Chapter Thirty Seven (my destiny)

3.5K 57 0
                                    

Tyrone’s POV

Halos dalawang linggo ko ring pinaghandaan ang sasabihin ko sa kanya. Ang hirap ng ginawa kong yun ah. Ngayon, handa na akong kausapin siya. Speaking of her, nasa bench siya nakaupong mag-isa. Lalapitan ko na ba? Oo, lalapitan mo Tyrone. Kaya mo yan!

“Bakit nag-iisa ka?”

“H-ha?” Mukhang nagulat siya sa nakita niya. Hindi niya siguro ine-expect.

“Wala. Sabi ko himala nag-iisa ka.”

“Ah. Wala pa sila Jmy eh.”

“Aya, tungkol dun sa mga sinabi ko nung--------------------“

“Okay lang yun. Tama ka naman eh. Sorry talaga.” Ibang klase talaga to si Aya, alam agad ang sasabihin ko? Hahah!

“Wala na yun sa akin.”

“So, pinapatawad mo na ako?” Ngumiti siya. Namiss ko yung ngiti niyang yun.

“Yes.” Ngumiti lang siya tapos yumuko. “Aya, bakit di mo sinabi sa akin?”

“Ang alin?” Di niya pa pala alam na sinabi sa akin nila Jmy.

“Kung ano talaga ang dahilan ng pagpunta mo sa Canada. Nandito naman ako palagi para sa’yo eh.” Nagulat siya sa sinabi ko.

“Alam mo na?”

“Yup. Sinabi nila sa akin.”

“Talaga yung mga yun.”

“Aya, pwede ba nating ibalik yung dati?”

“Oo naman.” Ngumiti lang ulit siya tapos nilaro laro yung ID niya.

“Aya, maha--------------“ Naputol yung pagsasalita ko nang biglang dumating si Paul.

“AYA! Halika na, hatid na kita sa room niyo.” Tumingin siya sa akin. “Ooops, sorry. May pinag-uusapan ata kayo.”

“Hindi, tapos naman na kami mag-usap. Tyrone kilala mo na si Paul diba? Boyfriend ko.”

“Ah, oo.”

“Sige Tyrone, alis na kami. Sama ka na sa barkada minsan.”

“Sige.”

Buti na lang dumating si Paul, kundi natuloy ko yung sasabihin ko. Boyfriend niya? Ang tanga tanga mo kasi Tyrone, nagpadala ka sa galit. Kulang na lang maglupasay ako dito dahil sa sakit. Ang sakit pala pag nagpakilala ng boyfriend yung mahal mo. Mas masakit pa kaysa nung iwan niya ako. Mas masakit pa pag natalo yung team niyo sa basketball.

“Hoy Tyrone. Bakit mukhang biyernes santo iyang mukha mo?”

“Para ka talagang kabote. Palagi ka na lang pasulpot sulpot tapos biglang magsasalita.” Yung feeling na nagdadrama ka dito, tapos biglang magsasalita sa tabi mo. Badtrip to si Alexis.

“Oh, chill. Eto naman di pa nasanay. Bakit ka ba malungkot jan?”

“Alexis, wala na siya.”

“Hala. Sinong namatay?” Baliw talaga to.

“Tanga. Hindi, may boyfriend na siya.”

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now