Chapter Eighteen (Rumor)

4K 72 0
                                    

Sorry ngayon lang nag-update! Projects kasi eh :)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tyrone's POV

Badtrip na project yun! Kailangan ko pa tuloy pumasok. Kainis naman. Buti na lang papasok din si Aya ngayon. Sana okay na siya. AY! Tignan ko nga sa bulletin board kung anong team nanalo sa overall.

"YES! Nanalo yellow team!" Ang galing ko talaga! Hahaha! joke. Teka? ano to? NEWS OF THE DAY?!

SI AYA TO AH! Kailan to? bakit buhat siya ni Alexis? Teka kahapon ba to? Si Alexis ang nagdala sa kanya sa Clinic? AT TEKA?! Sino nagpicture nito?! :O Ako at si Aya? Magkahawak ng kamay?! Kahapon to ah! Badtrip! Alam ko na kung sino nagpicture nito humanda siya sa akin. Ano ba tong nakatupi sa baba? ANO TO?!

*This is Aya Limin the certified TWO TIMER!*

Wag sanang mabasa ni Aya to. Pinunit ko yung nasa bulletin board. Pero nung naglakad ako sa hallway papuntang room, Naku! Madaming nakapaskil sa mga pader, pero wala na akong pakialam humanda ka sa akin ngayon!

"HOY! ANO BANG PROBLEMA MO? INAANO KA BA NI AYA HA?" 

"Aww, I feel sorry for you Tyrone. Grabe naman kasi siya, kawawa ka naman." Badtrip! Nang-iinis ba to?

"Ano bang problema mo Charlene ha?! Napupuno na ako sayo kung hindi ka lang babae nasapak na kita eh!"

"Ginawa ko lang naman yun para malaman mo! Para di ka masaktan! You fool!" 

"UGH! Hindi pa ako tapos sayo jan ka lang!"

Tinext ko si Aya.

To: Aya! :))))

Aya! Kahit anong sabihin nila sayo wag kang magpapaapekto.

"TYRONE! Tara na daw sa Music room! Dun muna tayo kasi may klase daw sa room natin!" Kainis naman! Hindi ko pa mapuntahan si Aya ngayon. Badtrip talaga tong project!

Aya's POV

Kabababa ko lang ng service at yung mga tao. HOYMASSSSH! Nakatitig sila sakin, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? HAHaha. Joke. Feeler lang.

*bzzt* Oh! May nagetxt. Ang aga aga.

From: Tyrone! :))))

Aya! Kahit anong sabihin nila sayo wag kang magpapaapekto.

Ano to? Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari!

Ang landi niya noh!

Oo nga! Kala mo kung sinong maganda!

Hindi naman siya maganda eh!

"OH, ANDITO NA PALA ANG TRENDING SA BUONG SCHOOL! ANG CERTIFIED TWO TIMER NG SCHOOL" Hay nako umagang-umaga ang sarap pumatay ng tao. Teka? Two timer ako?! EXCUSE ME!

"Trending? ano ba tong school na to Twitter?! Hindi ko alam yang mga sinasabi mo! At kung naipakalat mo na yan, sigurado akong hindi totoo yan! Desperada!" Hahaha! buti nga sayo!

"Nagmamaang-maangan ka pa ha! Ang kapal din naman ng mukha mong tawagin akong desperada! Two timer ka!" Sasampalin na naman sana niya ako pero may pumigil..................................si...

"Alexis?" sabay pa kami ni Charlene. Kilala niya si Alexis? :O

"Subukan mo siyang saktan humanda ka sa akin. Halika na Aya" Hinila na ako ni Alexis ng walang nagagawa si Charlene. Pagkalingon ko, shocked pa rin si Charlene.  Nang makarating kami sa corner papunta sa room.....

"Ano ka ba Aya?! Bakit ka ba kasi pumasok?" 

"Eh kasi------"

"Pwede naman kasing hindi pumasok ang players DIBA?! Jan ka lang may tatawagan lang ako"

Lumayo siya para tumawag. Ilang sandali lang nakita ko si Jenelle tumatakbo, kasama si Carla.

"Kayo na ang bahala sa kanya may aasikasuhin lang ako" Umalis kaagad si Alexis. Anong problema nun?!

"Oh Aya. Okay ka lang? Tinatawagan ka namin kanina pa eh. Buti na lang nakita ka ni Alexis."

"Ano ba talagang nangyayari?"

ANO? Pinakita sa akin ni Carla ang isang papel at may dalawang picture. yung isa, ako binubuhat ni Alexis, at yung isa magkahawak yung kamay namin ni Tyrone sa Clinic. At sa baba......OMAYYGASH! 

*This is Aya Limin the certified TWO TIMER!*

"Sino ba sila para husgahan ako?! Akala nila kung sino sila!"

"Relax. Hayaan mo, lilipas din yan. Kami ang bahala. Wag ka ng mag-alala ha?"

"Hindi ako makakapayag na mapahiya ako ng ganito! Humanda siya sa akin!" Hindi na ako nagpapigil naglakad ako papunta sa room nila Charlene. Pero sa kasamaang palad! Badtrip wrong timing talaga to si MA'AM!

"Hep! San kayo pupunta? May klase na pasok!" 

"Sabi ko nga ma'am. dapat nga po susunduin ko kayo eh" Uto-uto naman to si ma'am eh. Hindi pa ako tapos sayo Charlene. Humanda ka mamaya.

Alexis' POV

Ano bang problema niya? Kailan niya ba tatantanan si Aya?!

Charlene calling....

Hello. Mag-usap tayo sa likod ng GYM. Bilisan mo.

Binabaan ko na siya ng phone pagkatapos ko magsalita. Dumiretso na ako sa likod ng GYM. Pagdating ko dun, andun na siya. Ang bilis ah! GOOD.

"Tantanan mo na si Aya"

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"Wala ka ng pakialam dun"

"Teka nga Alexis, gusto mo ba si Aya?"

"Ano bang pakialam mo? Basta tantanan mo si Aya, kung hindi mo siya tinantanan. Hindi mo magugustuhan ang mangyayari" 

Umalis na ako dahil nagbell na. May klase pa kami. Atleast nasabi ko yung gusto kong sabihin.

Charlene's POV

"ANO?!" sabay-sabay silang tatlo na sumigaw.

"Ang iingay niyo girls! Pwede ba sundin niyo na lang ako!"

"E pero sayang naman yung pagpipicture at pagpapakalat natin ng mga evidences!"

"Sino bang leader dito?" tinaasan ko sila ng kilay!

"Ikaw, pero bakit? Bakit gusto mong magsorry at makipagkaibigan?"

"Wala nang maraming tanong!"

"Dahil ba sa sinabi sayo ni Alexis?"

"Oh sige sasabihin ko na sainyo. Oo dahil nga dun. Atsaka pag magkaibigan na kami, mas magiging successful ang mga plans ko!"

"Hay nako naguguluhan pa din kami pero we trust you naman eh"

"Good! Let's go girls!"

End of Chapter

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit kaya ganon na lang naging masunurin kay Alexis si Charlene? May past ba sila? Gusto ba siya ni Charlene? Magkaano-ano kaya sila? Abangan sa next chapter! :)))

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now