Psycho next door

Door Serialsleeper

4.3M 204K 106K

Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them... Meer

Prologue
2 : The two sides of the shield
3 : The Director
4 : The wretched
5 : The thing about crowns and daggers
6 : Combat Night
7 : The vulture
8 : The Task
9 : The other side
10 : The Repercussion
11 : The Puppeteer
12 : Tables Turned
13 : The Anchor
14 : The leader of the wretched
15 : Mischief
16 : Salvo
17 : The Wake
18 : Behind enemy lines
19 : The devil's children
20 : Freaks
21 : Fight now, cry later
22 : On the way
23 : Mark my words
24 : Never leave my sight
25 : Survivors
26 : Criminals
27 : The Annihilator
28 : The Other Side
29 : Alison
30 : Kleya is a Gun
31 : This is how I fight
32 : Fragile
33 : Connections
34 : I will protect you
35 : A sigh
36 : The last straw
37 : Facade
38 : Deadly Consequences
39 : Moral Compass
40 : Daddy's little Psycho
41 : Army of evil
42 : The Truth that hurts
43 : Family ties
44 : The Guardian
45 : The Missing Piece
46 : The only thing that matters
47 : Gaslight
48 : The should haves
Epilogue 1 of 2
Epilogue 2 of 2

1 : The fighter

277K 7.6K 3.3K
Door Serialsleeper

1

The fighter

Kleya


"Ms. Hudson, pwede mo bang isalaysay sa amin ang nangyari sa boarding house na tinutuluyan mo?" tanong ng detective na nakatayo sa dulo ng kama kung saan ako nakaratay. Ang kasama naman niyang pulis ay abala sa pagkuha ng litrato sa mga sugat at pasa ko.


"Nahuli niyo ba siya?" kalmado kong tanong habang nanatiling nakatitig sa kawalan at binabalewala ang bawat nakakasilaw na flash ng camera.


Umiling ang detective kaya't napabuntong-hininga na lamang ako. Biglang huminto ang pulis na kumukuha ng litrato, para siyang nagulat sa naging reaksyon ko.


"Ba't parang ang kalmado mo?" usisa ng detective kaya napangisi na lamang ako.


"What makes you think I'm calm? You think you know what's going on in my mind right now?" tanong ko pabalik at nag-angat ng tingin sa kanya. I raised my left eyebrow and looked straight into his eyes, he stared at me with a judging expression, I guess by now he's already thinking that I had something to do with what happened.


"Ms. Hudson, sabihin mo sa akin ano ang nangyari," pag-uulit ng detective sa tanong niya pero this time ay maotoridad na ang kanyang pagkakasabi. Humarap na lamang ulit ako sa kawalan at sinariwa ang nangyari.


"I woke up in the middle of the night because of some strange noises. It sounded like someone was throwing things on the wall, it sounded like someone was struggling... and it sounded like it was coming from the room next to mine," sabi ko na lamang saka napatitig sa mga braso kong puno ng pasa.


"And what did you do next?" tanong niya.


Napangisi na lamang ako sa naging katangahan ko. Bwisit. It was like breaking the number one horror movie rule; I was like a stupid biatch from a horror movie. Ang tanga-tanga ko, di man lang ako nagdala ng pamalo.


"I got out of bed to check it out. I was living with 3 other girls in that boarding house but as far as I know, dalawa lang kami sa bahay nang gabing iyon. I went to her room... the door was slightly opened kaya pumasok ako," huminto ako para lumunok. Sumakit ang leeg ko kakasalita, palibhasa nasakal ako ng umatake sa akin.


"Anong nakita mo?" tanong pa ng detective kaya huminga ako ng malalim at napahaplos sa kumikirot ko pang leeg.


"I turned on the light and all I saw was mess, there was even blood on the floor. Her windows were left opened too. Then, I noticed her lying on the bed but she was covered in her big red blanket. I was sure it was her because her feet were sticking out of it. I called out to her but she wasn't answering so tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa kanya, nagulat ako nang makita ko siyang duguan at nakalaslas na ang leeg—"


"So you ran for help?" singit ng detective kaya muli ko siyang tinaasan ng kilay.


"Whoa there detective bullshit, I'm telling you a story so shut up and let me speak; otherwise I will end you," kalmado kong pagbabanta ko sa kanya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis dahilan para agad siyang matahimik at gulat na mapatitig sa akin. Good.


"Okay so where was I—uh... before I could even move, biglang may humila sa mga paa ko kaya natumba at bumagsak ako sa sahig. And that's when I saw him—the man with the welder's mask. Nagtatago pala siya sa ilalim ng kama at hawak-hawak pa niya ang itak niyang may bahig ng dugo, yun siguro ang ginamit niya sa roommate ko. May dugo pa ngang tumalsik sa maskara niya. Nagpumilit ako na kumawala mula sa kamay niyang nakahawak parin sa paa ko, nagpumiglas ako, pinagsisipa ko siya kaya naman nakawala agad ako sa kanya. I ran towards the stairs but he was faster than me so naabutan niya ako—long story's short, nagpagulong-gulong ako sa hagdan at namalayan kong nasa dulo na ako ng hagdan at sinasakal na niya ako. I was kicking and screaming, loud as I could. Eventually, naramdaman kong sinapak niya ako. That's all I could remember," pagtatapos ko sa paglalahad ng nangyari.


Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ng detective na parang hindi pa naman ganun katanda. Para siyang nagdadalawang isip na magsalita, para siyang naghihintay ng hudyat kung tapos na ba ako sa pagsasalaysay kaya nag-thumbs up na lamang ako.


"May kilala ka bang pwedeng gumawa nito sa roommate mo? May mga nakaalitan ba siya kamakailan lang?" tanong pa ng detective kaya umiling-iling agad ako.


"This isn't about her, detective. My roommate was just a collateral damage. I've been attacked by that welder-masked maniac from before," giit ko.


"Before? edi ibig sabihin nakita mo na siya noon?" tanong ng detective kaya napatango ako kasabay ng pagkuyom ng kamao ko. I don't know what he looks like behind that mask but I'm sure that it was him. I can't be wrong.


"When I was 9, my friend and I snuck out of the orphanage and we got kidnapped by a man wearing a welder's mask. I was able to escape..." Napatulala na lamang ulit ako nang maalala ko ang nangyari noon. I was young, reckless, and at my weakest... I was only able to save myself.


"Anong nangyari sa kaibigan mo?" tanong ng detective pero hindi na lamang ako kumibo. I already told the police what happened 9 years ago, ayoko nang ikwento ulit ang pangyayaring pilit kong ibinaon sa pinakailalim ng isipan ko.


"Pero kung ikaw nga ang pakay ng tinutukoy mo, bakit ka niya hinayaang mabuhay? Bakit iniwan ka lang niya nang basta-basta at di man lang sinaksak o tinaga ng kanyang itak? Bakit niya pinatay ang roommate mo?" tanong niya kaya natawa na lamang ako sabay angat ng magkabila kong balikat.


"To make me suffer emotionally, I guess? Para makonsensya ako at masaktan dahil sa pagkawala ng isang kaibigan?" hula ko. "But, the joke is on him because I'm not friends with my roommate and i'm really not that much affected. At the end of the day, I still won. Kleya Hudson wins the second round while the welder masked maniac is zero—it's a nice attempt to destroy me though," sabi ko pa sabay thumbs up.


Kunot-noo akong tinitigan ng detective, he's too freaked out with my actions, I can't blame him.


***


"Hija, okay ka na ba talaga?" tanong ni Sister Margie sa akin. Siya ang nagsisilbi kong guardian kahit di ako nakatira sa puder niya, siguro para ko siyang nanay na hindi ko naman nanay? Minsan nahihiya ako sa kanya dahil sa pinaggagawa ko sa buhay kaya lagi ko siyang pinagtataguan at iniiwasan. Madre siya, mukha akong satanista—nakakahiyang kombinasyon. Pero ngayong nasa ospital ako, wala na talaga akong kawala sa kanya.


"Yup!" sagot ko na lamang habang hawak ang isang bilugang salamin at pinagmamasdan ang pasa sa noo ko. Nakaupo lamang ako sa ibabaw ng hospital bed, hinihintay ang signal na pwede na akong umuwi.


"Wala kang dapat ikatakot, ginagawa ng mga pulis ang lahat ng makakaya nila upang mahuli ang gumawa sa'yo nito," aniya at hinawakan ang mga kamay ko. She's now old and wrinkly compared to when I first saw her, but she's still as nice as ever. Ever since I was dumped in the orphanage, she's always been there for me.


"I'm not scared, I'm not a little kid anymore," paniniguro ko na lamang sa kanya sabay ngiti. "I may have been raised by the holiest nuns but I'm tight with a lot of gangstas and wild jejemoans so I can handle maself. I'm tougher than nails," biro ko na lamang sabay dab. Ouch, medyo masakit pa pala sa braso.


Sa isang iglap ay bigla na lamang pumasok ang isang babaeng nakasuot ng all-black corporate attire. She's in her mid-to-late 30's I guess? She looks so classy and pretty, I just want to punch her.


"Is she ready to go?" nakangiti niyang sambit kay Sister Marge kaya agad akong napakunot noo.


"Ready to go where?" bulalas ko. Wait, hindi naman siguro nila ako ipapasok sa kumbento para maging madre diba? Dude I am so going to ruin the image of nuns!


"Kleya, sasama ka muna sa kanya para maging ligtas ka. Pumayag akong isali ka nila sa isang programa na po-protekta sa'yo habang hindi pa nahuhuli ang kung sino mang nagtangkang manakit sa'yo," sabi ni Sister kaya agad namilog ang mga mata ko sa gulat.


"Bullsh—" bigla akong sinamaan ng tingin ni sister kaya agad akong ngumiti na parang inosenteng nilalang. "Spit! Bullspit! Dura ng toro!" bawi ko sa mura ko kasi baka mamaya tumaas na naman ang blood pressure ni Sister Marge dahil sa akin, at mas gumanda na naman ang resume ko papuntang impyerno.


Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa babae.


"I can protect myself, so no thank you," pagmamatigas ko pero laking gulat ko nang bigla na lamang naglabas ang babae ng syringe mula sa kanyang bulsa at bigla na lamang itong sinaksak sa balikat ko. Sa sobrang bilis ng galaw ng babae, hindi na ako nakailag pa. Oh Bullspit.


***


"Ms, Kleya Hudson.... We're here.."


Hilong-hilo pa ako habang kinukurap-kurap ang mga mata ko. natagpuan ko ang sarili kong nakahandusay pa sa sahig ng sasakyan kaya gumulong na lamang ako padapa upang masuportahan ang sarili ko sa pagtayo. Gumagalaw pa ang sasakyang may kalakihan pero mabagal lang. I just noticed, may kalakihan pala ang sasakyan at mukhang pwedeng-pwede pa ako magpagulong-gulong dito. It's big and grand, may mini bar pa likuran ng driver's seat kung saan nakapatong ang wine glasses at bottles. Maybe I'm in a limousine. Now that's ravishing.


"I'm going to punch you in the face," pagbabanta ko na lamang habang marahang tinatapik ang pisngi ko upang mawala ang hilo sa sistema ko.


"I'm looking forward to it young lady," natatawang sambit ng babaeng nagmamaneho. Kaming dalawa lamang sa sasakyang sobrang laki. Someone's rich.


Sumilip ako sa bintana at namangha ako sa laki ng gate na madadaanan namin, sobrang taas at may mga spikes pa sa ibabaw! It looks so grand and classy, parang sa mga royalty. At mas namangha pa ako nang matanaw ang napakalaking bahay—I mean palasyo, oh what the heck para na talaga siyang malaking palasyo na may kalumaan.


Sa isang iglap ay bigla na lamang huminto ang sasakyan at automatic na bumukas ang pinto. Wala na akong magagawa pa kaya lumabas na lamang ako ng taas noo sabay ayos sa buhok kong gulong-gulo na.


"Oh Bullspit," hindi ko na napigilang mapamura nang sumambulat sa harapan ko ang kabuuan ng lugar. Napakalaki ng garden at napakaganda ng pinaghalong kulay ng mga ubod ng berdeng puno't halaman at mga bulaklak na kulay pula. There's so many birds and butterflies, the entire place screams peace. Nasa Pilipinas pa ba ako?


"Amazing right?" Nakangiting sambit ng babae na lumabas na pala ng sasakyan at kasalukuyan ko nang katabi.


"I still want to punch you in the face," walang kaemo-emosyon kong sambit.


"By the way, is this the part where you tell me na isa akong mutant? Magiging member ba ako ng X-men?" sarcastic ko na lamang na sambit. "This place looks like Xavier's school for the gifted youngsters! Do I get to wear a costume and punch people?" dagdag ko pa sabay taas ng kilay ko.


Tumawa lamang ang babae at tinitigan ang mansion na nasa harapan namin nang buong pagmamalaki. "This place is called Cosima, a sanctuary for the strong and scarred. Here you can study like a normal teenager, find new friends, make happy memories and build a new life without having to fear for your safety ever again. Leave your bloody past behind, forget the monster who's trying to destroy you and be the person you've always wanted to be. In this sanctuary, you are safe. In this sanctuary, no one can find you. You are now part of Cosima's survivor protection program."


I don't need a program to protect me.

I've been protecting myself since day one.

No thanks.



End of chapter 1!

Note: Just want to clear things out po just in case may ma-confuse, the Maniac word doesn't mean na literal na Manyak hahaha. Maniac in a sense na violent and dangerous haha. Chapter theme is up aboveeee! :)

Thanks for reading!

Vote and comment <3

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

29.9M 990K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
306K 7.9K 14
"Saan napunta ang kanilang mga katawan?"
3.8M 76.1K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...