Chapter Twenty Five

3.6K 62 0
                                    

Jenelle's POV

YEEEY! Monday na! Ang tagal naman ni Carla. Ang dami ko pa man ding kwento sa kanya. Hahaha! Para akong ewan dito, nakaupo lang sa bench sa labas ng gate. Hahaha!

"HOY JEN!" Maka hoy to ah!

"Oh bakit Jmy?"

"Bakit ka andito?"

"Hinihintay ko si Carla."

"WEH?! Ikaw ah! If I know iba yung hinihintay mo jan!"

"Baliw. Hahaha!"

"Okay, confirmed. Anyway, ang saya mo ngayon ah, parang kahapon lang ang haggard mo! Tapos ngayon, tignan mo si ate oh, BLOOMING! Hahaha!"

"Baliw ka talaga Jmy. Wala ka na namang magawang matino. May nalaman lang akong nangyari sa'yo nung isang araw ba yun?! Hahaha!"

"Ano?!"

"Yung tungkol sa monthsary niyo ni Daniel! Ikaw ah!"

"HOY BABAE! Wag kang maingay jan! Hahaha! Sige na nga alis na ako, may notes pa akong isusulat eh"

"Okay! Iwas issue lang si ate? Hahaha!"

"Baliw! Sige BYE!"

Pagkaalis niya saktong dating naman ni Carla. 

"Hi Carla!"

"JEEEEEEN! Haha! I missed you!" Niyakap niya ako, parang isang taon kaming di nagkita Hahaha!

"Baliw. Hahah! Alam mo ba may ikwekwento ako sa'yo"

"Oo nga daw! Teka bakit parang ang saya mo? E sabi ni Aya may problema daw tungkol kay Jed ah!"

"Aaaaah. Yun ba, Naku! Ikwekwento ko na lang isa-isa para di ka maguluhan!"

Naglakad na kami papuntang room. Habang naglalakad kami, kinwento ko na sa kanya yung mga nangyari kahapon. Nakilala na ng mga kaibigan namin si Jed at siyempre sumasama na siya samin. Enjoy nga daw si Jed kasi makukulit kami. Wahahaha! Pagdating namin sa room, nandun na rin sila Aya at Jmy. Nagtiptoe ako para makita ko si...............................

"Si Jed ba? Pumunta lang sa office ng principal! Eto masyadong nag-aalala! Hahaha!" sabay tumawa sila Aya at Jmy! Eto talagang mga to, pagnagsama pinagtutulungan ako.

"Mga baliw! Hahahaha!"

Natapos na yung mga klase namin sa umaga, so LUNCH na! Ang favorite subject ni Jmy at Aya! Hahaha! Akala ko kompleto na ulit kami, pero bakit wala si Aldrin?

"Carla! Diba kasama mo si Aldrin sa tagaytay. Bakit wala siya ngayon?" sabi ko. Lumungkot yung mukha ni Carla.

"Ikaw Carla ah! Magkasama pala kayo ng 1 week dun ah!"

"Ay Carla! 1 whole week? Alam na!"

Tong mga lalaking to, daig pa ang babae kung mang-asar ng mga ganyang bagay!

"Hoy! Kayong dalawa tumigil na nga kayo! Kita niyong malungkot si Carla diba?" sabi ni Aya. Binato ni Aya si Tyrone, Daniel at Alexis ng butil ng kanin sabay tumawa!

"Ikaw talaga loko loko ka!" sabi ni Alexis, sabay tingin kay Tyrone "Tyrone isa lang, isa lang talaga! Payagan mo nga akong batukan tong babaeng to! HAHAHAHA" hay nako ang kulit talaga ni Alexis. Si Daniel at Jed naman tumatawa lang!

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now