Chapter Ten (Close)

5.4K 77 0
                                    

Tyrone’s POV

Nakakatamad naman making dito sa Physics. Paulit-ulit naman tong lesson na to eh. Alam ko na to. Hahaha. Ang yabang lang. Nakita ko yung mga iba kong classmate iba-iba yung mga ginagawa may iba, nagdrawdrawing, yung iba nagdedaydream, yung iba nagtetext at yung iba natutulog na. Hahaha.

*bzzzt*

Nagulat ako biglang nagvibrate yung phone ko sa may bulsa ko. Buti na lang nasa may bandang likod ako kaya pwede ako magtext ng hindi nahuhuli. Inopen ko yung message

From: Aya! :))))

Hello po!

Nagtext si Aya, buti naman at hindi niya tinapon yung binigay ko kanina. Ewan ko ba kung bakit ako nagbigay ng ganun. Hahaha. Siyempre nagreply ako.

To: Aya! :))))

Hey Aya! Wait. I'll call you! :)

Hindi ko na talaga kaya, kung wala akong kausap, baka makatulog ako ng di oras dito. Mapagalitan pa ako. Dinial ko yung number niya. Ang tagal mag pick up ng phone. Ayun sinagot na!

Ahm..Hello?

Hi Aya!

Oh bakit po? bakit po ang hina ng boses niyo?

Naboboring ako eh. Inaantok ako. Hahah.

Diba po may klase kayo? Wag ka po matulog mapagalitan ka jan.

Meron nga.

Aah okay sige bye po.

Wait! Wait! Pagbinaba mo to, makakatulog ako.

Aah. Okay. Hindi na po pala.

Good. Haha. Joke. San ka? Baka ikaw naman ang may klase.

Wala na po akong klase. Nasa may bench lang po ako.

Sino kasama mo?

Sila Jmy po. 

Aah.

Kung ano-ano pa yung pinag-usapan namin. Natapos na yung Physics di pa kami tapos mag-usap. Nalaman ko na pareho lang pala kami ng taon na pinanganak. Pero bakit ganon? Bakit parang sumaya ako nung nalaman ko yun? Ano na ba to? Nagkwento siya tungkol sa kanya at nagkwento ako tungkol sa akin. Di nga ako dating ganito eh. Sabi nila di na rin daw ako masyadong suplado sa hallway. Tama ba tong naiisip ko? Binago nga ba niya ako? Nahuhulog na ba ako sa kanya?! Hindi! Hindi to pwede! 

Sinabi niya rin na kung pwede, wag muna silang maglapit. Alam naman daw niya yung number ko. Hindi ko alam pero lumungkot ako nung narinig ko yun. Pero kung gusto ko naman daw siyang makita pwede naman daw akong pumunta sa room nila. Bigla akong sumaya ulit. Ewan ko ba!

*Kinabukasan*

Tyrone's POV

Naglalakad kami dito sa hallway ng mga kaibigan ko. Papunta kaming cafeteria ng nakita kong lumabas ng cafeteria sila Aya at mga kaibigan niya. Makakasalubong namin sila. Anong gagawin ko? A.) Lalapitan ko ba siya at maghehello? or B.) Hindi ako lalapit pero magwewave lang ako?

Malapit na mag-isip  ka TYRONE! Tapos bigla kong naalala sabi niya pala wag muna kaming maglapit. 

Papalapit na sila.....Bakit ganito? Parang natataranta ako? at yung puso ko ang bilis ng tibok!

DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB-DUB.

Nagkasalubong kami ngumiti na lang ako at nilabas ko yung phone ko. Tinext ko siya.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now