Chapter Eleven (Meet Daniel)

5.2K 83 0
                                    

Jmy’s POV

“Jmy!” Ano ba to istorbo sa practice! Pagkalingon ko, ay si Daniel lang pala. Si Daniel yung moderator ng badminton at Table Tennis. Siya yung kinaiiinisan ko dati dahil nagkabangga kami sa hallway. Nakakatawa mang sabihin pero hindi ko talaga alam kung bakit nagalit ako sa kanya. Siguro kasi nagmamadali ako nun. Ay! Ewan!

Inis na inis ako sa kanya nun lalo na nung ininterview kami nila Carla at Aldrin. Moderator na kasi ako ng Badminton kaya dapat kasali daw ako.

Flashback

“Anong feeling ng moderator ka ng Table Tennis?” tanong ni Aldrin.

“Okay lang, hindi naman masyadong mahirap eh. Dati nga moderator pa ako ng Table Tennis at Badminton eh, buti na lang ngayon nagkaroon na ako ng katulong sa mga responsibilidad” Mayabang pala to eh! Nakakainis talaga! Ngumingiti na lang ako kasi si Carla picture ng picture.

Kung ano-ano pa yung tinanong. Naiirita na ako dito. Tapos ang mas nakakairita pa bawat sagot niya ngingiti siya sa akin.

End Of Flashback

Simula nung naging moderator ako, lagi kaming pinagsasama ni coach. Inuutusan gumawa ng ganyan ng ganito. Ang dami dami! Nung magkasama naman kami, mabait naman pala siya. May time pa na nagkamali ako sa ginawa ko tapos nagalit si coach at nagulat ako kasi bigla niyang inako yung mali ko. Sabi niya siya daw ang may mali. Naging masaya kami sa araw-araw na magkasama kami. Asaran at tawanan palagi. Mahilig siyang magpatawa at magjoke.

Naging close kami at isang araw….

Flashback

“Jmy, may sasabihin ako” Seryoso yung mukha niya. Di ako sanay

“Weh? Baka lolokohin mo na naman ako ah!”

“Hindi. Makinig ka kasi hindi ko na to uulitin”

“Okay. Makikinig ako pero siguraduhin mong seryoso yan ah!”

“Oo, Jmy” Hinawakan niya yung kamay ko! OMG! Yung heart ko..

DUBDUBDUBDUBDUBDUBDUB..

“Matagal ko na tong tinatago. Matagal na kitang tinitignan. At matagal ko na ring gustong sabihin na….na…………………………………………………….na” lumuhod siya.

“GUSTO KITA JMY! MATAGAL NA! BAGO KA PA NAGING MODERATOR NG BADMINTON! Pwede ba kitang ligawan?” buti na lang walang tao dito sa GYM kundi nakakahiya.

“Tumayo ka na nga diyan. Mamaya may pumasok pa dito sa GYM makita ka pa”

“Pwede ba kitang ligawan? Hindi ako tatayo dito hangga’t di mo sinasagot yung tanong ko.” Aba? Nanakot pa!

“Oo na nga. Pwede mo na akong ligawan. Pero handa ka bang maghintay?”

“Maghihintay ako kahit gano katagal! Thank you! Binuo mo na ang araw ko” Nagngitian lang kami nun.

End of Flashback

Limang buwan na pala niya akong nililigawan. Simula nun, sumasama na din siya sa amin nila Aya. Sumasama na din sa amin si Alexis kasi sabi ni Aya para naman daw hindi maOP si Daniel sa amin. Sabi ni Alexis, para daw hindi maOP si Daniel sige. Pero if I know, gusto niya lang makasama si Aya. Eheemm! :”””””>.

“Oh bakit?” back to normal.

“Pwede mauna na ako sa service? Inaantok kasi ako eh” Magkaservice na nga pala kami niyan simula nung naging magkaibigan kami.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now