Chapter Twenty Eight

3.1K 51 1
                                    

Tyrone’s POV

Sinundan ko sila Aya hanggang sa labas ng Girl’s CR. Hinintay ko lang sila hanggang lumabas, at inaamin ko ang tagal nila. Grabe naman magCR. Paglabas nila, nakita ko si Aya malungkot.

“Aya, bakit ka na naman malungkot?”

“Wala to” Ngumiti siya.

Habang naglalakad kami pabalik kila Jed tahimik lang silang dalawa. Pagbalik namin dun, namutla si Aya na parang iiyak na.

“Aya.”

“Hmmm?”

“Si Lawrence ba na bestfriend ni Jed at si Lawrence na ex mo, iisa?” Hindi siya sumasagot. “Tama ba ako ha Aya?”

Um-oo lang siya tapos tumahimik ulit. Habang nagkakatuwaan sila sa pag-uusap, tahimik lang kaming dalawa.

“Ay, Lawrence pano nga pala kayo nagkakilala ni Aya”

“Aaaah, magkaklase kami dati” Magkaklase, magkaklase ka pa jan! Bakit? Di mo kayang sabihin na ex mo siya ha! Badtrip tong lalaking to.

“Aaaaaaah. Grabe small world talaga”

“Oo nga eh” Tapos tumingin si Lawrence sa amin ni Aya.

Napansin ko habang tumatagal, kinoclose ni Aya yung kamay niya na parang galit na galit. Kulang na lang sapakin niya si Lawrence eh. Pero pag kinakausap naman siya, ngumingiti pa. Nakakatawa talaga to si Aya. Ang galing magtago ng nararamdaman, pero hindi na siya makakapagtago sa akin. Kilala ko na yata yan. Hahaha.

Nagkayayaan ng umuwi. Napansin ko namang parang narelieve yung pakiramdam ni Aya nung narinig niyang uuwi na kami. Nung nagpapaalam na sila, dirediretso nang naglakad si Aya nang hindi nila napapansin, siyempre sumunod na ako. Naghintay na lang kami sa labas ng gate tapos umuwi na.

Alexis’ POV

Haaaaaaay! Nakakapagod gumala. Buti na lang umuwi na kami. Makapagbukas nga ng facebook walang magawa eh. Oh 15 notifications, 6 messages, at 1 friend request. Inuna ko muna yung friend request, sino naman tong Maria Katherine? Hindi ko kilala, okaaay. NOT NOW. Notifs naman, puro sent you a request naman to. May nagpost din sa group naming, Hay! Quotes lang naman yan eh. Scroll down, OH YESSSSSS! Inaccept na ako ni michelleee <3. Messages naman, Nako puro hi lang naman to ng mga di ko kilala. Oh sino naman to? Siya ang nagmemessage tapos sinabi niya ‘Do I know you?’ grabe ha. Sino ba to?! HA? NAGMESSAGE SI MICHELLEEE <3! Para akong ewan na ngumingiti dito sa loob ng kwarto ko. Hahaha.

Michelleee <3: Do I know you?

Alexis Aguilar: No but I just want to be friends with you.

Michelleee <3: Aww, okay.

Alexis Aguilar: By the way, thanks for accepting my friend request :)

Michelleee <3: No problem! So, magkaibigan na tayo? (Haaaay! Salamat akala ko foreigner to eh. Akala ko mauubusan ako ng English. Hahaha.)

Alexis Aguilar: Ikaw bahala.

Michelleee <3: Okaaay! Friends!

Alexis Aguilar: San ka nag-aaral?

Michelleee <3: St. Agustin Montessori. Ikaw?

Alexis Aguilar: St. Benedict Academy. :)

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now