Epilogue

6.7K 117 9
                                    

Aya’s POV

10 years later….

“Hi Jen! Sorry na late kami, traffic eh.”

“Oo nga, natraffic din kami kanina eh.”

“Oh ano nang nangyari sa inyo? Kailan ang kasal?”

“Hindi pa namin pinag-uusapan iyan eh. Focus muna kami sa career. Hahaha!”

Oo nga pala, si Jen naging artista na kasama ang kanyang boyfriend na singer, si Jed. Sila pa rin hanggang ngayon. Haha, hindi nga naming alam na magaling pa lang kumanta si Jed. Nung una, akala naming magaling lang siyang tumugtog ng gitara eh, yun pala singer din. Si Jen naman, nagsimula sa pagiging model, ayun nadiscover ng director, siyempre yan pa ang ganda ganda kaya niya.

“Kailangan dapat invited kami sa kasal ah.”

“Siyempre naman! Hahah! Sorry late kami.” Bigla bigla na lang nagsasalita to si Jmy, hahaha!

“Masyadong kasing workaholic si Jmy kaya kami nalate eh.” Sabi naman ni Daniel, hanggang ngayon ganyan pa din sila, asaran. Haha!

“Anong ako? ikaw kaya. Atsaka marami naman talaga kasing dapat tapusin na trabaho diba Aya? Tsaka ang hirap kasing iwanan si Angel eh.” Tama, ang dami kayang trabaho. Kasama ko kasi sa trabaho si Jmy, pareho na kaming architect ngayon. Oh diba. Hahah. Si Daniel naman, nagtratrabaho sa isang advertising agency. Pero kahit busy si Jmy at Daniel, kita niyo naman, kinasal na sila siguro mag2-2years na. May anak na nga sila eh, si Angel.

“Oh Daniel, pumunta ka na dun. Alam ko namang namiss mo yang mga lalaking iyan eh.” Tumawa lang siya. Siyempre naman, minsan na lang kami magkita kita.

“Hoy Aya, kamusta naman ang bagong kasal?”

“Haha, okay lang naman.”

“Sus, ikaw ah. Kailan ako madadagdagan ng inaanak?”

“Hay nako Jmy, malayo pa.”

Oo, kinasal na ako kay Tyrone. Alam ko naguguluhan kayo kaya ikwekwento ko sainyo ang mga nangyari.

Flashback

Grabe naman tong restaurant na to, ang sosyal ng mga tao. Buti na lang nagdress ako, kundi mukha akong pulubi. Hahaha! Asan na ba si Paul? Ang sabi niya nasa dulo daw siya eh, left ba o right side? Hala, di ko alam. Hanapin ko na nga lang. pagtingin ko sa right side, mga babae naman ang nakaupo sa dulo. Ah! Malamang sa left side na to, nakita ko si Paul, kahit nakatalikod kilala ko siya. Alam kong si Paul yan. Lumapit na ako.

“Ah, Paul sorry kanina ka pa ba?” lumingon siya sa akin.

“Hindi, kadadating ko lang din. Upo ka.”

Pagkaupo ko… “Aya, about dun sa last conversation natin, sorry ah. Nadala lang ako sa emosyon ko.”

“No, ako dapat magsorry.”

“Aya, kaya kita inimbitahan dito kasi may kailangan tayong mapag-usapan.” Kinabahan naman ako dun. Hahaha!

“O-okay.”

“Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita?”

“Oo naman. Sa isang restaurant sa Canada.”

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now