Chapter Fourteen (Intramural Day 1 part2)

4.3K 77 0
                                    

Aya's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Jmy kanina. Hindi ko inakala yun! Hahaha.

Flashback

Pagkalabas ko sa cubicle ng CR.....

"ANO?" :O

"Wag ka namang masyadong maingay! Ang ingay nito!" HOMAYGASH!

"Hindi nga? Baka niloloko mo lang ako ah!"

"Mukha ba akong nagloloko? Oo nga sinagot ko na siya kanina lang. Pero ikaw pa lang ang sinasabihan ko" Ayun naman pala! Sabi ko na nga ba eh! :"""""""""""">

"Sa tanong mo, Oo. Mukha kang nagloloko. Hahaha. Pero naniniwala na ako. Kailan mo sasabihin kila Jenelle?"

"Haha. Baliw. Ewan ko nga kung kailan eh. Bahala na"

"Ah. Okaay. Yieee! Kayo na!" Talagang sila na! Sila nang MASAYA! URGH! Hahaha. Joke. Bitter ko.

"Ito naman! Kailan mo ba kasi sasabihin kay Tyrone?" Ayan na naman yang tanong na yan eh! Hay nako!

"Ewan, bahala na! Sige tara na, nood tayo ng basketball!" Hinila ko na siya para pumunta sa court.

End of Flashback

Grabe talaga! Hindi pa rin ako makamove-on sa sinabi niya! Hindi ko maisip na sila na. >HAYNAKO<. Nandito na kami ngayon ni Tyrone sa cafeteria, siyempre kumakain. Haha. Ang sarap talaga kumain pag libre. Nag-uusap lang kami ng kung ano-ano.

"Anong sinabi ni Jmy sa'yo kanina?" HALA! Sasabihin ko ba? NO! Girl talk yun.

"Secret! Hahaha"

"Eto naman! Ano nga?"

"Bawal! Girl talk yun! Girl ka ba ha?"

"Sinabi ko ba? Anyway, Aya may sasabihin ako sa'yo." Ano na naman kaya yun? Baka niloloko lang ako nito!

"Oh ano yun?" Curious ako! :O

"Gus-------" naputol yung sinasabi niya kasi may tumawag ng pangalan ko.

"AYA!" paglingon ko sila Jenelle. Mukha na naman silang isang battalion. Hahaha! Pagkalapit nila.

"Kayo aaaaah! Hindi kayo nagsasabi pupunta kayo dito. Nagsosolo kayo ah! Iba na talaga yan!" sabi agad ni Jmy. Ano ba to? May malisya kaagad? kakadating lang nila tapos mang-aasar agad?

Nginitian ko lang at nginitian ko si Daniel. Nagets niya ata yung ginawa ko kaya si Daniel pumunta sa tabi ni Tyrone.

"Tyrone! Anjan ka pala! Congrats ha!" Oh bat namumutla si Daniel? Palusot pa kasi eeh. FYI kuya, kanina pa anjan si Tyrone. Mga palusot effect talaga! Hahaha.

"Bakit kayo nandito?" tinaasan ko ng kilay si Jenelle na nakatitig palagi sa phone niya."Matutunaw na yang phone mo kakatitig mo! HOY!" 

"Ah...Loko...Hindi, may hinihintay lang akong text. by the way, hindi ko alam pero sinabi ni Jmy na may sasabihin daw siya." Sabay tingin kay Jmy "Ano nga ba yun Jmy? Sabihin mo na!"

"Oo nga naman sabihin mo na Jmy. Naiinip na sila! Hahaha" Inasar ko si Jmy at tinignan niya ako ng masama. Yumuko na lang ako.

"Actually guys, nasabi ko na to sa isang babaeng nakayuko jan. Hahah! Okay Daniel, sabihin na natin?"

"Okay lang sa akin. Bahala ka"

"Ahm...Kami na ni Daniel, kanina lang.." Walang nagrereact, lahat nashock. "HOY! Tulala lang? Mga laway niyo tumutulo!" dinagdag ni Jmy.

"Talaga? YIEEE!" Unang nagreact yung babaeng nakatitig sa phone niya. Tapos tumayo siya at niyakap si Daniel at Jmy. Ang drama talaga nitong babaeng to. Bigla namang tumayo tong si Tyrone.

"At dahil jan, ililibre ko kayo!" Abaa. Galante ka ngayon ah. 

"Yehey!" Sabay-sabay sila nagsabi. Tumayo naman ako.

"At dahil din jan, dadagdagan mo yung libre mo sa akin! Hahaha" Inakbayan ko siya at hindi siya umiimik. Pagkakita ko sa kanya nagpipigil siyang tumawa.

"BAKIT HA?!"

"Wala. Natatawa kasi ako sayo" sinabi niya habang natatawa na.

"Oo na. sasabihan mo na naman ako ng matakaw! Oo na alam ko na yan! HMP!" >DRAMA<

"Hindi....kasi....." Tumawa na siya ng tuluyan. "Natatawa ako kasi hirap na hirap kang akbayan ako. Tignan mo oh! Naka tip toe ka!.Hahahah!"

"Abaa. Nakakainis ka talaga! Oo na matangkad ka na!" Tumalikod ako. Hahaha. Napahiya kasi ako eh. Badtreeeeeeeeep!

"Uy joke lang yun. Niloloko ka lang eh. Etoo. Hindi na mabiro" Hindi pa rin ako humaharap. "Oh sige dadagdagan ko yung libre ko sayo" YEY! yun lang naman ang hinihintay ko eh. Hahaha.

Humarap ako at ngumiti. "YEY! okay! Hahaha"

"Oh, bago pa magkaroon ng bagong couple dito, bumili ka na Tyrone. Nagugutom na kami! Hahaha!" Sabay pa si Daniel at Aldrin. Parehong-pareho yung sinabi nila. Nagpractice? Loko loko kayo ah!

"Kayoooo! Palagi niyo na lang kami pinagtutulungan. Wag niyong ginaganyan si Aya, nanalo yan kanina." Thanks Tyrone! YIEEE! :"""""""> Okay ako na ang Kinikilig!

"Oh talaga?! Congrats!" Tumayo sila Jenelle, Daniel, Aldrin at Carla para guluhin yung hair ko.

"HO!HOY! Sagrado yang buhok ko! Mga lokoloko kayo! Hahaha"

Nakita ko si Tyrone tumatawa lang pati na rin si Jmy. Kaya ayun nagtawanan na lang kami. Natapos yung ng may biglang dumating..

"OHW! There here! Napakasaya niyo naman nakakainggit kayo" si Charlene. Hay nako! Andito na naman tong babaeng to!

Lalapitan niya sana ako pero humarang si Tyrone.

"Kung may binabalak ka, wag mo ng gawin" Hinawakan ni Tyrone ang kamay ko. "Tara na guys, nawalan na ako ng gana dito, sa iba na lang tayo kumain" Hinila niya ako na para bang kami. Ako naman imbes na mainis kay Charlene, eto kinikilig! URGH! Bakit ba ako nandito. Hindi ko tuloy napansin na nalagpasan na namin si Charlene.

Pumunta na lang kami sa pavellion. Sabi ni Tyrone kukunin lang daw niya yung bag niya sa boy's locker room. Sumama naman sa kanya sila Aldrin at Daniel. Pag-alis nila..

"YIEEE! Haba ng hair mo ate! Hahaha" Ngumingiti lang ako sa mga sinasabi nila. Mga lokolokong to. Binobola ako. Ako naman tong uto-uto naniniwala.

Nagtatawanan lang akming tatlo at bigla naming napansin na malungkot si Jenelle.

"Jenelle, ano na namang problema?" nagsalita si Carla.

"Ah...ehhh......wala" Ayan na naman siya. Hindi kasi ito nagsasabi kung may problema siya eh.

"Sabihin mo na ano ba yan?"

"Sige na nga. Hindi pa kasi siya nagpaparamdam eh. Kahit isang text wala pa." Hay nako sbi ko na nga ba eh.

"Hayaan mo na magtetext din yan"

End of Chapter

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sino kaya yung hindi nagpaparamdam? Abangan! :)))))))))))))))))))))

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now