Chapter Nineteen

4K 71 0
                                    

Aya's POV

Hay nako. Nakakainis. Badtrip! Humanda talaga sa akin yang Charlene na yaaaaaaan! Nakakadalawa na siya sa akin ha! Eto naman si Alexis wala pa, wala tuloy akong tatawanan. Wahahaha! Pero hindi, nakakairita talaga! Hindi naman niya ako kilala para sabihan ng ganoon! Yung Tyrone naman na yun, hanggang text lang. Hindi man lang niya ako ipagtanggol! Magsama sila!

"Sorry I'm Late!" Nagtinginan lahat sa pinto, si Alexis mukhang pagod na pagod. Hahaha! :P

"Alexis! Hindi ba sinabi ko sainyo na wag mag eenglish sa klase ko?! Baka gusto niyong ipaalala ko sainyo na Filipino Class ito!" Baka gusto mo ring bilisan ang pagtuturo para makalabas na ako?! Hahaha. LOL

"Pasensiya na po ma'am! Ang pangit po kasing sabihin ng 'Pasensiya na po ako'y nahuli sa klase'" Nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Totoo nga naman yun!

"Kahit na! Kahit may English Class kayo, kailangan tangkilikin pa rin ang wikang Filipino. Sige na pwede ka ng maupo"

Umupo na si Alexis, at malamang katabi ko siya. Di ko siya pinansin at tumingin ako sa kabilang side ko. Ilang minuto, may kumakalabit sa akin. Pagtingin ko si Alexis.

"Ano?!"

"Okay ka na?" Nang-aasar ba to?!

"MUKHA BA AKONG OKAY?!" Hala. Napalakas ata.

"Ms. Limin! Ano yan?"

"Ah ma'am wala po"

"Anong wala ka jan?! At dahil jan, sagutin mo ang tanong ko!" BAdtrip naman oh! Hay kung pwede lang pumatay ng tao! NAKOOO!

"Ano ang sabi ni Florante----" Biglang bumukas ang pinto "Ma'am, may meeting daw po sa faculty ang mga teachers" YESS! Lusot!

"Okay sige susunod ako." Umalis na yung nag-announce "Okay class, itutuloy na lang natin bukas. Wag kayong magulo ah!"

"Bye Ma'am!"

Ako naman, sumunod kaagad ako kay ma'am para lumabas. Humanda talaga yang Charlene na yan! Hay nako! Dumaan ako sa cafeteria para malapit. Pagdating ko sa cafeteria, sakto andun sila Charlene tsaka yung mga alalay niyang mukhang bangkay! Pero bakit ganito yung nararamdaman ko, parang nahihiya ako na ewan, andami naman kasing tao dito! Dumiretso na lang ako para di ako mapahiya.

"AYA!" Hay nako, Close ba tayo?! makatawag ka sa pangalan ko ah! Lumapit ako nang nakataas ang kilay. WAAAH! TARAY! HAHAHA

"BAKIT?!" Biglang nagbago yung mukha niya parang namamalimos! Hahaha!

"Sorry Aya! Akala ko kasi ganun ka talaga eh. Pero narealize ko na mabait ka tsaka wala kang kasalanan. Nahimatay ka lang nun kaya nagcare sila sayo. IM SORRY TALAGA! Sinabi ko na sa lahat na hindi totoo yun. Promise magbabago na ako" Ha? Ano to?! Wag kang magpapadala Aya. Arte niya lang yan!

"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo?! Sa lahat ng pinaggagawa mo sa akin!"

"Ano bang gusto mo, lumuhod ako dito?" lumuhod nga siya! HOY! Hindi pa ako umo-oo! "Sorry talaga!" Bakit parang sincere naman to? Papatawarin ko kaya?? May second chance naman lahat ng tao eh. 

"SIge na nga po. Tumayo ka na po jan."

"So, friends?" Inabot niya yung kamay niya. "Friends" Nakipagkamay naman ako.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now