Chapter Seventeen (Intramural Day 3)

4.2K 72 1
                                    

Last day na ng intrams :( Back to normal na naman! As usual 9 subjects per day! Buti na lang pwedeng hindi pumasok bukas ang players. Hahaha. Nakasakay na ako sa service ang aga lang! Tapos mamaya pa susunod si kuya with his GIRLFRIEND! Ayoko talaga yung girlfriend niya ngayon eh. Mas mabait pa yung dati! ugh! Pero anyway, matutulog muna ako, para may lakas mamaya.

Pagdating ko sa school nagbihis ako para warm up na lang mamaya. Ang tagal naman nung mga yun! Ngayon pa sila late ngayong malakas na team ang makakalaban namin.

"Aya. Good luck mamaya" 

"Ay palaka! HAAY! ano ka ba naman Carla, ginugulat mo ako."

"HAhahaha. Joke lang yun" Ito talagang babaeng to. 

"Oh Aldrin, anjan ka pala. Teka? Magkasama kayong dumating?" IBA NA TALAGA TO AH.

"Hindi noh! Nagkasabay lang kami jan sa gate!" Defensive? :O

"Oh relax. Eto kamo, joke lang eh. Alam mo may naisip ako, Aldrin!"

"Hmm? Ano yun?"

"Kung kaya sumama ka na sa amin, kahit tapos niyo na gawin article niyo? diba? Para masaya!"

"Okay sige" Nginitian ko si Carla. Hahhaa! Nakakatawa reaksyon niya. Parang gusto niyang magcomplain pero di niya magawa. Alam ko inis na inis to kay Aldrin eh. Hahaha.

Natatawa na ako ng biglang may nag-announce..

"LAHAT PO NG MGA PLAYERS NG VOLLEYBALL SA YELLOW AT RED TEAM PUMUNTA NA SA COURT. MAGIISTART NA GAME NIYO." Ang aga! Wala pa si.......nag tip toe ako kasi may hinahanap ako.

"Aya, ikaw ah, alam ko kung sino hinahanap mo. Pumunta ka na sa court. Nako ikaw talagang bata ka" Abaa. gumaganti tong si Carla.

"Aah. okay sige na nga. Manood kayong DALAWA ha!" Ngumiti ako at pinisil ni Carla yung pisngi ko, ibig sabihin nun TAMA NA, Sige na nanalo ka na. HAhaha 

Pumunta na ako sa court, alam ko si Jmy dumating na kasi nakita ko siya kanina kasama ni Daniel pero di nila ako pinansin. Bakit kaya? Ah siguro nagmamadali rin sila dahil may laban pa si Jmy. Si Jenelle naman, ewan ko di pa ata dumadating, si Alexis di daw papasok, at si Tyrone. Badtrip di ko alam. Haaay! Focus na nga lang sa game. Pero ano tong nararamdaman ko? Kinakabahan ba ako? HIndi AYa! Kaya mo yan!

Ang galing ng kalaban naming team ngayon. Bakit ako ganito? Hindi ako makapagconcentrate. Nakita ko dumating na si Kuya at Girlfriend niya. Haay. Buti na lang. Atleast may inspirasyon na ako ngayon. Time out muna, kasi nakita ni Coach na parang wala akong gana. Nung umupo ako, pinuntahan ako ni kuya.

"Ano nang nangyayari sa'yo? Mukhang pagod na pagod ka na. Kinakabahan ka ba?"

"Ayos lang ako kuya." Biglang nanikip yung dibdib o.ugh! Bakit ngayon pa, wala akong magawa kundi humawak sa may banda ng puso ko.

"Anong nangyayari? Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sinabi na kasing bawal muna maglaro eh"

"Ayos lang ako" sumenyas na yung coach namin na bumalik na sa court. Bumalik ako pero naninikip pa rin yung dibdib ko. Siguro kaba lang to. Naaalala ko tuloy yung sinabi ni kuya dati nung elementary pa ako.

Flashback

"Kuya, natatakot ako, pano kung di ko matamaan yung bola?"

"Wag kang mag-alala, basta nakafocus ka matatamaan mo yan"

"Focus lang ang kailangan Aya"

"Okay" 

End of Flashback

Simula noon, basta nakafocus ako, natatamaan ko yung bola! Tama Aya, focus lang yan. Hindi ko alam pero lumakas ang loob ko, kaya ko to! Pagkatapos ng laro, halos mahiga ako sa floor kasi napagod na ako. Tapos biglang nagblack ang paningin ko.

Paggising ko, nagulat na lang ako nasa clinic na ako. May nakahawak sa kamay ko.................................................si TYRONE. Mukang alalang-alala siya. 

"Buti naman gising ka na" sinabi niya sa akin.

"Anong nangyari? Sinong nanalo?"

"Tignan mo tong babaeng to, nahimatay ka na nga tinatanong mo pa kung sino nanalo. Buti na lang andun si kuya Kyle" Nahimatay pala ako? Siguro dahil sa pagod. 

"Sino ngang nanalo?" Malungkot yung mukha niya. "TYRONE! SINONG NANALO? NATALO BA KAMI?" Kuna natalo kami, sayang naman ang effort ko!

"Nanalo ang YELLOW TEAM! Nanalo kayo! Hahaha!" panira talaga to. Takutin ba naman ako.

"Haay! Ikaw talaga! Palagi mo akong binibitin. Akala ko natalo kami. Hahaha"

"Sorry ah."

"Para saan?"

"Kasi di kita napanood. Sinugod kasi si Michaela sa hospital eh" Aah. Si Michaela, kapatid ni Tyrone. Nakwekwento niya lang sa akin yun eh. Di ko pa nakikita. Nasa Quezon City kasi yun eh. Dun siya nag-aaral.

"Ah okay lang. Kumusta na siya? Okay na ba?"

"Okay na." 

"Oh Aya. Gising---" Dumating sila Jmy, biglang naputol yung pagsasalita niya kasi nakita niyang nakahawak pa rin si Tyrone sa kamay ko, tinanggal namin agad nung nakita nila.

"Asus.. Okay na okay ka na pala eh. Kayo talaga hindi kayo nagsasabi. Nakakaistorbo ba kami?" Nagsalita na naman to si Daniel. 

"Sira. Alam mo bagay na bagay talaga kayo ni Jmy parehong pareho kayo."

"Yun oh. Kinikilig na yang dalawa deep inside. Hahaha!" sabi ni Jenelle. Teka, bakit masaya na to? 

"Teka Jenelle, anong meron bakit masaya ka na ngayon? Nagtext na ba si Jed? YIEEEE!"

"Biglang napunta sa akin yung usapan ganun? Hahaha!" Okay confirmed! Okay na ulit sila.

"O teka Carla bakit parang biyernes santo yung muka mo?" biglang nagsalita naman tong katabi ko.

"Eh kasi mawawala ako for 1 week eh." 1 week?

"Bakit?" Sabay sabay kami nagsalita maliban kay Aldrin na nasa may pinto lang.

"Pupunta ako sa People's Park in the Sky sa Tagaytay para kumuha ng mga pictures. Kailangan daw sa newspaper."

"Sino naman kasama mo galing sa Writer's Club?"

"Hindi ko nga alam eh. Ayaw daw ipasabi nung taong yun. Hay nako kung sino man yun nakakainis siya." Hahaha. Halatang hindi siya talaga sanay na may kasama sa isang work. 

"Okay lang yan. Abangan mo na lang" sabi ko naman.

"Ay! Oo nga pala Aya, may good news ako!" Sabi ni Jmy. 

"Oh ano yun?"

"I WON! YEAH! I WON! hahahah.. yun lang."

"Oh talaga? Expected ko na yan ate. Ikaw pa! Halimaw ka kaya sa badminton court"

"Okay na ako. Pwede na akong lumabas dito. Ayoko dito." sinabi ko at um-oo naman sila.

Nagpaalam na kami sa nurse at lumabas na. Pagkalabas namin, nakita namin si Charlene. Lumapit siya sa akin.

"Oh. Gising na pala ang sleeping beauty"

"HOY ikaw babae ka! Kung wala kang magawang matino, umalis ka na! Nakakairita yang mukha mo! UGH" sabi ni Jenelle.

"Okay, bakit galit ka? wala naman akong ginagwa ah" lumapit pa siya sa akin at bumulong "Humanda ka sa mangyayari sa future"

Umalis na siya. Hindi ako nakapagsalita. Nashock ako sa sinabi niya.

"Anong sabi niya? Okay ka lang ba?" Sabi ni Carla.

"Wala yun. Okay lang ako"

Sumakay na ako sa service at nag-iisip pa rin. Kailan yung future? Hindi kaya.......bukas na yun? Hindi pa man din ako papasok bukas. Nako di ko makikita yung gagawin niya. Ano kaya kung pumasok ako buka? SIge papasok ako bukas. Natatakot ako baka mas lalong lumala yung situation kung papasok ako. Hay nako Aya. Wag kang matakot. Ikaw pa! Eh kahit sino diba hindi mo kakatakutan! 

End of Chapter

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ano kayang gagawin ni Charlene? :O

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now