Chapter Twenty Nine (Day before the competition)

3.4K 54 0
                                    

Jenelle’s POV

Ang bilis ng panahon! Grabeeee! February na pala. Pero masasabi ko lang eto na ang pinakamaganda at pinakanaenjoy kong pasko at new year. Siyempre anjan si Jed eh. Yieeeee! :”>

“Jmy. Asan si Aya? Nasa court pa din? Naku! Busy siya jan baka mahimatay na naman yun!” Busy na siya kasi bukas na yung laban nila.

“Oo nga eh. Halos wala na siyang pahinga”

“Naku! E asan si Tyrone?”

“Busy din sa Investigatory project at requirements nila.”

“Nakakainis naman kasi tong mga projects na to eh. Hindi tuloy natin mabantayan si Aya”

“Oo nga eh, tapusin na nga lang natin to”

“Oh Jen, bakit parang stress na stress jan?”

“E KASI NAMAN TONG MGA PROJECT NA TO EH”

“Chill. Wag kang mahighblood jan. Hahaha”

“Sorry ah, tapos ka na bas a mga projects mo?”

“Oo ah. Ako pa! Gusto mo tulungan kita? Nai-stress ka na eh.” Concern talaga sa akin si Jed. Kaya mahal ko to eh.

“Wag na. Group project na lang naman eh. Kaya na naming to. Thank you!”

“O sige na. Balik ka na dun. Baka malate niyo pang matapos yan dahil sa akin. Hahaha.”

Um-oo na lang ako kasi tinatawag na rin ako nila Jmy. Pagdating ko dun sa mga kagroup ko.

“Oh Jen, ang kailangan na lang pala ay iprint eh. Nagawa mo na pala yung mga hindi natapos kahapon.”

“Ah…eh…Hahaha. Sinipag lang ako kahapon.”

“Thank you Jen ah. Buti na lang natapos mo na, kasi marami pa akong projects na gagawin eh. May mga kulang na grade pa kasi ako. Kung gusto mo ako na lang magpiprint”

“Wag na. Ako na. Ang mabuti pa eh gawin mo na yung mga requirements mo. Kaya ko na to.” Tapos ngumiti ako at kinuha na yung usb. Nakakaawa naman kasi si Janica, minamadali pa siya ni ma’am kasi 84 lang yung grade niya eh ang kailangang mareach sa subject nay un ay 85.

Pumunta na lang ako sa office ni Mrs. Caling para magpaprint. Habang naglalakad ako, nakita ko sila Jmy at Daniel nag-aayos ng bulletin board ng Badminton at Table Tennis. Oh ang bilis naman nito si Jmy, kausap ko lang to kanina sa room ah. Paglapit ko….

“Mas maganda yung blue!” sabi ni Daniel.

“HINDI! MAS CUTE YUNG RED!” sabi naman ni Jmy. Nakooo! Tong mga to, aso’t pusa talaga.

“Subukan niyo kaya yung violet! Kayo! Nagtatalo na naman kayo!”

“E KASI TO SI DANIEL PALAGING KONTRA EH!”

“NAGSUSUGGEST LANG AKO!”

“TSE!”

“Hay nako. Bahala na nga kayo jan.”

Naglakad na ako palayo. Baka nagtataka kayo kung bakit di ko sila inaawat. Hahaha. Naku! Magbabati rin yan mamaya. Mag-aaway sila, tapos magbabati rin. Parang mga bata lang eh, yan siguro ang sikreto ng relationship nila kaya tumatagal.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now