Chapter Five (Who's the winner?)

7.3K 109 0
                                    

Chapter FIVEEEEEE na :))) Sana isupport niyo pa rin po!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Jmy's POV

“Sorry po I’m late!” Ano kayang nangyari? bakit kaya siya late?

“And you are?” Sinabi ni 'kuya' Tyrone. Nagtinginan sila lahat kay Aya. 

“I’m Aya po. Magtatry-out po sana ako para sa volleyball team" alam kong nahihiya na to. Tinitignan ko lang siya.

“IKAW? MAGTATRY-OUT? SURE KA? HINDI KAMI TUMATANGGAP NG LATE DITO!” Ang kapal ng mukha nito ah. Pag hindi niyo siya pinagtry-out kawalan niyo yun!

“Sorry po. Bigla po kasing nagpaquiz yung teacher namin eh” ah kaya pala. Siguro yung kalbong teacher na naman iyon kahit kelan talaga KJ!

“WALA NA! TAPOS NA ANG TRY-OUT PWEDE KA NG UMALIS!” Naglakad palayo sa kanya ung moderator nila. Naiiyak na si Aya pero nagdadalawang isip ako kung lalapitan ko siya kasi baka pag nilapitan ko siya lalo siyang umiyak. Oo ganyan si Aya ayaw niyang may naaawa sa kanya.

“Pagpasensiyahan mo na, napagalitan kasi siya ng Daddy niya kanina eh kaya siya badtrip” Oh I see. Napagalitan pala ang mokong kaya ganyan kasungit. Kala mo may dalaw ngayong araw eh.

Inangat ni Aya ung ulo niya dahil nakayuko siya. Alam kong may gagawin siya at bigla na lang sumigaw“HOY IKAW NA MODERATOR NAMIN! AKALA MO KUNG SINO KANG MAGALING! WAG MO AKONG IDAMAY SA MGA PROBLEMA MO! NAGPRACTICE PA AKO PARA LANG SA TRY-OUT NA TO!” Hindi siya pinansin ng moderator nila. Pansin na sa mukha niya na nagagalita na siya. 

“HOY IKAW NA LAMOK KA! ABA! BASTOS KA AH! KINAKAUSAP KITA DITO TAPOS NAGBABASKETBALL KA LANG JAN! AKALA MO KUNG SINO KANG MAGALING MAGBASKETBALL! EH MATATALO NAMAN KITA JAN EH! HINAHAMON KITA ONE-ON-ONE SA BASKETBALL! MAKIKITA MO PAPAKAININ KITA NG ALIKABOK!” Sinimangutan siya ng moderator nila. Kung ano-ano na ang sinasabi niya gusto ko siyang pigilan pero tama lang na sabihan niya ng ganyan yang lamok na yan. Akala niya ah!

“ABA SINO KA BA PARA HAMUNIN AKO? PERO SIGE TINATANGGAP KO!” Teka? Tinanggap niya? OMG! Good Luck AYA! Kaya mo yan!

Nagsimula na silang maglaban, pagkatapos ng oras nagulat ang mga sa score 20-18.....Biglang napatalon si AYA dahil siya ang nanalo! Pwede na siyang magtry-out! Lumait ako sa kanya para yakapin.

"Aya! YIEEE! Congrats! Sabi na nga ba eh. Buti nga sa kanya" sinabi ko. Pero parang pilit yung ngiti niya.

"Tama ba yung ginawa ko? Tama bang pinahiya ko siya sa harap ng mga members ng Sports Club?" Nalungkot na naman siya. Nagulat siya ng biglang may nagsalita.

"Congrats! Aya right? Sige pwede ka na magtry-out pero bukas na lang ha. Ang galing mo! Hanga ako sayo!" Si Tyrone nagsalita. Ngumiti na lang siya. Hindi yung ordinaryong ngiti ah, yung ngiting abot tenga. Hinila ko na lang siya baka kasi hindi niya mapigilan, alam ko kasing kinikilig na siya.

Nang makalayo na kami. Bigla siyang sumigaw "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! NARINIG MO YUN? NARINIG MO YUN? HAHAHHA! MAGALING DAW AKO!" sabi ko na nga ba eh.

"Oo narinig ko. Pasalamat ka hinila kita kundi dun ka nagsisigaw sa court. Tara na nga pasok na tayo" Ngumiti lang siya tapos naglakad na. Pagdating namin sa room, as usual kinwento niya na naman kila Jenelle at Carla yung dalawa naman mas kinilig pa kay Aya. Hahaha. Nakakatawa talaga sila.

*Kinabukasan*

Aya's POV

Maaga kami nakapasok kasi maaga nagsundo yung service. Matutulog nga muna ako 7:00 pa naman yung "SPECIAL" try-out eh. kaya may 30 minutes pa ako para magpahinga. Hindi ko namalayan nakatulog na ako. May narinig na lang ako na nag 'Good Morning Class' pagkaangat ko ng ulo, nakita ko andun na si Mrs. Asuncion. Ha? anong oras na ba? 7:30 na! Lagot! Napatayo ako nung tinignan ko yung oras.

"Aya, Bakit? Anong problema?" Napansin pala ni Mam na tumayo ako.

"Ah...eh...Ma'am may try-out po kasi ako ngayon eh. Pwede po ba? Babalik din po ako agad pagkatapos."

Pinayagagan naman niya ako, buti na lang mabait si Mam. Tumakbo ako hanggang court. Nakita ko si Tyrone paalis na. Sumigaw ako "KUYA!" Nagulat siya at tumigil.

"Sorry nalate na naman po ako" Lagot talaga.

"Okay lang yon! Tara Game na!" Anong nakain niya? Hindi siya galit?

Nagsimula na ako sa try-out at tinanggap ako agad. Hindi ko alam kung bakit ang bilis pero siyempre siguro dahil MAGALING ako. Hahaha. Ang bait niya sa akin nung try-out para bang walang nangyari pero anyway, atleast mabait na siya sa akin. Nung uwian, kinausap niya pa ako tungkol sa kung ano-anong bagay. Nakita kami ni Sis kaya inasar asar na naman niya ako sa service. Tinext din ako ng mga clasmate ko.

From: Jenelle

Hoy ikaw babae ah. Iba na yan! <3

From: Jmy

YIIEEE! Ikaw na ate. Nakakapagtaka lang siya ha. :))))

From: Carla

Ikaw Aya ah. Hahahah. 

Marami pa niyan pero may isang text akong nareceive na hindi expected.....si ALEXIS?

From: Alexis

Hey Aya. Ano yung nakita ko kanina? Nung isang araw lang nakita kong sinisigawan ka nun ah! Ano na ba ang meron sa inyong dalawa ha? 

Nakakagulat yun ah. Anyway, bukas ko na lang itatanong sa kanya.

*Kinabukasan*

Jmy's POV

Ano ba yaaaan. Wala akong kasama ngayon. Si kuya Tyrone kasi eh tinreat si Aya sa cafeteria. Nakakapagtaka talaga yung lalaking yun Nung isang araw lang sinisigaw-sigawan niya si Aya tapos ngayon, tinitreat na niya ha? Ano kayang meron dun?

End Of Chapter

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit kaya nagtext ng ganon si Alexis? at Ano nga kaya ang meron kay Tyrone? Bakit bigla siyang bumait?

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now