THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 54

101K 1.5K 47
By Theblackwdow

"Mommy is daddy Joel will be coming today?" Si Cristine habang kumakain kami ng Breakfast.

Uminom muna ako ng tubig bago sagutin ito."No baby, daddy Joel will go to manila today. Hindi ba siya nagpaalam sa inyo kahapon?"

 

Umiling ang dalawang chikiting at halata ang paglukot ng mga mukha.

"When he will be going back?" Si carlo habang kinakain ang hotdog.

"Not sure baby, but I'll text him later and inform you when he answered."

 

Hindi nawala ang lungkot sa mukha ng dalawa. 

Hindi lang ako ang nakapansin ng pagtahimik ng dalawa pati si tyra na may hawak ng baso para pagsalinan ng tubig ang mga ito.

"Ateng, family day sa School nila this Saturday. May mother earth pero walang father earth, si papa Joel nagpromise sa dalawang tyanak na siya ang sasama, pero wala siya.. anong gagawin mo ateng?" 

 

Bigla akong natigilan sa sinabi ni tyra sakin.

Shoot

Nawala sa isip ko na family day pala sa Saturday sa school nila.

Nawala ako sa tamang daan dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

Muntik ko nang makalimutan.

"Naku mga anak, pasensya na nakalimutan ni Mommy. Daddy Joel will not be here till next week."

Humaba ang nguso ni Cristine na parang nagpipigil umiyak; hinawakan ko ang kamay nito.

"Don't worry baby, mommy will go with you. Okay lang naman kahit walang daddy diba." hindi ito sumagot at pinadyakpadyak lang ang mga paa sa upuan.

I also look to Carlo na medyo malungkot din.

"Ateng remind ko lang ulit na first time aatend ang dalawang tyanak. Lahat ng pamilya nandun maaring may mga tatay na dala, I'm sure maiinggit si Cristita'y kapag walang daddy silang kasama."

liningon ko si tyra at gusto kong humingi ng tulong sa kanya. But to my disaappoint, bigla nalang itong nailing sakin.

"Ateng naman, kilala na ako sa buong school ng mga tyanak na yan bilang magandang beki. Kaya imposibleng maniwala sila na ako ang tatay ng mga yan."

Biglang bumagsak ang aking mga balikat.

Kailangan kong mapilit si Joel na umuwi ngayon Saturday.

Naawa naman ako sa dalawa dahil first time silang dadalo sa ganun gathering.

"Oh sige, pipilitin ko si Daddy Joel niyo na umuwi this friday okay." wala na akong nagawa kundi ang ipangako yun sa mga bata. Ayaw na ayaw kong nakikita silang nalulungkot o nadidisaapoint lalo na sa ganitong bagay.

Bahala na. Pipilitin ko nalang si Joel na sumama.

Hinatid ko muna sa school ang dalawa kasama si tyra bago dumiritso sa trabaho.

Habang nasa byahe ako ay panay ang tawag ko kay joel. Hindi naman ito sumasagot na lalong nagpapafrustrate sakin.

Kailangan ko siyang makausap kung gusto kong maging masaya ang aking mga anak sa Saturday. Naipangako ko na sa kanila iyon at wala na akong ibang pwedeng gawin kundi ang pilitin ito.

Siguro naman ay maiinitindihan niya kung sasabihin kung tungkol sa kambal ang dahilan ng pag-uwi niya.

Isa pa, ayaw ko rin na malaman ng ibang tao na walang tatay ang kambal.

Na hindi existing ang pangalang nilagay ko sa....wait...

Napapreno ako ng malakas ng maalala ko kung kanino pangalan ang nakasulat na tatay sa birth certificate ng mga bata.

Napamura ako ng malakas.

Bakit nga ba hindi ko naisip noon na ang pangalan na yun ang nasulat ko?

Oo, I was so desperate to have my two kids really mine. Kaya nung pinagawa ko sila ng birth certificate sa NSO, kasama ng mga madre. Since kasal naman ako ay pangalan ni Cyrus ang nilagay ko to validate na akin talaga sila.

Para na rin wala nang question sa catholic school na pinapasukan ng mga anak ko. Nilagay ko rin ang pangalan ni cyrus as a legal father of my kids para wala nang tanong tanong.

"Good morning mam." aniya sakin ng receptionist ng dumaan ako sa lobby.

Nginitian ko lang ang mga taong nakakasalubong ko.

Kailangan ko na palang magmadali dahil ngayon muli ang presentation namin sa bagong campaign. Mabuti naman at naaprrove na ni Ms. Beth yung mga details na napasa ko sa kanya.

Kailangan ko rin pala magpaalam rito dahil baka papasukin ako sa trabaho sa sabado dahil sa deadline ng project.

"Ready na ba kayo?" tanong ko kala kim habang abala sila sa pag-aayos ng mga gamit.

"Yes mam." sabay sabay nilang sabi.

"Mauna na ako sa inyo sa conference room, may kailangan lang akong ayusin sa loob." ani ko pa sa kanila.

Naglalakad ako patungo ng conference room ng maanigan ko ang opisina ni Cyrus na nakaawang ang pinto.

Naririnig ko ang halakhakan nila nilo sa loob at may naririnig akong boses ng babae.

Nakasalubong ko si Dina na nagpapatuyo ng kamay.

"Good morning Ms. Anna." bati nito sakin. sumalubong sakin ang nakabrace nitong ngipin.

Dina is an average girl.

Hindi ito katangkaran na kung susukatin ay aabot lang ito ng 5'1. Tumatangkad lang ito dahil sa suot ng heels.

Natural na mapula ang mga pisngi at labi at ang mata nito'y natatabunan ng eye glasses.

I was wondering kung sumagi ba sa isip nito na umalis sa halimaw nitong amo.

"Good morning din, kakauwi niyo lang ba?" 

 

Umiling ito. "Kahapon pa kami bumalik galing ng Cebu, pero ngayon lang ako pinapasok ni sir. pinaday off niya ako eh." Aniya ng ngumingiti at nagsmile rin ang mga braces nito.

"Ah ganun ba, teka.." nang may maalala ako.

"May bisita ba kayo?" tinuro ko ang opisina ni Cyrus na nakaawang pa rin.

Hindi ko alam pero napansin kong naglaro ang ngiti sa labi nito ng magtanong ako.

"Mga model yan na nasa opisina ni Sir, isa rin na nandyan ay ang anak ni Mr. Lao. Ang pagkakaalam ko ay siya ang gagawin model sa campaign niyo?" Napakunot ang aking noo.

Oo may mga hinahanap kaming model para sa ad campaign pero dapat team ko ang nakaasign dito at hindi kong sino lang.

"Siguro mam, kayo nalang nila Sir ang mag-usap tungkol dyan. Inutusan lang po kasi ako na magcontact ng isang Agency para sa mga models."

 

Napatango ako at hindi na nagsalita. Sandali akong natigilan kahit nagpaalam nang umalis sakin harapan si Dina.

Bweset.

At hindi ko alam kung bakit ako nabebwesit.

Unti unting nabubuhay ang mga kulisap. Damang dama ko ang paninibugho ng bawat isa sa kanila sakin tyan.

Rinig na rinig ko ang malakas na tawanan at parang akong tangang naiinis sa di ko malamang dahilan.

Nanginginig ang aking mga kalamnam at kung patuloy kong mararamdaman ito ay sasabog ako hanggang sa magkapira piraso ang lahat sakin.

Dahil naiinis ako at kahit ayaw na ayaw kong ihakbang ang aking mga paa'y nagtungo pa rin ako sa kwarto nito.

"Sige na Cyrus... samahan mo ako sa shoot ha.." paglalandi ng pamilyar na boses sa lalaking yun.

"Ahh.." tila nahihirapan ito sa pagsagot.

"Sige na dude, wala ka naman gagawin bukas diba." rinig kong pagpupumilit ni nilo.

Naiirita na ako.

At hindi ko alam kung bakit!!

Calm yourself Anna. 

Calm yourself..

"Sige, Anong oras ba?" 

 

Aba't pumayag ang damuho.

Hindi Anna.

Okay lang yan.

Okay lang na lumandi siya sa iba, wala kang paki. Hindi ka nagseselos. Hindi hindi..

Selos!!!

Iyon ang bagay na hinding hindi ko mararamdaman sa kanya.

Pero bakit parang gusto kong manakal ngayon. Kinuyom ko ang aking palad at pumikit.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang gulat na gulat na si nilo.

Pero hindi sa kanya nakatuon ang aking mga mata kundi sa likod nito.

Sa kamay na nakahawak sa braso ng kaibigan nito.

Gulat na gulat din si Cyrus at kitang kita ko ang paghawi ng kamay nito sa kanyang braso.

Matatalim ang aking mga mata na tinignan silang nasa loob.

Tatlong mga modelo ang naroon and kumpirmadong anak ni Mr. lao na si Sarah ang lumalandi sa asawa ko.

"Ah Anna." Nilo cleared his throat at bumaling ako sa kanya.

"Hi.." Casual na bati nito at halatangng kinakabahan.

This man is a bad influence.

Iiniempluwensyhan niya ang isipan ng mga kaibigan niya para gumawa ng isang bagay na hindi maganda.

"Hi.." pinigilan kong mang-irap lalo na sa harapan nito. 

Ayaw kong bigyan sila ng kahit na anong pagdududa sakin nararamdaman.

Walang kahit na anong damdamin silang mababasa sakin. Business as usual Anna,

be profesional.

"Itatanong ko lang sana kung sino ang nagpakuha ng mga models para sa ad campaign."

Tiningnan nito si Cyrus at kitang kita ko ang paglunok ng adam's apple nung isa.

Hindi na nito katabi si Sarah at dahan dahan lumapit samin.

"Ah ako ang nagpakuha." Hinawi ko agad ang kanyang kamay ng magtatangka itong lumapit sakin.

Pinanlakihan ko siya ng mata.

Wag kang magtatangkang humawak dyan!! hinawakan yan ng babae mo!!

"Hindi niyo ba alam na may nakuha na ang aking team na mga models for this campaign." Pinagtaasan ko silang dalawa ng kilay. Nangamot si nilo sa kanyang ulo at liningon muli si Cyrus.

Ang tatlong mga haliparot nama'y nasa gilid lang at mga walang pakialam sa Kumusyon nangyayari samin ngayon.

"Walang nababanggit si Ms. Beth tungkol dito." Si nilo at ngayon nama'y nagpipigil ng tawa.

Baka mabigwasan ko rin ang taong ito. Kapag nagsasalita ito ay laging may kasamang ngisi at pang-uuyam.

Yung pakiramdam na ang saya saya nito kapag nagtatagpo ang landas namin ng kanyang kaibigan.

Kung maasar nga rin kaya ito ng tungkol kay tina. 

"Ms. Beth has nothing to do with this matter, In fact she already said yes to my proposal and even those models, they already approved." swear, pigil ang mga litid sakin leeg habang sinasabi ko yun.

Tinapik nang pangisi ngising si Nilo si Cyrus at kumunot ang aking noo dahil may ibinulong ito.

Nanlalaki ang mga mata ni Cyrus at talagang pumula ang tenga.

"Sige Anna, yung mga models na lang na nakuha ng team mo ang kukunin natin. Ibang project nalang ang ipamimigay ko sa kanila." nag-aalangan itong magpaliwang sakin.

Humugot ako ng malalim na hininga para kumawala ang mga demonyong nagliliparan sakin tyan.

Dapat lang dahil kung hindi kayo papayag ay magkakarun talaga ng malaking problema.

Ayokong isipin ng ibang tao na hindi reliable ang aking team lalo nang boss pa ang humanap ng mga models para samin.

Which is really ridiculous, and those freaking models.

Hindi naman kagandahan, hindi sila babagay sa campaign. 

Alam kong sardinas lang ang ad na gagawin, but dammed, wala sila sa kalingkingan ng criteriang hinahanap ko para ipasok sila sa ad.

Hindi sila mukhang kumakain ng sardinas, mas bagay silang ipasok sa lata at gawin corned beef.

"Okay." pagkatapos ay tinalikuran ko na ito.

Narinig ko ang kanyang paghabol sakin likuran at hinagip nito ang aking braso.

"Let me explain mommy."

 

Explain!!

Mukha mo Brazil!!

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran na ito.

Walang akong pakialam sa kanyang eksplenasyon.

Ang inaalala ko ay ang paghuhuramentado ng mga kulisap sakin tyan na parang may namumuong mga grupo at may gustong ipapatay.

Inis kong nilapag ang aking mga gamit sa mesa.

Arrggg!!

This is wrong!!

This is dammed Crazy!!

This jealousy is wrong.

Walang katuturan ang paghuhuramentado ng mga demonyong na sakin tyan na minsan na akong trinaydor.

Then this tears.

Bakit ako umiiyak?

Hindi siya deserved ng mga luha ko.

What I see is the testament na kahit kailan, walang salita ang may kaakibat na pagsisinungaling sa bibig ni Cyrus.

 Lahat sila kasinungalingan,

Lahat sila panlilinlang lamang.

And God, 

Bakit ko kailangan makaramdam ng ganito?

Para akong hinihiwa ng kung ano sakin mga nakita.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 15.8K 42
He's in a long term relationship with his love. She's never been into any relationship. He slept with his girlfriend's best friend. She got pregnant...
772K 27.1K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
3.6M 49.5K 72
Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**
5.2M 74.9K 55
*Not Suitable for 13yrs old and below readers.* First love never fades. Yan ang lagi kong naririnig. Kasabihan na pinaniwalaan ng lahat at isa na ko...