Chapter Thirty Eight (Meet my family)

8.6K 58 1
                                    

Jenelle’s POV

Hay nako. 4pm ang usapan, 4:30 na wala pa. Alam niya bang nakakatakot gabihin dito sa park na to?! May narerape daw dito eh. Halaaaaaaaaa. Erase erase! Tinatakot mo iyang sarili mo sa iniisip mo eh. Think positive! Wala yan.

“Jen? Jen? Ikaw ba iyan?”

“Aya! Bakit ka andito?”

“Pauwi na ako eh. Kapapagod magtraining.”

“Saturday may training pa rin kayo?” Sipag talaga neto oh. Kung ako iyan di ako aatend ng training.

“Oo eh, ikaw, bakit ka nandito?”

“Eh kasi si Jed eh, sabi niya magkita daw kami dito. Late na nga siya eh.”

“Gusto mo samahan muna kita dito? Delikado dito, mag-isa mo pa.”

“Wag na. Pagod ka eh, umuwi ka na para makapagpahinga ka.”

“Sigurado ka?” Samahan mo ako pleaseeeeeeeeeee! Kakatakot dito!

“Oo, okay lang ako dito. Ingat ka!”

Aya’s POV

Iniwan ko na si Jen, naglakad na ako pauwi. Habang naglalakad ako, feeling ko may sumusunod sa akin. Naririnig ko yung tunog ng paa niya pero ayoko nang lumingon natatakot ako. Nakita ko may mga lalaking nakatambay sa isang tindahan, ang papangit nila at mukhang mga walang magawa sa buhay. Gumilid na lang ako nakakatakot mga itsura nila eh.

“Hi miss, anong pangalan mo?” Naku! Napansin ako, lagot na. Kailangan wag ipapakitang takot ka Aya.

“Wala ka ng pakialam dun.” Binilisan ko na maglakad.

“Ang sungit mo naman, pero okay lang ganyan ang gusto ko.” Lagot naabutan na niya ako, tapos hinarang niya pa ako. Babalik sana ako, pagtingin ko sa likod ko nandun din yung mga kasama niya. Pano na tooooooo? KUYAAAAAAAA!

“Baka pwede ka naming maimbitahan saglit?” Naku! Aakbayan na sana niya ako nang biglang may nagsalita galing sa likod.

“Subukan mo siyang hawakan, babasagin ko yang mukha mo.” OHMYGOSH.

“Tyrone?” para kasing kaboses niya eh.

“Pare, wag ka ng makialam dito. Baka gusto mong hindi makauwi sa bahay niyo.”

Pumunta siya sa harap ni Tyrone, naku! Mukhang bugbugan ang mangyayari. Pag to si Tyrone nabugbug, kasalanan ko pa.

“Baka ikaw ang di makauwi.” Nang-inis pa to! Hoy! Paalala, marami sila.

“Aba, mayabang ka ah.” Susuntukin na nung mukhang bakulaw si Tyrone, tinakpan ko yung mata ko.

May naririnig akong mga suntok pero di ko alam kung kanino galing at sinong natamaan. Ilang sandali pa, narinig ko nang nagsalita yung mukhang bakulaw, alam kong siya yun. Ang pangit ng boses niya.

“Tama na, tama na. Pasensiya ka na. Di na kami uulit.” HA? ANONG NANGYARI SA TAPANG MO?

“Halika na, hahatid na kita.” Biglang sabi ni Tyrone, tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakatakip sa mata ko, pagkita ko. O_O NAPABAGSAK NIYA LAHAT YUN?!

Hindi pa rin ako makapaniwala, hinila ni Tyrone yung kamay ko para gumalaw na ako. naglalakad na kami, nakalayo na kami pero feeling ko wala pa rin sa katinuan yung utak ko, di pa rin ako makapaniwala.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now