Chapter Twenty Four

3.7K 65 5
                                    

Jenelle's POV

Haaaaaaaaay! Nakakatamad namang pumasok. Badtrip di pa rin siya nagetetext! Siguro naman alam niyang naghihintay ako ng text. Di ko na nga mabilang kung ilan na yung nasend kong message sa ka nya eh. Kahit sa call hindi sinasagot! Sana kung ayaw na niya sakin, edi sinabi na niya para di ako nahihirapan ng ganito!

*tok tok tok*

"Jen? Gising na anak, may pasok ka pa" Si daddy pala. Hay nako mapipilitan pa akong pumasok.

"Opo daddy! Anjan na po."

"Okay. Bumaba ka na para makapagbreakfast ka."

Naligo na ako at nagbihis. Inayos ko na din yung gamit ko, iniwan ko na yung phone ko wala namang kwenta yun eh. 

Carla's POV

"Good morning Sir!" binati ko yung moderator namin.

"Oh bakit ang ganda ata ng gising mo?"

"Hindi ko nga rin po alam sir eh. Hahaha! Teka sir, si Aldrin po?" Hay nako tulog pa? Haha!

"Umalis na kanina pabalik sa manila. Ay! Eto nga palang sulat pinapabigay niya sa'yo." HA? O_O

Carla,

Hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. Diba ang sabi ko hindi mo na ako makikita kahit kailan? Tumutupad lang ako sa usapan natin. Wag kang mag-alala, hindi mo na rin ako makikita sa school. Thank you sa time mo kahapon, nag-enjoy ako :)

-Aldrin

HA?! Tinotoo pala niya yun. Ano ba yan! Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Diba dapat maging masaya ako kasi hindi na magpapakita saakin yun?! Bakit parang naguiguilty ako na nalulungkot?! Kung kailan naman naging medyo close na kami ngayon pa siya lalayo.

"Carla? Are you okay? Tara na! Para matapos na to. Para bukas uuwi na tayo!"

"Oh. Okay po sir."

Jenelle's POV

Pagdating ko sa school tumitingin sa akin yung mga tao. Naweiweirduhan siguro kasi nakayuko lang ako. Paki ba nila ha? E sa tinatamad akong maglakad eh.

*BLAAAAAAAAAAAAAG*

May bumangga sa akin. Mukhang bagong student nakashades at sumbrero pa, di ko makita yung mukha. Ano ba yan kalagitnaan na ng school year may bagong student pa, haaaaaay umandar na naman ang pagkacorrupt ng principal namin!

"Miss okay ka lang?" Wala na akong panahong makipag-away o makipag-usap. Kinuha ko na lang yung mga gamit kong nahulog at naglakad na palayo.

*room*

"Oh Jen, bakit ang haggard ng mukha mo? Natulog ka ba?"

"Ahmmm....Oo" Hindi ako makatingin ng diretso kay Jmy. Nakit ko naman si Aya, ayun tulog!

"Weh? Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin! Bakit ba ang gulo gulo ng buhok mo, pati yang mga gamit na hawak mo?" Kasalanan to nung bumangga sa akin eh!

"E KASI YUNG BUMANGGA SA AKIN EH! PANIRA NG ARAW!"  Napalakas ata yung pagkasabi ko, tumingin yung mga classmates ko sa akin, pati si Aya nagising.

"Hmmm.. Bakit ka ba sumisigaw Jen? Nagising tuloy ako"

"Kayong dalawa talaga Jenelle at Aya kunsomisyon talaga kayo! Hahaha! Itong isa, ang haggard ng mukha kasi hindi nakatulog sinisi pa yung bumangga sa kanya. Ito namang isa natutulog sa room, at alam mo Jen kung bakit?!" sabi ni Jmy.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now