Chapter Three (Moderator)

8.2K 114 1
                                    

Jmy's POV

Naghiwalay na kami ni Aya, buti na lang maikli lang yung pila kaya mabilis akong nakapunta sa harap. Pagkapunta ko sa harap, nakita ko yung moderator namin. BADTREEEEP! Yung lalaking bumangga sa akin. Naiinis ako per wala akong magawa, binilisan ko na lang ang pagpirma tapos nung binigay ko yung form----------->NGUMINGITI siya sa akin parang nang-aasar! IIIIHHH! nakakairita talaga! >:/ Umalis na lang ako at hinanap si Aya.

Nakita ko si Aya abot tenga ang ngiti. Bakita kaya?

"AYA!" Tinawag ko siya habang papalapit sa kanya. "Oh bakit ngingiti ngiti ka jan ha?" tanong ko.

"EH KASI MODERATOR NAMIN SI............................Tyrone! Hahahah!" Okay siya na ang masaya. Mukhang excited na excited siya.

"Aah. Kaya naman pala ikaw ha" sinabi ko na lang.

"Oh bakit ikaw? parang inis na inis ka jan ha." Napansin niya.

"EH PANO BA NAMAN KASI ANG MODERATOR NAMIN AY YUNG LALAKING BUMANGGA SA AKIN KANINA!" tinuro ko yung mokong.

"Relax. Chill ka lang. Baka atakihin ka jan sa puso" Grabe inasar pa ako ah.

"Tara na nga. Nababadtrip ako dito" TALGANG BADTRIP NA BADTRIP AKO DITO! Um-oo na lang siya kasi napansin niyang galit ako. Nung paglabas namin sa GYM nakita namin si Jenelle. Anong club kaya ang sinalihan niya?

"JENELLE! DITO!" Hinahanap hanap niya kami at biglang napalingon siya sa direksyon namin. Lumapit siya sa amin.

"Anong sinalihan mong Club?" sabi ni Aya na abot tenga pa rin ang ngiti.

"Ah sa ano ako....sa Writer's Club" 

"Aah.. So magkasama kayo ni Carla?" magkasama daw kasi ang Camera Club at Writer's Club.

"Oo. Kasama ko nga siya sa paggawa ng Article eh." So magkasama nga sila.

"Tara na. May ikwekwento pa ako sa iyo Jenelle" Sinabi ni Aya na naglalakad na pala.

"Oh ano yun?" parang naeexcite na naman tong si Jenelle. May pagka OA talaga. Kinwento na ni Aya kay Jenelle yung mga nangyari sa GYM eto naman si Jenelle tuwang-tuwa at nang-aasar pa. hahahah. Pagbalik namin sa room malapit na pala mag-uwian kaya wala nang nagklase na teacher. Kinuha na lang namin yung mga bag namin at naghintay na ng service. As usual kami na lang ni Aya ang natira dahil maaga naman umuuwi sila Carla.

"Aya! Nakita ko nga pala sa bulletin board ng sports club sa july na daw ang try-out kaya magpractice na." Sinabi ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit.

"Aah. Samahan mo pala ako magpractice." Um-oo na lang ako pero halatang natatakot siya.

"Natatakot ka pa rin ba na mangyari yung dati?" Tinanong ko.

"Hindi noh! Kaya ko yan. Gusto ko tong larong to kaya kakayanin ko yan." 

"Okay sasamahan kita magpractice!" Sinabi ko na lang para lumakas ang loob niya.

Aya's POV

"Natatakot ka pa rin ba na mangyari yung dati?" Nahalata niya siguro na mejo lumungkot yung mukha ko.

"Hindi noh! Kaya ko yan. Gusto ko tong larong to kaya kakayanin ko yan." Yun na lang ang sinabi ko para di siya mag-alala. Pero sa totoo, natatakot pa ba ako?

"Okay sasamahan kita magpractice!" Yan ang gusto ko kay Jmy palaging supportive.

Nung nakita ko na ang service nagpaalam na ako kay Jmy at kinuha na yung bag ko. Eto na naman ako sa loob ng service nag-iimagine ng mga bagay bagay. Papayagan kaya ako ni Daddy na magvolleyball ulit? Bahala na. Pero kailangan ko talaga sabihin.

*Sa bahay*

"DADDY! andito na po ako." sinabi ko habang papalapit sa pinto ng bahay.

"Oh sige, magbihis ka na para makakain na tayo" Um-oo ako at nagbihis na. Nung nasa hapag kainan na kami......

"Dad, magtatry-out po ako ng Volleyball, Okay lang po ba?" Sinimulan ko ang pagsasalita.

"Kaya mo na ba anak? Sige kung yan ang gusto mo, okay lang sakin basta wag ka lang magpapagod ha" Ngumiti na lang ako. YOWN! kaya gusto kong nagpapaalam kay Daddy eh. Pinapayagan ako. Siyempre kaya ko yan! Naeexcite na naman ako. Kailangan ko na magpractice tomorrow!

End of Chapter

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now