Jmy’s POV
Ano kaya yung nakalagay sa sulat? Haaay! Bahala na nga, saying di pwedeng basahin. Hahahaha.
Flashback
Nagulat kami biglang dumating si kuya Kyle kaninang lunch, pumasok sa principal’s office. Lumapit kami sa kanya pagkalabas niya sa principal’s office.
“Oh kuya Kyle bakit ka andito?” makakuya tong si Daniel oh. Close? Hahah!
“Nagbigay lang ako ng letter sa principal. Magtetest na lang si Aya ng finals para makapasa siya ng 2nd Year”
“So hindi na talaga siya papasok?” tanga talaga nito si Alexis. Hahaha
“Baliw, pano pa papasok eh halos isang buwan na lang tayo sa school, siyempre magpapahinga pa yun!” sabi naman ni Jed.
“Oo nga noh. Minsan din pala may utak ka” sabi ni Alexis sabay tawa. Kung minsan talaga sa barahan hindi mo to matatalo.
“Kuya Kyle bakit ka pa andito? E sabi ni Aya aalis na siya kahapon” sabi ko.
“Susunod na lang ako dun kasi may pasok pa ako” Ay oo nga pala. Architecture course nyan eh, galing kaya magdrawing niyan. Pero palagi sinasabi ni Aya di daw siya marunong magdrawing. Hahaha
“Aaah.”
“O sige alis na ako, may klase pa ako mamayang 2 o’clock eh. Bye! See you all soon!”
“Bye kuya Kyle!” sabay sabay kami.
Naglalakad na siya palayo nang huminto siya, tapos bumalik.
“Ay Jmy, binigay to ni Aya bago siya umalis. Bigay mo daw kay Tyrone, sige bye.”
Hindi na ako nakasagot kasi bigla na siyang tumakbo. Ibibigay kay Tyrone? Ano kaya to? Hindi ko naman pwedeng basahin to, hindi ako ganun noh. Hindi naman para sa akin to eh. Ibibigay ko na lang to kay Tyrone mamaya.
End of Flashback
Nandito na ako sa tapat ng room nila Tyrone. Mukha akong fan niya na nagpatawag sa kanya. Hahaha. Pinatawag ko siya kay ate Grace. Paglabas niya.
“Yes Jmy? Bakit?”
“Pinapabigay ni Aya.”
“Ano to?”
“Toilet paper.” Nagulat siya sa sinabi ko. “joke lang malamang sulat para sa’yo. Sige bye”
Umalis na ako na hindi hinihintay yung sagot niya. Kakahiya kaya sa mga classmate niya.
Carla’s POV
Buti na lang uwian na. Labasan na din nila Aldrin at Daniel.
“Carla, asan si Jmy?” sabi ni Daniel.
“Nasa room pa. May pinagawa si sir sakanilang tatlo eh”
“Aah, sino pa andun sa room niyo?”
“Silang tatlo na lang”
“Aah okay punta lang ako dun ah” Umalis na siya.
Nilapitan ko si Aldrin na mukhang busy kanina sa phone.
“Aldrin, anong problema? Sino ba yun?”
“Aah. Ate ko yun. Pinapauwi na ako sa malacanang” Ha?
“Bakit daw?”
“May sakit daw si mama eh. Tinakot pa nga ako eh, pag di daw ako umuwi, ititigil niya daw yung monthly allowance ko na binibigay niya sa akin tsaka sasabihin niya pa daw kay daddy kung san ako nakatira”
“Hindi baa lam ng dad mo?”
“Hindi. Ang galing ko noh? Hahaha. Ate ko lang nakakaalam. Siya lang nakakaintindi sa akin sa pamilya namin eh.”
“Kawawa ka naman pala sa bahay niyo eh. Hahaha”
“Well, hindi na ngayon.”
“Siyempre wala ka naman na sa bahay niyo eh. Mag-isa ka nga lang sa bahay mo eh. Bakit di mo kaya subukang bumalik?”
“Ayoko” tumalikod siya.
“Bakit?”
“Basta Ayoko.”
“Bakit nga eh. Eto sasabihin lang naman eh.”
Humarap siya, “BASTA! AYOKO NANG BUMALIK DUN. KAHIT KAILAN!” Nagulat ako kasi bigla siyang sumigaw. “Sorry ah.” Sabi niya.
“Hindi okay lang.”
“No. Sorry talaga. Hindi dapat tumaas yung boses ko”
“Okay lang yun. Naiintindihan kita.” Nagngitian lang kami.
“Aldrin”
“Hmm?”
“May tatanong ako. Wag kang magagalit.”
“Okay sige. Ano ba yun?”
“Bakit ba kasi galit ka sa daddy mo? Ano ba yung sinasabi mong nangyari?”
“e kasi……..”
“Hindi ko naman ipagkakalat eh.”
“Alam ko yun. Sige ganito kasi yun, ahm…Gusto niya kasi mag abogado ako, para alam mo na sa pulitika. Pinipilit niya talaga akong mag-abogado, gusto niya mataas palagi grades ko, bawal akong magbarkada, pahirapan pa pag magpapaalam ako na may pupuntahan ako. Isang araw, nagparegister ako para sumali sa Writer’s Club. Pag-uwi ko sinabi ko kaagad sa kanya yun kasi siyempre ipagmamalaki ko tsaka di ko naman alam na ayaw niya pala. Nagalit siya sakin, sabi niya hindi pwede concentrate on your studies! Wag ka munang sumali sa mga extra-curricular activities! Di ko lang pinansin yun kasi sabi ko sa sarili ko, matatanggap din niya yan. Edi natulog na ako nun, pag gising ko, sunog na lahat ng mga articles ko. Pinasunog niya.”
“Ohhh? Pinasunog ng daddy mo?”
“Yes, pinasunog niya. Ayun galit nag alit ako di ko alam ang gagawin ko, siyempre importante sa akin yung mga yun. Kaya lumayas ako, naghanap ng ibang bahay. Tapos nung nalaman ni ate pinapadalhan na niya ako ng pera monthly.”
“Alam mo Aldrin, daddy mo pa rin siya. You should give him another chance. Matagal naman na yun eh, tsaka ang dapat mo lang gawin ay ipaintindi sa kanya na yun ang gusto mo.”
“Hindi ganun kadali yun.”
“Hindi ka naman matitiis nun eh.”
“Natiis nga niya ako ng ilang taon eh. Hindi niya ako hinanap, puro pulitika na lang.”
“Ano ka ba, hinanap ka niya. Nabalita pa nga yun eh, kaya kung ako sayo bumalik ka na”
Aldrin’s POV
Napaisip ako sa sinabi ni Carla. Dapat nga ba na bumalik ako? Pero pano pag di pa rin siya nagbago?
“Hoy Aldrin!”
“Ay..oh…eh…bakit?”
“Ang lalim ng iniisip mo at sa lalim ng iniisip mo, hindi mo napansin andito na sila Jmy. Hahha” sabi ni Carla.
“Ay sorry. Hahaha”
Tyrone’s POV
Ano kaya yung nakalagay sa sulat? Hindi ko pa siya nakikita ngayon ah. Grabe naman magpahinga yun. Namimiss ko na siya. Di naman siya nagrereply, di rin niya sinasagot yung mga call ko sa kanya. Pinagtataguan ba ako nun? Di naman siguro. Bakit naman niya gagawin yun? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Mabuksan nga.
Dear Tyrone,
I’m sorry kasi naghintay ka. Hindi kita pinaasa. May pag-asa ka naman talaga eh pero di na pwede. Im really sorry, hindi na tayo pwede. Thanks sa pag-aalaga mo, sa pinakita mong sincerety sa lahat! Naappreciate ko yun.
Good Bye. Kalimutan mo na ako.
Love,
Aya
Anong ibig sabihin niya? Anong hindi pwede? Hindi, hinding hindi kita makakalimutan.
End of Chapter
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------