Chapter Thirty (Game)

2.8K 56 0
                                    

Aya’s POV

Ngayon na ang araw. Ngayon na ang araw kung saan makikita ko kung kaya ko na talaga. Medyo kinakabahan ako pero pinipigilan ko. Kailangang manalo ako dito, nagpromise ako kay Tyrone. Nandito na ako ngayon sa GYM, wala pang masyadong tao.

Ilang sandali pa, dumating na yung mga teammates ko. Nagbihis na kami sa locker room tapos hinintay na naming yung makakalaban namin. Balita ko, magaling daw yung mga yun eh. Pero dedma lang kami! Kayang kaya namin to.

*start na ng game*

1st game palang pero ramdam namin na magaling talaga sila. Unti-unti na kaming napapagod pero pinapalakas kami ng determinasyon namin. Ayun! Nanalo kami sa 1st game.

“Okay guys. Ang galing niyo! Pero wag kayong maging kampante. Malakas sila at mahirap kalabanin. Alam kong kayang kaya niyo sila pero wag natin silang maliitin. Okay?”

“Yes coach!”

“Okay, tapos na yung break! Tandaan niyo lang yung mga tinuro ko”

“Yes coach!”

Nagsimula na yung 2nd game, kailangan naming mapanalo to para panalo na talaga kami. Nagchange court na din. Unang nagserve yung pinakakinakatakutan naming magserve. Ang lakas niyang magserve eh, ang tangkad niya pa. Unang serve niya hindi namin naibalik. Naku dito sa game na to natambakan na kami.

“GUYS! ENERGY! ENERGY! KAYA NIYO YAN!” sigaw ni coach.

Walang nagawa yung pangcheecheer ni coach, natalo kami sa 2nd game kaya magkakaroon ng 3rd game. Kung sinong manalo dun, sila na ang champion.

“Guys, ito na lang ang pag-asa natin. Itry niyo ang best niyo na maibalik ang bola sa side nila ha.”

“Yes coach!”

“Maaasahan ko ba kayo dito sa game na to?”

“YES COACH!”

“Good!”

Nagsimula na ang 3rd game. Halata sa kabilang team na determinado din silang manalo. Pero wala sa amin yun! Basta sa amin, kami ang mananalo! Hindi kami papayag na matalo kami. Ilang sandali pa, ang score na ay 23-21. Sa kasamaang palad, kami yung 21 :/.

“Guys ingatan niyo! Dalawag score na lang panalo na sila!”

Napunta na sa akin yung bola. Ako na ang magseserve, medyo kinakabahan ako pero kaya ko to! Sinerve ko na yung bola, naibalik nila.

“Mine!” sabi ko.

Naibalik ko din yung bola pero di na nila naibalik. Nagsigawan yung mga nasa bleachers. Sinerve ko ulit yung bola kaso di ulit nila naibalik. Sinerve ko ulit, wala pa rin. Nakakahabol na kami. Isang score na lang, panalo na kami. Nung papaluin ko na ang bola, biglang nanikip yung dibdib ko. Napaluhod ako, hindi ko naipasok yung bola. Nilapitan ako ng mga teammates ko.

“Aya, okay ka lang?” sabi ng captain ball namin.

“Okay lang ako. Pagod lang to. Kaya ko pa” siyempre alangang naman na sabihin kong hindi ako okay.

“Sure ka?”

“Oo”

“O sige pala” Tinayo niya ako at naghanda na ulit kami.

Pagtingin ko sa magseserve, NAKU! Yun pang pinakamagaling nila. Sinerve niya yung bola, sa akin mapupunta. Pano na to? Badtrip naman kasi tong puso ko ngayon pa umaatake.

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now