Chapter Twenty Three (Phone call)

3.5K 65 4
                                    

Jenelle's POV

Loko talaga yun si Jmy. Iwan ba naman ako dito sa cafeteria. Saan na naman kaya yun nagpunta?! Anyway, mauna na ako sa room. Malaki na yun, kaya na niyang pumunta sa room mag-isa! hahaha!

*room*

"Aya, kumain ka na ba?"

"Hindi. Diet ako. Wahaha!" Diet? Weh? WOAH!

"Aah. Akalain mo alam mo pala yung word na 'diet'?"

"Ano akala mo sa akin matakaw?!" Oo. Hahah

"Hindi naman medyo lang. Hahaha!"

"Baliw. Kumain ka na nga lang jan. Punta lang ako dun kila Maika ah, nanonood sila ng the grudge eh" 

"Oh talaga?"

"Bakit sama ka?" NO WAY!

"Ah...eh...Hindi. Wag na lang" Natatakot ako noh!

"Okay!" 

Umalis na si Aya. Grabeee siya na! Siya na talaga ang kayang manood ng the grudge! Nakakatakot kaya yun. Hindi ko kayang manood ng horror movies baka mabaliw ako! Hahah

*bzzt bzzt bzzt bzzt bzzt* Oh bakit tumatawag to?

Hello? Hello Jed?

Hi Jen. (Ang tamlay ng boses niya)

Oh anong problema?

Kaya mo pa ba? Ako kasi hindi na eh

Ang alin?

Ang long distance relationship.

Anong ibig mong sabihin?

Hindi ko na kaya ang long distance relationship.

Ano gusto mo? Break na tayo?

Bigla niyang binaba ang call. Anong ibig niyang sabihin? Break na kami? Sasayangin lang niya yung pinagsamahan namin? Kung hindi na niya kaya, wala na kaagad?! Badtrip! Kung ayaw niya wag niya! Bahala siya sa buhay niya! Naiinis ako sa sarili ko, iiyak na naman ako! Palagi na lang ganito.

"Jen, anong nangyari?" Biglang nagsalita si Aya. Narinig niya kaya yung pag-uusap namin?

"Ha? Wala."

"Anong wala?! Sabihin mo!"

"Wala nga."

"Teka, si Jed na naman ba to ha?"

"Paano mo nalaman?"

"Jen, kilala na kita." Kilalang kilala na talaga ako ni Aya.

"Gusto na niyang makipagbreak sa akin"

"HA? BAKIT DAW?!"

"Hindi na *sniff* daw niya kaya *sniff* ang long distance relationship"

"Ano?! Ganun ganun na lang yun?"

"Hayaan mo na! Bahala na siya!"

"Hayaan mo Jenelle. Namisunderstand mo lang siguro yung sinabi niya. Tatawag din yun pag nasa mood na siya"

"Okay." 

"Oh Aya, anong nangyari?" Dumating na si Jmy at Daniel. Buti pa sila magkasama. "Jen? Anong nangyari?"

Mr. Suplado(finished)Where stories live. Discover now