THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 49

115K 1.6K 39
By Theblackwdow

 

"KULAY ABONG MGA MATA.."



Huminga ako ng malalim habang tinitingala ko ang building ng CBS company.

paroot parito ang mga tao sa labas ng buiding.

napatingin ako sa mga trabahador na busy sa pagbaklas ng logo ng CBS.

Ilang araw na rin ang nakalipas buhat ng maglandas ang aming mga mata ni Cyrus.


marami na ngang nagbago. at marami nang panahon ang lumipas.

marami nang panahon na nasayang, at marami nang mga araw ang nawala.

pero may mga bagay akong hindi ko magawang mabitawan kahit lumipas na ang maraming araw na yaon.


"Anna, hindi panghabang buhay ay dadalhin mo ang sakit dyan sa puso mo. minsan, kung gusto mong makalaya, matuto kang  magpatawad at tumanggap." iyon ang bilin sakin ni mother elena nung unang araw na napadpad ako sa ampunan.

tumuloy ako sa bahay ampunan sa may bulacan.

malayo ang lugar na ito sa bayan at liblib ang lugar.

ito rin ang ampunan na pinagdalahan ko sa dalawang bata noon.

Umiiyak lang ako ng mga sandaling iyon habang kinkwento ko sa kanya ang mga nangyari.

Ayokong magpatawad. iyon ang gusto ko.

Gusto kong ipagkait sa kanila yun at gusto kong usigin sila ng kani kanilang kosensya.

kahit yun nalang ang matira sakin. dahil walang wala na ako simula ng mamatay ang aking mga anak.

"Ang tunay na pagpapatawad ay hindi basta sinasabi lang, ito ay pinararamdam sa kapwa. alam natin mahirap gawin yun, pero ito ang daan para matutunan natin maging isang mabuting tao." narinig ko yun sa isang pastor nang minsan sinama ako ni kim sa isang bible study sa kanilang simbahan.

hindi ko pa rin alam.

para sakin, ang salitang pagpapatawad ay madaling sabihin pero ang ipakita mo talaga sa isang tao ay mahirap gawin.

Ang hirap ibaba ang tarangkahan ng pinto at kalagan ang kulungan kong alam mong may mga bagay na kailangan mong pakawalan,

at yung sakit na yun ang nagpatibay sakin kong ano ako ngayon.

nagbigay ito ng lakas para matutunan kong mabuhay ng mag-isa.

Then Carlo and Cristine came into my life.

masayang masaya ako dahil sa loob ng ilang buwan pananatili ko sa ampunan natutunan ko uling ngumiti at kong pano maging masaya.

"Ampunin mo nalang kaya ang mga bata anna." ani sakin ng isang madre ng minsan makita nila akong pinapatulog ko ang kambal.

nangiti lamang ako rito at hindi ko alam kong ano ang isasagot ko. that Idea gave me hope.

imposible kong iisipin, pero parang may tumutulak sakin na kagatin ang edeyang iyon.

hanggang sa narinig kong nag-uusap sila mother elena kasama ng ilan pang opisyal at madre ng ampunan, kailangan nilang magbawas ng mga bata dahil masyado nang malaki ang populasyon don.

kulang ng mga panahon iyon ang mga donasyon natatanggap nila at may mga bata din silang pinapaaral.

naglakas loob ako na magtanong sa kanila kong pwede kong ampunin ang dalawang bata. 

nang mga oras na yun ay nakaramdam ako ng takot, 

takot na baka masaktan muli sa natitirang pag-asa meron ako.

sa maikling panahon ay natutunan kong mahalin na parang tunay na mga anak sila Carlo and Cristine.

naging magaan ang loob ko sa dalawa sa kabila ng kalungkutan nararamdaman ko.

"Sigurado ka ba anna sa gusto mo?" ramdam ko ang hesitasyon sa pananalita ni mother elena.

tumango ako.

"Wala man ho akong asawa mother, pero ipinapangako ko po na hinding hindi ko ho sila pababayaan. bibigyan ko po sila ng magandang buhay. nang isang masaya at perpektong pamilya." pangungumbinsi ko pa rito.

natagalan ako bago nakakuha ng sagot sa kanila. I know may mga criteria na kailangan emeet para magrant ang kahilingan ko, pero kung sakaling bibigyan ako ng pagkakataon na akuin ang dalawang bata ay bibigay ko ang lahat ng pagmamahal sa kanila.

"Sige pumapayag na kami." abot langit ang pasasalamat ko ng sabihin yun sakin ni mother elena, napayakap din ako gayundin sa iba pang mga madre.

masaya akong umalis sa ampunan kasama ang dalawang bata.

nagtungo muna ako ng leyte para dun sana magsimula ng bagong buhay, pero dahil walang masyadong trabaho sa lugar ay lumipat ako ng samar.

malayo na ito sa manila and I'm sure wala nang gugulo pa samin.

nagsimula akong itayong muli ang aking sarili. mula sa pagkakalunod sa sariling kumunoy hanggang sa makaahon ako.

Hindi nawala ang comunication ko sa ampunan. sponsor rin ako ng ibang mga bata lalo na ang nasa high school.

Sa awa ng diyos, hindi niya kami hinayaan na mamulubi at manirahan sa daan.

"Hindi ka ba napapagod sa pag-aalaga ng dalawang bata." it was joel. isa sa mga kaibigan kong lalaki. gusto nito akong ligawan pero hinindian ko kaagad.

unang una, wala akong maramdaman kakaiba para sa kanya, liban sa isa siyang espesyal na kaibigan, pangalawa, ayaw ko nang maramdaman ang pait na magmahal ka sa isang lalaki.

ayokong malason ng pagmamahal na baka ikamatay ko na kung sakali.

"Bakit naman ako mapapagod. they are the source of my strength. at kahit kelan hinding hindi ako mapapagod sa kanila." sagot ko sa kanya.

naramdaman ko ang pag-akbay nito sakin balikat. hindi ko iyon pinansin at nanatiling nakatuon ang mga mata sa dalawang batang naglalaro sa park.

"Kaya mas lalo kitang minamahal eh." kinurot nito ang tungki ng aking ilong.

umilag naman ako. pero tatawa tawa lang ito.

Joel is kind. napakagentlemen niya.

may ari siya ng malalaking fish pond sa samar at nag-iisang anak. medyo singkit ang mga mata nito pero sabi niya wala daw silang lahing chinese.

moreno ang kulay ng damit at napakakisig.

natural ang pagkalaki ng pangangatawan nito dahil sa trabaho sa probinsya.

nakilala ko siya ng minsan mapunta ako sa fish pond nito dahil na rin gusto namin umangkat ng mga isda sa kanila. isa sila sa mga supplier ng CBS.

everything become smooth between the two of us. at masasabi kong sa unang pagkikita namin ay mabait na siyang tao.

binase ko iyon sa turing sa kanya ng kanyang mga empleyado kahit nakatalikod ito. animo'y isang idolo ang turing sa kanya ng mga ito.

Hanggang sa dumalaw ito sa bahay isang beses at may dalang bungkos ng tilapia at malalaking alimango.

merun rin para kala carlo at cristine. at isang bungkos ng bulaklak para sakin.

doon na ako nag-isip nang kanyang pakay. pero pinaalalahanan ko na siya na hindi pwede.

"Maghihintay ako Anna. hindi naman ako nagmamadali eh."  hindi ako umuo at hindi rin ako humindi. pero alam ko sapat na yun sa kanya para malaman niyang hindi nakasarado ang puso ko sa posibilidad na magustuhan ko siya.

Hindi ito mahirap mahalin. katunayan, kung hindi ako kasal o kung sanay noon ko pa siya nakilala, marahil ay siya na ang lalaking kasama ko.

"Mommy, pupunta po ba dito si Daddy Joel." iyon ang tawag ng kambal sa kanya.

pero alam kong alam nila na hindi ito ang kanilang daddy.

"Hindi baby, pagod na si daddy joel dahil sa work niya sa pond." napansin ko ang paglungkot ng mukha nito.

somehow, naiisip ko rin na gusto ng kambal ng daddy. hindi naman ako ganun ka naive para hindi maramdaman iyon.

Joel is a father figure with them. mahilig rin ito sa mga bata at palagi nitong pinapasyal ang dalawa. kaya siguro naspoil ang mga ito dahil na rin sunod sa layaw kay joel.

"Surprise!!!" sigaw ni joel sa pinto at may bitbit itong half gallon ng ice cream.

"Daddy Joel!!" sabay sabay na nagtatakbo ang dalawa palapit rito at parehong nagpakarga.

Sa mga panahon ganun ang sitwasyon, naiisip ko na bigyan ng pagkakataon si joel na mahalin.

pero may mga bagay rin naman na pumupigil sakin.

at hanggang ngayon ay hindi ko alam kong ano ang rason na yun.

Hindi ako umaasa na mabubuo ang dati kong pamilya dahil ako mismo ang tumuldok at nagtapos nun, pero may bahagi ng aking sarili na hindi pumapayag.

 

Hindi nakaiwas sakin ang mga mapanuring tingin ng mga taong nakakasalubong ko ng pumasok ako sa loob ng building.

it is now or never anna. kailangan mo nang tapusin kong ano ang dapat.

hindi ako titigilan nila ericka na tawagan at puntahan sa bahay kung hindi ako papasok..

Alam kong aware na sila ng relasyon namin ng bagong boss pero hindi ko ipanganganladakan sa lahat ng mga tao na ako ang asawa ng boss nila.

"Mam Anna." aniya sakin ni kuya guard na palaging nagbabantay sa parking lot.

napapalunok ito at tila baga kinakabahan.

"Kuya kamusta po? long time no see ah." casual kong sabi at di ko alintana ang pagiging intimidate niya sakin.

"Ayus naman po, mabuti naman mam at pumasok na kayo." pagpipilit rin nito sa pagsasalita.

ngumisi ako. I know kalat na sa buong CBS at kahit san kasuluksulukan ng kompanya ang ginawa ko nung huli akong pumasok.

"May kailangan tapusin eh." tipid na sagot ko.

nagpaalam na ako at nagtungo ng elevator.

napansin ko ang pag-iwas ng ibang empleyado sakin ng humakbang ako malapit sa elevator.

para akong taong may sakit na nakakahawa. hindi pwedeng tabihan, hindi pwedeng dampian.

nagkibit balikat ako at nagtuloy lang sakin hangarin.

nagtungo ako sa opisina ng aking manager at naabutan ko itong may kausap sa telepono. agad naman itong napabaling sakin at maya maya pa'y binababa na ang tawag.

"Anna good to see you again." aniya sakin. 

si ms. beth ay isa sakin mga mentor. hindi kami masyadong close at wala naman kaming samaan ng loob. Isa siya sa mga nagtulak sakin na magpasa ng application para sa parehong posisyon.

"Thank you Ms. beth, ibibigay ko lang po sana ito." at inabot ko sa kanya ang puting sobre.

hindi nakaligtas sakin paningin at pagtaas ng kilay nito ng abutin iyon.

"Resignation?" nagtaas muli ito ng kilay. napalunok ako at tumikhim bago nagsalita.

"Yes, ms. beth and gusto ko sana ay ngayon araw ang effectivity ng resignation ko." nag-iwas ito ng tingin sakin at napalunok rin.

pakiramdam ko ay bumagsak ang mga balikat nito sa sinabi ko.

"May I know the reason Anna?" napaghandaan ko na ang sasabihin ko sa tanong na yun, pero sa di ko malaman dahilan, wala akong mahapuhap na salita para sagutin ito.

"I..." nauutal ako at ako naman ang nag-iwas ng tingin sa kanya.

"I..." jeez, ni hindi ko na alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya.

nakaawang ang bibig ni ms. beth habang naghihintay ng sagot.

tumukhim akong muli at inayos ang aking sarili.

"I'm sorry ms. beth, pero masyado pong personal ang rason meron ako kaya ho ako aalis." hindi iyon ang prinactice ko kanina, pero iyon ang kusang lumabas sakin bibig.

inilapag nito ang sobre sa mesa at pinagsiklot ang dalawang kamay.

"Wala akong nakikitang rason Anna maliban sa kong ano ang estado ng relasyon niyo ni Mr. Brazil, but do you think you are being fair to your team?"

"Kung aalis ka, sigurado ka ba na hindi maapektuhan ang mga tao mo, pati ang ibang tao sa kompanya."

"Hindi ms. beth, hindi ho iyon tungkol sa bagong boss natin kasi...."

"Then give me an acceptable reason why I should accept this." itinuro nito ang aking resignation letter.

huminga ako ng malalim at sandaling nag-isip ng malalim.

"Meron na ho akong nahanap na mas magandang kompanya ms. beth." ani ko. pero hindi iyon totoo.

nakita ko ang pagngisi nito at alam kong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.

"Hindi mo pwedeng iwanan ang CBS Anna. nakakontrata ka sa kompanya ng tatlong taon. pwede kang kasuhan sa ginagawa mo." 

ako na naman muli ang natigilan. hindi ko naisip ang kontrata sa kompanya. pero kailangan kong gawin ito.

"Anna.' tumayo ito at inabot ang aking kamay.

"Wala akong pakiaalam sa problema ninyo ni Mr. Brazil, problema na ninyo yun at labas kaming lahat dito. pero sana wag mong idamay ang trabaho dahil lamang don. marami ang maapektuhan kong sakaling aalis ka."

kinuha nito ang sobre at inabot sakin.

"Pag-isipan mo muna ang lahat. ayaw kong dumating ang araw na pagsisihan mo to. I know na kailangan na kailangan mo nang trabaho. and besides malapit ka na rin mapromote. diba iyon naman ang gusto mo." pangungumbinsi pa nito sakin.


hindi ko alam pero bigla nalang napaatras ang aking dila sa kong ano ang aking sasabihin.

"pag-isipan mo, bumalik ka nalang kong may valid na reason ka para magresign." tumango ako sa kanya.

bagsak ang mga balikat kong lumabas ng kwarto at nakayukong binaktas ang  hallway patungo ng elevator.

wala akong choice kundi ang manatili rito.

kailangan kong matapos ang kontrata kong ayaw kong makasuhan,

kailangan ko ng trabaho para sa dalawa kong kambal.

kailangan ako ng aking team para sa ikabubuhay nila.

kailangan ako ng kompanya para sa ikalalago nito,

Wala ako sa sariling naglalakad hanggang sa makarinig ako ng tawag sakin likuran.

"Anna.."

nakasuot ito ng isang suit at itim na matingkad na sapatos.

medyo magulo ang buhok at nangungusap ang mga mata.

nakabalandra sakin ang mala model na ngipin nang toothpaste ang ngiti nito.

naramdaman ko nalang ang mahigpit na pagyakap nito sakin.

"I miss you." at walang pasabi sabing hinalikan ako sa pisngi.

"Joel.." mahinang tawag ko sa kanya.

subalit hindi sa lalaking kayakap ko natuon ang aking mga mata, kundi sa dalawang lalaking nasa likod nito.. parehong nakasuot ng pormal na damit.

ang unang lalaki'y rumehistro sakin ang pamilyar na mukha.. medyo nag mature ang ayos nito dahil sa bigote nito.. ang mga mata nito'y parang Leon na nag-aabang ng malalapa... pero may malambot na kalooban sa kanyang puso.

" Damn.." sabi pa ni nilo at nilinga nito ang katabing kuyom ang palad na nakatingin samin..

kitang kita ko ang pagbabat pag-akyat ng dibdib nito.. senyales na nagpipigil ito ng damdamin.

kitang kita ko ang pag-alab ng kulay abo nitong mga mata at ang pag-igting ng panga nitong naghahayag ng malakas na bagyo.

"meet my soon to be girlfriend man.." maliwanag pa sa sikat ng araw ang sabi nito kala Cyrus..

nagrigudon ang tibok ng aking puso nang magtama ang aming mga mata ni Cyrus..

nanginig ang aking kalamnam at hindi ko mapigilan ang pagwawala ng mga kulisap sakin tyan...

"Hi Anna, Good to see you again.."

shit ka nilo!!

nang makita kong nakunot ang noo ni Joel samin tatlo...

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 163K 95
"Pinagsisihan ko ang mga panahong iniwan kita Jesica. Please give me another chance to set things right" Pagsusumamo ni Vincent. "You left me alone...
11.4M 124K 55
Noon Si Dr. Nick Jensen ang nagmahal kay Atty. Jenna Rodriguez ngunit tinanggihan niya ang pagmamahal na iyon. Ngayon Si Atty. Jenna Rodriguez naman...
258K 2.5K 60
Book 3 of Love or Friendship Trilogy
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...