Chapter Thirty Six (Aldrin's Birthday!)

3.7K 61 0
                                    

Jmy’s POV

“Ang tagal naman niya!” sabi ni Daniel.

“Baka natraffic lang yun. Malapit nay un.” Grabe ah. Sandali pa lang kami naghihintay makareklamo naman tong mga to.

Late na naman si Aya. Naku! Talaga yung babaeng yun. Late na naman kasi nagising eh, di ko sinasabi sa mga to pero kakaalis pa lang niya sa bahay nila. Haha! Nagpupuyat kasi para mag-internet eh.

“Hay nako. Matutusta tayo kakahintay dito sa labas. Hahaha! Pumasok na tayo sa van, ang init dito. Malapit na yun” sabi ko na lang para tumigil na sila.

Sosyal naman tong sumunod sa amin eh. Okay lang kahit ipabukas na naming yung sasakyan para mag-aircon.

“Uy! Uy! Ako sa may bintana. Walang uupo sa may bintana.” Pagpipilit ni Alexis.

“Oo na! Para kang bata!” sabi naman ni Jed. “Ikaw Tyrone, san ka uupo?”

“Ha? Ako na lang ang huling sasakay. Sige mauna na kayo.” Aysuus! Hinihintay mo lang si Aya eh. HAhahaa!

Nakasakay na kami, siguro mga 10 minutes na rin kaming nakaupo at nagkukulitan sa loob ng sasakyan. Kabagalan talaga ni Aya.

“Teka, si Aya ba yun?” sabi ni Jen, sabay turo sa may labas.

“Oo nga noh! Halika tulungan natin!” Nakita namin si Aya na halos umupo na sa sahig dahil sa kapaguran.

“Aya! Bakit ka ba hingal na hingal jan?” sabi ni Jed, habang tinutulungan si Aya.

“Eh kasi nasiraan yung trycicle na sinakyan ko papunta dito, kaya tumakbo na lang ako papasok dito.”

“Siraulo ka talaga! Bakit ka tumakbo? Alam mo namang bawal ka pa mapagod diba? Kakatapos lang ng-----------------------“

“Okay Tara na.” sabi ni Aya, sabay pasimpleng bumulong kay Alexis “Wag ka ng maingay, si Tyrone nanjan.”

“Ah…hehehe, Tara na! Excited na ako eh.” Sinabi na lang ni Alexis na namutla. Hahaha!

“San ako uupo?” sabi ni Aya.

“Ay oo nga! Jan ka na lang sa tabi ni Tyrone, ikaw ang huling dumating eh.” Sabi ni Jed.

Walang nagawa si Aya, kundi umupo sa tabi ni Tyrone. Si Tyrone naman, walang reaksyon. Abnormal talaga. Hahaha! Pumunta na kami sa isang lugar na hindi ko alam ang pangalan. Nakita naming nandun si Carla at Aldrin.

“CARLAAA! Ikaw pala yan, akala ko yung president at first lady yung nakita ko kanina!” pang-aasar ni Jen. Tumawa na lang kami, pero si Carla kiniliti naman niya sa tagiliran si Jen. Hahaha. Si Aya, mukhang pagod pa rin. Ang sweet naman sa kanya ni Tyrone ngayon, binuhat ni Tyrone yung mga gamit na dala niya. Yieeeee!

“Tara na kanina pa naghihintay yung sasakyan natin papunta sa Palawan.” Sabi ni Aldrin.

Nung nakita na naming yung sasakyan naming. O_O. Sosyal talaga tong lalaking to, may private plane silaaaaaa. WAAAAAAAAAAAAAAAH! Di ko magawang sumigaw dito dahil sa pagkakamangha. Sabagay, tatay lang naman niya ang presidente. Hahaha! makaLANG e noh.

“Okay! Kanya kanyang katabi ah.” Sabi ni Alexis. Eto talagang lalaking to! Palibhasa gustong masolo si Michelle eh, hoy KUYA baka pwede kong ipaalala sayo anjan kuya niya.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now