Chapter Fifteen (Intramural Day 2)

4.2K 78 0
                                    

*Kinabukasan*

Jmy's POV

Haaaaaaay! Kakatamad namang bumangon! Ano ba yan may pasok pa kasi eh!

*bzzt* Sino naman to, kaaga-aga nang-iistorbo.

From: Daniel <3

Good Morning Jmy! Gising ka na, may laban ka pa mamaya! Manonood ako, Good Luck! :*

Si Daniel pala. Ang aga-aga pa, nabuo na araw ko. Yiieee! CORNY> URGH! Oo nga pala laban ng badminton ngayon. Teka. Bakit siya manonood eh, maglalaro din siya. Makapagreply nga.

To: Daniel <3

Good morning din! :) Diba maglalaro ka din? Pano ka manonood? :*

*bzzt*

From: Daniel <3

Secret. Haha.

To: Daniel <3

Sige, ganyanan ah. Hindi kita papansinin mamaya. :P

*bzzt*

From: Daniel <3

Joke lang! Eto naman. Hahaha. Kasi sa doubles naman ako kaya hindi naman yun magkasabay.

Bakit naman to nagdoubles eh, hindi naman siya sanay. Lokoloko. >:)

To: Daniel <3

Bakit ka nagdoubles? :O

Makatayo na nga. Baka talakan na naman ako ng mommy ko. Hahaha. Tumayo na ako at naligo siyempre nagbihis na din. Iniwan ko lang sa kama yung phone ko at pagbalik ko, 2 unread messages..

From: Daniel <3

E kasi lalaban ka sa singles eh. Kung magsi-singles ako, icocoach ko yung lalaban sa team namin na babae. Edi parang, kinalaban kita. Ayoko ng ganun! :)

Aww. Ikaw na. Haha. Loko to binobola pa ako. Nagulat ako sa isang nagtext.....NAGTEXT YUNG KAPATID KO. ANO NA NAMAN KAYANG PROBLEMA NITO E PAREHO LANG KAMI NG BAHAY NAGTETEXT PA?!

From: Sean! :\

HOY ATE! LUMABAS KA NA DAW SA LUNGGA MO SABI NI MOMMY!

Hay nako. Okay na eh. May epal kasing sumingit eh. Lumabas na ako ng room ko, tapos nakita ko yung kapatid ko sa labas ng pinto ko. Binatukan ko nga. Hahaha

"Aray! Mommy! Si ate oh!" Abaa. sumbungero ka!

"Nyanyanyanyanya. Buti nga sayo. Hahaha" siyempre inasar ko pa lalo.

"JMY! SEAN! TAMA NA NGA YAN! UMAGANG-UMAGA! HALINA KAYO PARA MAKAKAIN NA!" nagsalita si mommy na nasa kusina. Pumunta na yung kapatid ko sa kusina ako naman sumunod na. Pagtingin ko sa phone ko wala pang reply kaya binulsa ko muna.

"Good Morning Ma!" binati ko mommy ko tapos kiniss siya sa cheeks.

Kumain na ako tapos pumunta na sa school. Pagdating ko dun, unang-una kong nakita si Daniel. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

"UY!"

"Handa ka na ba para sa laban mo mamaya?"

"Ako pa! Hahaha!" siyempre nagpractice ako. Dumating na din si Jenelle tapos lumapit sa amin pero hindi siya nagsasalita. May problema na naman to.

"Jenelle. Ano na namang problema mo?"

"Wala. Good Luck mamaya ah" mahina niyang sinabi.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now