Chapter One (First Day of School)

18.3K 216 9
                                    

Okay first Chapter na Everyone! :) Sana po magcomment kayo :))))

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Aya's POV

"DADDY! ANJAN NA PO YUNG SERVICE! ALIS NA PO AKO! BYE!" sinigaw ko talaga yon dahil nasa kapitbahay siya kausap yung tito ko. Umagang-umaga nakikikapitbahay. Hahaha.

"Oh sige Aya! Ingat! Enjoy your first day!" yan ang Daddy ko. Sinusuportahan lang ako sa lahat ng gagawin ko. Katulad ngayon nag-aaral ako sa St. Benedict Academy. GRABE. 1 hour ang biyahe bago ka makarating kaya may service ako, pero sanay naman na ako dahil nakasurvive na ako ng 1 year dun. OMG! SOPHOMORE na talaga ako. ang bilis talaga ng panahon. Nag-iimagine na ako ngayon ng mga mangyayari mamaya sa school at hindi ko namalayan nakatulog na ako sa kaka-imagine.

"OH MY GOSH! andito na tayo! Can't wait na makita na yung mga classmates ko! I MISSED THEM!" sabi ni Sis. Nagising tuloy ako dahil sa sigaw niya. Di ka naman excited teh?

Nga pala si Sis, actually ang pangalan niya ay Grace. Junior na yan pero "SIS" talaga ang tawagan namin. Siya lang kasi ang kaclose ko sa service. 

Pagkababa ko, siyempre ang una kong hahanapin ay ang friend ko na si JENELLE. Alam ko kasing magkasection pa rin kami, at siyempre nakakahiya kayang maglakad mag-isa. So yun, pagkatapos ng matagalang paghahanap nakita ko na siya kakarating lang pala niya. Ang bagal ha.

"JENELLE! JENELLE!" talagang ganyan excited ako. lumapit na siya sakin.

"AYA! Aya!Aya!Aya!" di ka naman masyadong excited jan? HAHHAHA

"Buti na lang nahanap na kita. Nakakahiyang maglakad mag-isa ha. Acacia daw section natin. Kaso, di na natin kasection sila Sydney." sabi ko.

"Oh? Sayang naman. Pero okay lang yan makikita pa naman natin sila! Pero NAEEXCITE TALAGA AKO" napalakas yung sabi niya at tumingin yung ibang tao.

"Ano ka ba. Hinaan mo nga muna yung boses mo. UY! diba si Carla yun? Tara puntahan natin, alam ko classmate natin siya eh. Tapos hanapin na din natin yung room natin" sinabi ko na lang para makaalis na kami don. Um-oo lang naman siya.

"CARLA! alam mo ba kung san yung room natin?" sabi ni Jenelle at medyo malakas na naman ang boses niya pero di naman napansin ng mga tao kaya okay lang.

"Hindi eh. Hanapin na lang natin" sinabi na lang ni Carla, nagulat din kasi siya, Um-oo na lang kami at naglakad na. Matagal-tagal na rin kami naghahanap pero hindi namin makita. Imbes na yung classroom ang makita namin, nakita namin si Alexis---->Classmate namin dati, mapang-asar at makulit pero masarap kasama.

"Alexis!" Sabi ko. 

"Oh bakit?" Parang naiirita ka jan ah. Magtatanong lang naman ako ah. :P

"Alam mo ba kung nasan yung room natin?" Sabi ko as in seryoso ako nagtatanong.

"Ha? Teka magkaklase ba tayo? Ikaw? Kaklase ko? Haha." Tinignan ko siya ng masama. "Ah oo nga pala. Ayun oh sa may dulo!" Sabay turo. Haha. Natakot ata.

Pumasok na kami sa room at nakita ko ang twin sister ko daw------>si Jmy. Haha. Sobrang bait niyan lagi kaming magkasama sa school. As usual paintroduce lang ng paintroduce yung mga teachers. Ang bilis din ng klase di namin namalayan lunch na. Nung nasa cafeteria na kami, nakakita kami ng kumupulan ng mga babae.

Jenelle's POV

"Ano yan?" Nagkukumpulan kasi yung mga babae.

"May tayaan ng lotto jan. HAHAH. Tara na." eto talaga si Aya hindi nagbabago ganyan pa rin di makausap ng matino. Haha.

"Baliw. Haha. Ikaw talaga. Oh sige na nga. Bili na tayo" sabi ko.

"Uy, andami mo namang binili." biglang sabi ni Carla at pagtingin namin nauna na palang bumili si Jmy. Matakaw talaga ganyan. Pagpasensiyahan pero hindi naman tumataba.

Pagkatapos naming bumili napansin ko na wala na yung nagkukumpulan na mga babae. At nakita ko na kung sino yung pinagkakaguluhan nila si-------------->Tyrone. Yung suplado DAW na junior na crush ni Aya. Napansin ko din na nakita ni Aya si Tyrone.

"Okay lang ba kung pwedeng wag na tayo dito maglunch?" Haynako.Pakipot na naman si Aya.

"Yiieeee! nakita mo lang siya eh." Inasar ko nga.

"Wag ka ngang maingay. Mamaya may makarinig pa sayo eh" Ganyan talaga si Aya di niya pinapahalata kaya ang tingin ng iba sa kanya, wala siyang crush.

Pumunta na kami sa room para maglunch after ng lunch, Computer Education na yung subject namin. BORING.

Aya's POV

Nang nawala na ang kumpol-kumpol na babae, nakita ko na siya ang kanina ko pang hinahanap si TYRONE! Gusto ko magwala pero baka mahalata. Kaya sinabi ko kila Jenelle na sa room na lang kami maglunch.

"Okay lang ba kung pwedeng wag na tayo dito maglunch?" tanong ko. siyempre baka di ko mapigilan ang sarili ko.HAHAHA

"Yiieeee! nakita mo lang siya eh." ang ingay talaga neto kahit kailan.

"Wag ka ngang maingay. Mamaya may makarinig pa sayo eh" syempre para hindi halata, sinaway ko na lang.

Naglunch na kami sa room. Pagkatapos klase na naman. Pero mabilis pa rin ang oras nag-uwian na.

"Aya! Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Jmy.

"Ay malamang ate, nakikita mo na ba service ko? May nakikita ka bang di ko nakikita? HAHAHA. joke. Di pa. Ikaw?" Ganyan talaga kami mag-usap.

"Sorry naman! Haha. Wala pa service eh. Buti pa sila Jenelle malapit lang ang bahay. Ayun nakauwi na sila" yon na lang ang nasabi niya. HAHAHHAHA

"Sydney!" Tinawag ko siya at lumapit samin.

"WAAAAAAH! AYA! Namiss kita! Oh loka anong sasabihin mo?" Kahit kailan talaga maingay to. May itatanong lang ako.

"Namiss din kita at ang kaingayan mo. HAhaha. Teka, bakit pinagkukumpolan si kuya Tyrone kanina?" Curious lang ako.

"Huli ka na talaga sa balita. Siya na ngayon ang pinakacaptain nila kasi grumaduate na yung dati. Kaya ayun yung malalandi kinuyog siya. First day na first day naglandi yung mga yun. HAHAH" Oh I see. Kaya pala.

"Ganon ba. Ay teka. Bye! Anjan na service ko eh. Ingat sa pag-uwi mamaya! See you tomorrow!" Anjan na yung service kaya kinuha ko na bag ko. Pero bago kami makaalis, nakita ko na naman siya. Galing siguro sa court. Atleast kompleto na yung araw ko.

Eto na naman ako sa bahay naka harap sa computer. Bigla akong chinat ni Jmy.

Jmy: AYA! :) ano sasalihan mong club? Hanggang friday na lang daw yung pagdedecide eh.

Aya: Hindi ko pa alam eh. Nakakatamad.

Jmy: Oo nga eh. Pero dapat kasi may club eh bahala na nga sa friday.

END OF THE CHAPTER

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANO KAYANG SASALIHANG CLUB NI AYA? ABANGAN NEXT CHAPTER! :)))))))

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now