Chapter Twenty (SISTER niya?)

3.8K 70 0
                                    

Eto na po yung kasama dapat sa chap. nineteen kaso may something na nangyari kaya di ko na nasama! SORRY po :)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jmy's POV

Nasabi ko na kila Alexis na pinapapunta kami ni Tyrone sa court. Si Carla naman susunod na lang daw siya kasi mag-iimpake na siya ng gamit para bukas aalis na lang siya. Bukas kasi siya pupunta sa Tagaytay eh. Nako yung babaeng yun kung di pa namin pipilitin di pupunta, di daw niya kasi alam kung sino kasama niya.

"Jmy. Pasabay mamaya pag-uwi. Di ako sasabay sa service eh"

"Sorry Aya ah, pero kasi may pupuntahan pa ako mamaya bago umuwi. Pero kung gusto mo, hintayin mo ako sa bench"

"San ka pupunta?"

"Secret. Hahaha" Bakit ko nga ba hindi sabihin sa kanya? Hay nako wag na. Baka may magawa akong mali. hahah

"HMP! Ikaw ah, if I know makikipagdate ka lang. Hahaha. Sige hintayin na lang kita kaysa naman mag-isa ko"

"Okay sige. Wait lang ah. CR lang ako."

^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^

4:30 na, kanya kanya naman kami nagpuntahan sa court para di magtaka si Aya. Alam kasi naming lahat na about sa kanya to. Pagdating namin dun, andun na si Jenelle, Carla at Aldrin.

"Oh! Andito na pala kayo. Alam ba ni Aya to?" Nagsalita si Tyrone.

"Hindi alam naman naming about sa kanya to eh. Haha. Ikaw ah!" Sumingit naman to si Daniel.

"Panong?" Tumingin sa akin si Tyrone, siniko ko naman si Daniel "Oooops. Sorry nadulas. Sabihin mo na alam naman na namin eh"

"Ang daldal mo talaga Jmy!" Lagot ako! HAHAHA

"Sorry naman! Likas na sa akin yan! HAhaha!" 

"Okay sige, may MISYON tayo" sabi ni Tyrone. Parang ninja lang ah. Haha. Natatawa ako pero pinigilan ko kasi siniko ako ni Daniel. Hay nako mga lalaki talaga!

"Ano yun?"

"Ganito kasi yun, magtatapat na ako kay AYA."

"ANO?!" sabay-sabay kami.

"Ang OA ah. Wag kayong maingay. Kailangan niyo lang mapapunta si Aya sa GYM bukas ng di siya magtataka. Ako nang bahala sa lahat. Naplano ko na lahat yan." Kaya pala di ka nagpapakita ah!

" E pano kung ayaw niya? Alangan naman na kaladkarin namin siya" OA talaga to si Aldrin.

"Edi kunwari nadisgrasya ako" Nice idea Tyrone!

"Pano kung di siya pumunta? Diba magkaaway kayo?" Oo nga pala. Badtrip na rumor kasi yun eh!

"Pupunta naman siguro yun! May konsensiya at care naman yun si Aya!" sabi ni Carla.

"Oo nga. Kayo talagang mga lalaki kayo! Masyado kayong nagjajudge ng mga babae" 

"Wag mo namang lahatin Jmy" Sabay akbay sa akin ni Daniel.

"Naku! Kayong dalawa di ba pwedeng ipagpaliban yan?!" sabi ni Tyrone.

"Kasi to eh" Pero inaamin ko naramdaman kong nagblush ako. Nahalata kaya?! Kainis naman!

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now