Chapter Sixteen (Intramural Day 2 part2)

4K 74 0
                                    

Tyrone's POV

Bakit ganun? Anong nangyari? Kanina lang ang saya-saya niya, pero ngayon nandito na kami sa hospital. Nahimatay kasi si Aya. Tinawagan na din namin yung daddy niya.

"Bumalik na kayo sa school, ako na ang bahala dito" sinabi ng daddy niya.

Ayaw ko pa sanang umalis kasi gusto kong makitang magising siya pero sabi naman ni Jenelle, umalis na daw kami. Bumalik kami sa school nakita namin si Daniel naglalaro na, ibig sabihin tapos na yung laban ni Jmy kaya pumunta kami sa GYM. Pagdating namin doon.......

"Anong problema? Bakit mukhang nag-aalala kayo?" 

"Si....si....Aya kasi eh.."

"ANONG NANGYARI?!"

"Kanina kasi.....................................NAHIMATAY SIYA. Pero ngayon okay na nasa hospital na siya. Binabantayan na siya ng daddy niya"

"HA?! Bakit?? Pano? Tara! Puntahan natin siya. Tapos na yung laban ko!" 

"E teka Jmy, pano si Daniel?" nagsalita si Carla.

"Itetext ko na lang siya. Ang importante ngayon si AYA!" Ang bilis talaga ni Jmy kapag si Aya na ang pinag-uusapan. 

Ayun, bumalik na naman kami sa hospital. Pagdating namin doon, okay na si Aya. Nakikipagtawanan na nga siya kay............KUYA KYLE? Bakita nandito siya? 

"Oh Jmy! Bakita nandito kayo?" Natigil yung pag-uusap nila tapos napatingin sa amin si kuya Kyle.

"Anong bakit nandito?! Ano na naman bang nangyari sa'yo?" Ngumiti si kuya Kyle nung nakita niya ako, naweiweirduhan na yung tatlo sa tatlo sa harapan ko kasi hindi nila alam na magkakilala kami. 

"TYRONE! Kamusta ka na? Balita ko kayo yung nagdala kay Aya dito, salamat ha!" Nagtataka na yung mga mukha nila. Lumapit si kuya Kyle sa akin at bumulong "Wag mo nang sabihin yung pinakiusap ko sayo dati" Ngumiti na lang ako at sumakay sa mga sinabi niya.

"Kuya Kyle! Ayus lang naman po. Magkaano-ano po kayo ni Aya?"

"Ah, Nakakahiya mang sabihin pero kuya niya ako.Hahaha!" Mapagbiro talaga to si kuya Kyle. 

"Aray!" Nakakatawa silang magkapatid, binato ni Aya ng unan si kuya Kyle.

"Aba kuya! Gusto mong masumbong kay daddy?" Sumbongerang bata talaga to si Aya.

"Joke lang! Hahaha"

"Good. Haha! Teka, magkakilala kayo?"

"Oo naman! Magkateam kami sa basketball dati noong Regional Olympics! Akalain mo yun magka-ibigan pala kayo! ay este magkaibigan pala kayo"

"Siraulo ka talaga kuya Kyle" tatayo sana si Aya pero pinigilan siya ni Jmy.

"Oh, oh, oh.. Umupo ka na nga lang jan! Ang kulit mo kasi kaya ka nahohospital eh" nanay lang ? HAhaha

"Oo na. Makulit na ako kung makulit. Kailan ba ako makakalabas dito? May laban pa kami bukas."

"Lalabas ka na mamaya lang. Atsaka wag ka na munang maglaro ng volleyball kung ayaw mong bumalik dito" Nagulat kami biglang pumasok yung daddy ni Aya at nagsalita.

"E pero Dad. That game is important! Sige na! Pasalihin mo na ako, mag-iingat naman ako eh. PLEASE! PLEASE! PLEASE!" nagmukha na naman siyang batang gustong magpabili ng candy.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now