My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 38

1.6K 88 11
By drazzzzyyyy

Tahimik akong naglalakad sa hallway habang pinagmamasdan ko si Ehan na matipunong naglalakad rin sa hallway.

Tapos na ang isang oras na detention kaya ay isa-isa na kaming naglakad patungo sa kanya-kanya naming silid.

“Kelan mo kaya ako maaalala? Maalala mo pa kaya ako?” Bulong ko pa sa sarili.

Wala akong tiyak na kaalaman kung maalala pa kaya niya ako o kung kelan dahil mukhang di rin naman siya interesado sa mga sinasabi ko.

“Huy! Ano ba yan?” Gulat akong napahawak sa dibdib ko. Tumayo ang mga balahibo ko at nanlamig ang paligid ko. Si Alyana lang pala.

Estudyante siya ng paaralang ito, at dito ko siya nakilala. Namatay siya dahil sa kagagawan ng estudyante dito. Di natatahimik ang kaluluwa niya hangga't di niya nakakamtan ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

Pinalabas kasing suicide ang kinamatay niya sa loob ng banyo ngunit, hindi. Pinatay siya.  Di nga lang niya alam kung bakit at kung sino.

“Alyana ikaw pala.” Walang gana ko pang sabi.

“Anong nangyari sayo?” Tanong pa niya. Umiling nalang ako dahil ayaw ko na munang mag salita. Pakiramdam ko ay masyado akong napagod dahil doon.

Gusto niyang layuan ko na siya pero ayaw ko. Gusto ko lang naman maalala niya ako eh pero para san?

“Hmm... balik na nga lang ako mamaya.” Sabi ni Alyana.

Wala na akong maramdamang kakaibang presensya kaya paniguradong umalis na ito. Naging kaibigan ko si Alyana mula nung naisipan kong tumambay sa rooftop ng paaralan.

Di ko alam kung bakit di nila iyon isinara. Maaring mag suicide doon ang estudyante o di kaya maaksidenteng mahulog. Kaya siguro di nila isinara ito dahil ito ay nasa ika-pitong palapag. Ang taas ng school noh?

Ang elevator kasi ay hanggang sa ikatlong palapag lang. At aakyatin mo na yung mga susunod. Di ko na alam kung bakit. Bahala na kayo mag isip.

Pumasok ako sa silid at bumungad sa akin si Ms. Santos ang Business Math teacher namin. Nakataas ang kanyang kilay at matalim na nakatingin sa akin.

“Good Morning Ma'am, May I come in?” Bati ko pa bilang pag galang. Bumuntong hininga naman ito. “Take a sit. Sa susunod, kung malelate kayo, wag na kayo pumasok. You know, time is very important.” Pangaral pa niya.

Nakayuko akong dumiretso sa kinauupuan ko.  Halos kagaya lang din ito sa pwesto ko noon, nasa likod na bahagi, walang katabi, malapit sa dingding. Walang bintana e. Kahit glass man lang dahil aircon.

Nag simula nang tumalak ang guro ng kung ano-anong nakakatamad pakinggan. Ba't ba napakatamad kong mag-aral?

Saan kaya ang room ni Ehan? Ano kayang seksyon niya?

“Okay. Bring out 1 whole sheet of paper, let's see kung may natutunan kayo.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Ano?! Mag qui-quiz kami? Papano yan? Di ako nakinig!

Okay lang sana kung may katabi akong makokopyahan. Naglabas ako ng papel at labag sa loob na isulat ang pangalan ko roon. Nag simula nang mag tanong ang guro at di ko alam kung anong isasagot ko.

Titig na titig ako sa papel at malalim na nagisip. Kinalkal ko sa dulo ng utak ko ang sagot pero wala eh.

Sa gitna ng tahimik na moment na iyon ay biglang kumalampag ng malakas dahil sa pagbukas ng pinto. “Ay palakang may itlog!” Bigla akong nagulat at nasigaw iyon ng malakas kaya imbes sa taong marahas na nag bukas ng pinto ang tignan, ay nasa akin ang kanilang atensyon.

“Ms. Amando. Watch your mouth.” Ani ng guro. Napayuko na lamang ako. Bwiset kasi. Sino ba yung bwesit na ginulat ako—Ehan?

Walang pag bati mula sa kanya ang natanggap ng guro. Dumiretso ito sa bakanteng upuan at ang upuan na iyon ay nasa tabi ko.

Inalis niya ang bag ko at marahas itong itinapon sa gilid niya.

Ang bastos!

Binatukan ko nga.

“What the hell lady?” Inis niya pang tanong. Tinitigan ko ang mata niya. Walang bakas ng playful ghost, tsismoso at mushroom ang makikita roon. Tanging pagiging seryoso at cold lamang ang makikita mo doon.

Ibang-iba siya sa nakilala ko.

“Mukha mo what the hell!” Bwiset na multong to—este tao pala. Marahas kong itulak ang inuupuan niya palayo sa akin kaya medyo na out balance siya at nahulog.

Di ko mapigilang matawa. HHAHAHH

Tumayo ako at kinuha ko ang bag ko sa kung saang lupalop niya ito itinapon at agad siyang inisnoban.

Papunta ako sa kinuupuan ko nang marahas niyang hinawakan ang kamay ko. Nagitla ako sa ginawa niya.

Agad akong napatingin sa mata niya, tila umaapoy ito sa galit. Nakakatakot ngunit nung mapaatras ako, ay tila ba napalitan ito ng sakit.

Huh?

Ba't ka nasasaktan?

“What's happening in the back? Ikaw Mr. Rodriguez, kababalik mo lang eh mangugulo ka nanaman.” Binitawan ako ni Ehan sa pag kakahawak. Napatingin ako sa kamay ko at nagmarka ang kanyang kamay roon.

Nang tignan ko siya ay nahuli kong nakatingin rin ito sa kamay at tila ba nagulat sa kanyang ginawa.

“Ehan...”

Napatingin siya sa akin. Walang galit, walang inis. Puno ito ng sakit at pagkabigla.

Anong nangyayari sayo? Naalala mo na ba ako? Bakit ganyan ang mga tingin mo?

Bakit?

Umiwas ito ng tingin saka naupo kaya naupo nalang rin ako at tila natulala sa pangyayari.

Ano yun?

“Number 5...” Hala letse! Nalimutan kong may quiz pala!  Masyado kasing agaw atensyon 'tong bwisit na Ehan na to.

Napatingin ako sa palibot, busy'ng-busy sila sa pagsusulat. Samantalang nung tignan ko ang papel ko, blankong-blanko.

Nalintikan na.

Mababagsak yata ako nang wala sa oras eh! Jell, focus.

Sumulyap ako sa katabi ko. Hinihimas niya ang kanyang sentido na animo'y sumasakit ito.

Yan na ba ang sign?

Sumulat ito kaya di ko maiwasang di mapatingin sa papel niya. Wtf? May sagot siya!

How come na may maisasagot siya eh samantalang late nga siya dumating at isa pa, di siya nakahabol sa discussion.

Napanguso naman ako at tumingala sa may kisame ng silid. Napaka unfair naman nun. Ako na nakahabol sa discussion, walang maisasagot. Samantalang siya, meron.

Bahala na nga.

Napatingin ako sa table ko. May unfamiliar paper ang naka patong sa papel ko. Napakunot naman ang noo ko.

Matthew Ehan Rodriquez? Ba't nandito to? Nilipad ba ng hangin? May mga sagot ito ngunit blanko lang ang one hanggang four.

Napatingin ako sa gilid ko.  Magsasalita na sana ako kaso bigla siyang nagsalita. “Just copy. Di mo gugustuhing mag pasa sa kanya ng blanko.” Aniya habang nakasandal sa upuan at nakapikit.

Napatingin ako ulit sa papel at sa guro. Kokopyahin ko na ba?

Ish. Bahala na nga.

Isinulat ko ang lahat ng nakasulat sa papel kaso di ko natapos nung sinabi na ng guro na pasahan na. Mahigit lima ang blanko ko roon out of twenty five items.

Yaan na nga. Nang matapos nang ipasa ang papel ay dinismiss na kami ng guro. Lunch na. Ang aga diba? Ganyan talaga kapag special sched.

Nangyayari lang ito tuwing may meeting or emergency ang mga guro. Maaga kaming palalabasin kaya maaga kaming mag lulunch.

Di pa nga pala ako nakakapasalamat kay Ehan. Napatingin ako sa gilid ko, wala nang tao. Tumingin ako sa pinto at nakita kong palabas na siya doon. Wait! Taena naman tong taong to, bilis. Gutom ba siya?

Susundan ko na sana siya kaso may tatlong babaeng humarang sa akin. Sa itsura palang nila, mukha na silang mga mean girls. Wow? Nasa teleserye ba ako? O sa mga typical na kwento? Yung aawayin ka?

“Hey. Ba't antapang mo?” Tanong nung mahabang buhok na maputi. Maganda siya mukhang anghel na demonyo. “Huh?” Napakunot ang aking noo sa tanong niya. Paano niya nasabing antapang ko?

“Wala ka nga talagang alam.” Saad pa niya at tinalikuran ako. Ano bang ibig niyang sabihin. “Wait! Rica! Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko pa.

Huminto sila sa paglalakad. Di ito lumingon kahit na mabilis lang. “Layuan mo si Matthew.” Aniya at tuluyan na nila akong iniwan.

Sino ba si Matthew?

Ay! Tama pala. First name ni Ehan.

Teka? Ba't ba ang daming nagsasabing layuan ko siya?

Ano bang meron?! Sino ba siya?! Bakit ko siya lalayuan?!

Niligpit ko ang mga gamit ko. Dinala ko ito saka lumabas. San ako ngayon pupunta?

Ayoko namang pumunta sa cafeteria e andaming tao doon. Bawal namang kumain sa library. Bawal rin sa room.

Alam ko na!

Naglakad ako sa may hallway, at hinanap ang daan patungong garden ng school. Noon pa man, ay hilig ko nang tumambay sa garden. Kahit pa doon sa dati kong paaralan.

Nang nasilayan ko na ang damuhan at may nakalagay na signage na “Maia's Garden.” ay unti-unting lumawak ang ngiti ko. Kakaunti lang ang estudyanteng pumupunta dito dahil anh sabi-sabi, may engkanto raw.

Pano ba naman kasi, may mga nagtataasang puno at iba't -ibang uri ng halaman. Mas malapad ito kumpara sa dati kong paaralan.

May mga mauupuan rin rito at may mga street lamps ang nakalagay. Mabuti rito, tahimik,  walang mga estudyante, may fresh air at makakpahinga ako.

Isang oras ang nakalaan parati para sa lunch namin. At sa isang oras na yun, mahigit labinlimang minuto lang ang naigugugol ko sa pag kain.

Naupo ako sa may upuan kung saan may puno ito na nagsisilbing masisilungan. “Sa wakas, gutom na ako.” Saad ko pa saka inilabas ang baon kong gawa ng mama ko.

Alam ng mama ko na di ako mahilig bumili ng makakain sa school, kaya lagi niya akong pinapabaunan. Adobong manok ang ulam ko at may pabaon pa siyang curls at chuckie.

“Asan kaya si kuya?” Tanong ko pa kahit na wala naman akong kausap. Sus, fc yun kaya may mga kaibigan na kaagad yun.

Nang matapos akong kumain ay iniligpit ko ito saka inilabas ang cellphone ko. May mga text ito mula kay kuya at kay Coleen. Inaaya nila akong kumain nang sabay. Kaso tapos na ako eh kaya nireplayan ko nalang sila na tapos na ako.

Pumunta ako sa music at nagpatugtog. Kahit Di Mo Alam by December Avenue.

Nagagandahan ako sa kanta kaya imbes na matulog ako habang may music ay sinabayan ko ito.

“Ipikit mo man iyong mata di pa rin naman mag iiba, nabalutan ng poot ang puso mo...”

Yan yung lagi kong nakikita kay Ehan eh. Parang laging galit na ewan.

“Tila malimit kang ngumiti ngayon, di ka rin naman ganyan noon naubusan ng tibok ang puso mo... ”

Ganyan na ganyan si Ehan. Kung dati ay playful ghost siya na laging positive na mukhang tanga ngayon naman ay mukhang di niya na alam kung papano ngumiti. Miss na miss ko na siya.

Kelan ka babalik? Ba't ba masyado akong naattach sayong multo ka?! Ito yung literal na nanggho-ghost. Multo na pinafall ka, pero iniwan ka.

Bwiset.

“Don't you know how to respect when someone is sleeping?”

“Ay palakang may itlog!” Abot langit ang kaba ko sa boses na iyon nang di ko malaman kung sino iyon at saan iyon galing.

Taena! Totoo yatang may engkanto riti eh! O kung multo man yan, di na ako takot sa multo!

Nagpalingon-lingon ako at wala akong may makitang kahit na sino. Ni multo o anino ay wala. Bwesit, engkanto yata yun eh. Di pa naman ako nakakakita ng engkanto.

Nanginginig ako sa takot nang may narinig akong tawa sabay sabing “Crazy woman. Tsk.”

Nawala ang nginig ko nang marinig ko iyon. Kilala ko na kung sino ang taong iyon. Isa lang naman ang nagsasabi sa akin niyan. Napatingala ako sa may puno at may kung sinong unggoy ang nandoon.

“Hoy! May balak ka pang manakot?! Kabwiset ka. Unggoy ka ba ha?! Ba't ka andyan?!” Nakapamewang ko pang talak. Tumalon ito pababa sa harap ko kay magkaharap na kami ngayon.

Yung heart ko. Parang lalabas. Naririnig na ata niya! Sobrang lakas at sobrang bilis ng pintig nito.

“Ehan...” Malumanay ko pang sabi.

Ngumisi ito.

Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong napaatras. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin na halos isang hintuturo lang ang layo.

“Di ka ba natatakot sa akin?” Aniya. Naamoy ko ang bango ng kanyang hininga. Napakabango niya
Nagsi-tindigan ang mga balahibo ko. Di nga ako takot sa multo, sayo pa kaya?

“B-bakit? May dapat ba akong katakutan? Sino ka ba talaga? Ba't dapat kitang layuan?”

Mga tanong ko na tanging siya lang ang makakasagot. Sandali kaming nagkatitigan at kitang-kita ko ang pagiging buhay ng kanyang kulay maging ang kanyang labi ngunit iniwas niya ang kanyang tingin saka tumalikod.

“Leave me alone.” Aniya at nagsimulang mag lakad papalayo.

Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin. At sabi rin ng iilan, layuan ko na siya.

Madaling sabihin, madaling isipin pero bagay na mahirap gawin.

“Ehan bakit?!” Sigaw ko pa. Nakita ko pa 'tong huminto ng ilang segundo ngunit di man lang ito lumingon hanggang sa nag simula ulit itong maglakad at unti-unti nang naglaho sa paningin ko.

Sa ilang pagkakataon, iniwan nanaman niya ako.

A/N: Thank you sa readers na patiently waiting hehehe.  Sensya sa matagal na update.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 497 99
'ʷᵃᵏᵉ ᵘᵖ ᶠʳᵒᵐ ʸᵒᵘʳ ˢˡᵉᵉᵖ, ᵗʰᵉ ᵈʳʸⁱⁿᵍ ᵒᶠ ʸᵒᵘʳ ᵗᵉᵃʳˢ, ᵗᵒᵈᵃʸ ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ, ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ' - ᴱˣⁱᵗ ᴹᵘˢⁱᶜ ⁽ᶠᵒʳ ᴬ ᶠⁱˡᵐ⁾ [San Gabriel University Files is an online...
666K 3K 6
Rank # 15 in FANTASY category as of 02/12/17 STRICTLY NO PLAGIARISM! PLAGIARISM IS A CRIME. -missfries
618K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...
743 186 43
In the realm of "we should be," I find myself rewriting our destiny alone. How did it come to this? What unfolds as I forge my own path, guided by a...