I will love you with all my heart. I will protect you in every way that I can. I will be with you in every battle. But if you cross me, I will end you," sabi ko bagay na labis ikinagulat ni Vivian. Hindi man siya nakapagsalita, unti-unti namang lumitaw ang isang ngiti sa mukha niya habang patuloy parin ang kanyang pagluha.


Hindi ako sanay na magsabi ng nararamdaman. Hindi ako sanay na magpakita ng concern at kabaitan. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko kaya tumayo na lamang ako at agad na naglakad palabas. "Punasan mo yang luha mo, bwisit ka." sabi ko nalang sa kanya habang paalis ako.


****


Palakad-lakad lamang ako sa bawat pasillyo at pasimpleng minamatyagan ang lahat. Nakakainis kasi wala kaming maisip na paraan para malapitan ang mga crowned, hindi rin naman kami pwedeng basta-basta nalang na mag-utos ng crowned para bantayan ang mga ka-baro niya. hindi namin alam kung sino ang mapagkakatiwalaan, nasa amin lang kasi ang vulture. Ni hindi ko nga alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si miller, baka mamaya traydor ang isang 'yon at pinapaikot lang ako sa plano niya.


Bigla kong nakasalubong si Ledory at kasama niya ang isa pang wretched, Eva ata ang pangalan nito? Ewan, di ko sila masyadong memorize.


"Yung bestfriend mo, parang nagp-practice na bugbugin ka," biro ni Ledory kaya napangiwi nalang ako. It's bad enough na namatayan na nga kami at at may psycho pa kaming kasama, tapos ngayon ka-grupo na namin si Tasha. On the bright side, may mapaglalabasan ako ng sama ng loob. Teka, paano kaya kung si Tasha pala ang vulture? Ay hindi, imposible. Mahina yon eh.


"Hinihintay ka na daw ni satanas," biro ko nalang pabalik kay Ledory dahilan para agad maglaho ang ngiti sa mukha nila ni Eva.

"Bad joke?" tanong ko nalang.

"very very bad joke," tugon ni eva kaya tumango-tango nalang ako.


Nang mag-isa nalang ako, naisipan kong magtungo sa practice room na itinuro ni Ledory. Wala lang, gusto ko lang tingnan ang progress ni mortal enemy. Dahan-dahan akong pumasok sa silid at nakita ko si Tasha na nakatayo sa tapat ng punching bag.


"Bullspit," napangiwi na lamang ako nang mapansing malamya siya kung gumalaw. Natumba pa nga siya nang sinubukan niya itong sipain. Mukhang mahina rin talaga siya kung sumuntok. Pero inairness, mukha siyang pursigido kasi kahit tagaktak na ang pawis niya at mukhang pagod na pagod nasiya, di parin siya humihinto.


Pero grabe 'tong si Tasha ah, nagp-practice na nga lang, naka-black croptop pa at flower crown!


"Alam ko na ngayon kung bakit ikaw ang inalay ng mga kaibigan mo," sabi ko pumasok sa silid saka dire-diretsong nagtungo sa table kung saan naroroon ang mga weapons na karaniwan naming ginagamit sa training.


"Can't you see? This room is already occupied!" gaya ng inaasahan, tinarayan agad ako ni Tasha. Hindi talaga siya nagtatanda kahit ilang beses na kaming nagkakasabunutan at sapakan.


"Catch." Pinulot ko ang dalawang baston na gamit namin sa arnis at hinagis ang mga ito sa kanya ngunit laking gulat ko nang hindi niya ito sinalo. Sumigaw lamang siya kaya agad itong tumama sa kanya. "Gaga! Sabi ko catch!" hindi ko mapigilang sumigaw.


"Humanda ka sakin!" sinubukan niya akong sugurin kaya pumulot ako ng dalawa pang baston para sa sarili ko.


"Then go pick up those canes and let's fight the way they taught us!" sigaw ko sabay cross ng dalawang baston na hawak ko.


Nagngingitngit niyang pinulot ang mga basting hinagis ko at sinugod niya ako. Ilang segundo lang, natamaan ko na agad siya dahilan para mabitawan niya ang kanyang mga baston hanggang sa ma-ipit ko na ang leeg niya sa pagitan ng mga baston ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at ibinaba ang mga baston ko saka humakbang paatras.


"You can't throw a punch properly, you can't kick without losing balance, you can't even position your canes properly! How the hell did you survive from a serial killer?!" bulalas ko dahilan para manlisik ang mga mata niya sa galit.


"Ano? Susugurin mo na naman ako?! Magsasabunutan na naman tayo at masasapak na naman kita hanggang sa mahimatay ka?" sarcastic kong sambit sa kanya dahilan para paulanan niya ako ng mura. Sa dami ng mura niya, bitch lang yata yung naintindihan ko.


Napabuntong-hininga ako at nilapag ko ang mga baston sa mesa kung saan ko ito kinuha. "If you're not good at hand-to-hand combat, maybe you're good at something else. Let's try this," sabi ko pa at saka pinulot ang dalawang dagger at inabot ito sa kanya.


Tiningnan ako ni tasha na para bang nababaliw na ako kaya sapilitan kong pinahawak sa kanya ang mga dagger. "Try throwing them at the punching bag," sabi ko.


"Stop wasting my time," pagtataray niyang muli sabay taas ng kanyang kilay.


"Stop wasting my time too and throw the goddamn dagger!" sigaw kong muli sabay taas ng nakakuyom kong kamao.


Walang nagawa si Tasha kundi ihagis ang dagger ngunit laking gulat ko nang literal lang niyang inihagis ang dagger sa direksyon ng punching bag. Gusto kong magwala sa inis pero mas pinili kong huminga na lamang ng malalim.


"Tasha, aim for the punching bag. You are supposed to stab the punching bag by throwing the dagger in its direction," sabi kong muli habang pilit na itinatago ang inis ko.


Napabuntong-hininga si tasha at kahit mukhang inis na inis rin siya sa akin, sinunod niya ang sinabi ko. ngunit imbes na ang punching bag, ang salamin sa dingding ang kanyang tinamaan dahilan para magkaroon ito ng crack.


"Okay, maybe dagger-throwing just isn't for you," napabuntong-hininga na lamang ako at muling humarap sa mesa.


"Why do you even care?! Just leave me alone!" sigaw niyang muli sa akin. Nakakainis na ah! Nabibingi na ako kakasigaw niya!


"try this," iniabot ko sa kanya ang isang katana ngunit nang makitang hindi niya ito halos mabuhat, dali-dali ko itong kinuha pabalik, "'wag nalang pala. Baka mamaya mapatay mo lang ang sarili mo,"


Muli akong pumili ng weapon na ibibigay sa kanya hanggang sa mahagip ng paningin ko ang bow at arrow. Nagdadalawang-isip man, kinuha ko ito at inabot sa kanya.


"why am I even following your orders?" inis niyang sambit habang inaayos ang arrow sa bow.


"Because I will kill you, and I mean it," sabi ko pa habang sinisiguro na tama ang pagkakapwesto niya sa mga ito. baka kasi mamaya, baliktad pala tapos sa amin pa ito tumama.


Nang masigurong tama na ang pagkakahawak ni Tasha sa mga ito, pinaharap ko siyang muli sa punching bag. "Take a deep breath and focus on your target, picture the arrow piercing through the bag," mahinahon kong sambit hanggang sa tuluyan niya itong pakawalan.


Kapwa kami napabuntong-hininga ni tasha nang hindi ito tumama sa punching bag. Ayoko siyang panghinaan ng loob kaya muli akong kumuha ng isa pang arrow at muli itong inabot sa kanya. "You have a good aim, all you need is practice," sabi ko pa.


"Shut up," aniya.


"I will, once you hit the actual target," sabi ko naman.


"Take a deep breath and visualize your target. Imagine that you're going to hit the person you hate the most. Imagine—" kahit hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko, biglang pinakawalan ni Tasha ang arrow at laking gulat ko nang tagumpay itong tumama sa punching bag.


"Yey!" napatili si tasha at nagtatalon.


"Good," tumango-tango ako. "inimagine mo yung serial killer na bumiktima sa'yo?" tanong ko pa.


Agad naglaho ang ngiti sa mukha ni Tasha nang mapatingin siya sa akin. muli, tinaasan niya ako ng kilay. "I imagine that your face was my target."


Gaganti sana ako ng masakit na salita pero ako yung biglang nakaramdam ng sakit... sa tiyan.


"Brb," sabi ko nalang at agad na lumabas upang maghanap ng pinakamalapit na cr.


***


I love bacon but this is what I get for loving it too much—constipation. Ilang minuto na akong nakaupo dito sa loob ng cubicle pero wala parin. Grabe, pati ba naman shit paasa rin sa panahon ngayon? Teka ano ba 'tong pinagsasabi ko? nahahawa na ako sa kung ano-anong hugot nina Vivian sa buhay.


Bigla kong narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto, kasunod nito ang mabagal at mabibigat na yapak. Pinakiramdaman ko nang maigi ang paligid hanggang sa makita ko ang dalawang sapatos na ngayo'y nasa tapat ko na—ang pinto lamang ng cubicle ang nagsisilbing pagitan namin. ba't ganun? Ba't parang panlalake ang sapatos? Shit! Baka mamaya ang vulture na 'to! Nakakainis naman! Ba't ngayon pa na nasa vulnerable moment ako?!


"Respeto naman—" hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko nang bigla niyang hinampas ang pinto at marahas itong kinalampag. Sa sobrang lakas ay mukhang mawawasak na ang pinto.


"Respeto! Respeto! Respeto!" walang humpay akong nagsisigaw sa abot ng makakaya. Sa sobrang lakas ng sigaw ko'y nararamdaman ko na ang pagbakat ng ugat sa leeg ko. hindi ako takot sa vulture, takot akong madatnan niya akong nakaupo sa toilet, jusko!


Tutal false alarm lang naman ang sama ng loob ko, dali-dali na lamang akong tumayo at itinaas ang suot ko. Okay, ready to fight na ako!


"Kleya ano ba—"


Nagulat ako nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto at kasunod nito ang boses ni Tasha. Naku!


"Tasha takbo!" sigaw ko nang biglang huminto ang vulture sa pagkalampag ng pinto ng kinaroroonan ko.


"A-anong ginagawa mo?" narinig ko ang boses ni Tasha. Sabing takbo na eh! Ba't ba ang titigas ng mga ulo nila?! Pag sinabing takbo, takbo na agad!


Narinig kong tumili si Tasha kaya dali-dali kong inunlock ang pinto at binuksan ito. nang makalabas, laking gulat ko nang makita ko si Tasha na nakatulala habang hawak ang kanyang bow. Napatingin ako sa sahig at nakita ko si Botyok na bagsak na sa sahig at namimilipit sa sakit habang hawak ang kanyang tiyan na nagdurugo dahil sa arrow na tumama sa kanya.


"Botyok?!" dahil sa kalagayan ni Botyok, hindi na niya ako masasaktan pa kaya naman dali-dali akong lumuhod sa kanyang harapan at pinagmasdan ang mga mata niya.


Gaya ng kay Harold at kay Apple, nanlilisik ang mga mata ni Botyok na tila ba nagpupuyos sa galit at gustong manakit—parang gusto niya akong saktan. Bukod dito ay may isang bagay pa akong napansin....


"W-what's that on your nose?" tanong ko habang pinagmamasdan ang kulay putting pulbo na nasa kanyang mukha at nguso. Biglang lumuhod si Tasha sa tabi ko at pinagmasdan rin niya ang pulbo sa mukha ni Botyok.



END OF CHAPTER 9!

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 27K 52
Just give me the peace that I want and I won't ask for anything more. - HERA
488K 25.1K 199
ODONG HUNTERS #1 PART 1 & 2 • Bisaya Short Story • Epistolary "Para sa mga gipangchar-char lang." FIRST WATTPAD'S BISAYA STORY. Date Started: Decemb...
293 132 26
*Under revision, but you can still read it, just expect typos, grammatical errors and other mistake, I wrote it when I was a minor.* 'The Nostalgic M...
947K 46K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...