Her Secret Identity [Sunny Ca...

By MsDimple13

382K 6.9K 1K

'Her Secret Identity' is formerly known as 'Class President turns into a Gangster Princess' & 'The President... More

DO NOT SKIP THIS! [JANUARY 2020]
Note [Published 2016]
Prologue:
Chapter 1 : First Day
Chapter 2 : Election
Chapter 3 : Savior
Chapter 4 : His Firstlove
Chapter 5 : Bandage
Chapter 6 : Toy
Chapter 7 : Her
Chapter 8 : Duties
Chapter 9 : Meet
Chapter 11 : Trouble
Chapter 12 - Espere por mim
Chapter 13 : Room
Chapter 14 : Last mission
Chapter 15 : Truth or Dare
Chapter 16: Thoughts
Chapter 17: Party
Chapter 18: Uncertainty
Chapter 19: Fooled
Chapter 21: Bleed
Chapter 23: Cake
Chapter 25: Home
Chapter 27: Hand
Chapter 29: Space
Chapter 31: Align
Chapter 33: Calorosa
Chapter 35: Rainbows
Chapter 37: Walls
Chapter 39: Perform
Chapter 41: Escape
Chapter 43: Tiger
Chapter 45: Phoenix
Chapter 47: Christmas
Chapter 49: Last
Chapter 51: Birthday
Epilogue
c:

Chapter 10 : Report

6.7K 157 16
By MsDimple13

Chapter 10:



"Ash as Hannie Dela Vega, Chasey Reyes as Flame and Rain Cruz as Thunder."

Halos hindi maipinta sa mukha nila ang magiging reaction nila. Sa tatlong 'to si Ash lang ang kilala nila dahil sabay sabay kaming kinuha dito sa Black Swift, sadyang nahuli lang siya dahil mas magaling siya pag dating technology and critical thinking.



"Listen up."

Napatingin naman sila sakin ng seryoso dahil sa tono ng pananalita ko. Buti na lang matitinong kausap 'to kahit may pagkaloko loko sila sa school.


"Alam ko naeexcite kayong batiin ang isa't isa pero save that for later. Kung ano mang nangyari tonight dapat yun na ang una't huli kundi tayo rin mags-suffer. Tsaka diba Pat and Jill sinabi ko na sa inyo na kung san man kayo pupunta always text me first before you leave."


"We did.." Sagot sakin ni Jill ng pabulong.


"You did? Edi sana alam ko--"


"Naiwan mo sa bahay niyo yung personal phone at spare phone mo diba?" Sagot sakin ni Lance.


"Oo nga. Diba hinahanap mo pa nung training tapos tinawagan mo yung yaya mo sa bahay at dun nakita?"


So it's my fault after all?



"That's why I left a note kay Thunde--este kay Rain kanina dahil narinig ko yung usapan nila sa school." Dugtong pa ni Chasey.

Biglang napakunot yung noo ko. Paano na lang kung hindi ko naisipang maaga patapusin ang training edi may nangyari ng masama kay Sunny? Paano na lang kung hindi alam ni Rain na ganun yung pupupuntahan niya edi nalagot ako ng wala sa oras? Damnit Gab! Kasalanan mo lahat!



"It's getting late. Umuwi na kayo at sa susunod na natin pagusapan 'to."

Isa na isa silang lumabas at nagpahuling lumabas si Rain.


"Thanks for saving her tonight. I owe you one." Sabi ko habang nakayuko. Trabaho kong protektahan siya pero hindi ko man lang nagawa.


"It's our duty. At kung ano man yung gumugulo sayo simula kaninang umaga, alisin mo na yan dahil hindi ko siya sasaktan tulad ng ginagawa mo."


Anong sinabi niya?

--



*Sunny's POV*



"Mixture of substances which when you mix all substances you can see that the substances that are mixed were not dissolved."

Nakalutang pa rin ang utak ko hanggang ngayon. Ano bang nangyari kagabi? Hindi ko maalala. Hindi naman siguro ako nabagok kagabi pero.. ano ba talagang nangyari?



"Ms. Branson, are you listening?"

Nakayuko ako habang nags-scribble ng kung ano ano sa katabing notebook ng Chemistry kong libro. Hindi naman ako siguro nanaginip kagabi. Totoo naman siguro na tinapos ko na yung laro kay Bryan diba? Pero--


"Ms Branson!"


"Ay anak ng tokwa!"

Napatingin na sakin yung iba kong classmates. Nagulat ako sa lakas ng boses ng teacher, akala ko lalamunin na ako ng buo. Tumingin ako sa kanya at nakakunot na ang noo niya sakin. Pambihirang buhay nga naman.



"Saying something Ms. Branson?" Umiling lang ako bilang sagot at pilit na ngumiti para hindi na niya ako paginitan pa.


"Answer my question. A mixture--"


"Coarse mixture, Sir. " Sagot ko pagkatapos kong tumayo. Tumango lang siya at tsaka ako sinenyasan na umupo.

Nagpatuloy siyang magturo at nakinig na ako. Mabilis na tumakbo ang oras at nagring na ang bell para sa lunch. Agad na nagsitayuan ang lahat at kanya-kanya na silang labasan. Naiwan ako dahil tinanggal ko sa pagkakabuhol ang earphones ko. Napansin ko na bakante ang upuan ni Bryan ngayon. Saan kaya yun nagpunta?



"Sunny tara na. Ang bagal mo talaga." Tumango lang ako bilang sagot kay Jill at nilock ko na ang room namin.


"Daan muna tayong locker. Iwan ko lang 'to saglit." Tumango naman si Pat at Jill at naglakad na kami papuntang locker area.

Halos hindi kami makadaan dahil madaming nagkakagulo sa bulletin board na madadaanan papuntang locker area. Halos nagsisiksikan ang mga tao sa kung ano mang nakalagay sa bulletin board. Umatras kami at sa ibang way kami dumaan para lang makapunta sa locker area.



"Ano kayang pinagkakaguluhan nila? Madyado naman silang OA." Sabi ni Cha na kanina pa pala namin kasama.


"Ay nagsalita ka rin sa wakas Cha! Akala ko naputol na dila mo!" Sabat ni Jill.


"Inuusog mo kaagad! Dapat mamaya na." Sabi ko sa kanya.

Iniwan ko na yung mga dala kong notes sa locker. Tiningnan ko ang phone ko ay may napansin akong miscall kaso blanko lang ang lumabas sa screen. Ni number hindi pinakita. Hindi ko na lang yun pinansin at tsaka ulit 'to binulsa.



"Sa tinggin niyo ano talaga yung pinagkakaguluhan nila?" Tanong samin ni Cha.


"Malay natin. Minsan lang naman maging ganyan yang mga yan." Sagot ko sa kanya.


"Hi there bitch."


Napakunot agad ang noo ko ng binati ako ni Amber, the stupid cross breed dog kasama si Ellise, the frog princess. Syempre hindi pa rin nagpapaiwan ang underlings ni Amber na galing sa iba't ibang year. Suot suot nila ang isang pink sash at nakalagay yung mga tinatakbo nilang position. Ang dami talaga nilang alam na kaartehan sa katawan.



"Oh anong iniiyak mo? Wala ako sa mood makipaglaro sayo." Sabi ko at inumpisahan ko na maglakad palayo. Kaso katulad ng nakasanayan niya ay pinigilan niya ako gamit ang paghawak sa kanan kong braso ng mahigpit.


"Baka nakakalimutan mo na tuturuan mo kami for--"


"Sorry but I'm not interested anymore. Go find another instructor. Pabor pa yun sayo. Hindi kita mapapahirapan araw araw." I smiled inoccently. Niletgo niya din naman kaagad ang braso ko at dinaanan ko lang siya.


Nahawi ang dadaanan namin. Palagi naman silang ganyan. Akala nila magaaway agad kami ni Amber o ni Ellise kahit magkakasalubong lang. Biglang titigil talaga ang mundo kapag nagkakasalubong kami. Pero sino nga bang hindi mpapahinto kung makikita mo na naman ang popular school 'princess' na awayin ang isang normal na consistent 'Class President' na hindi niya matalo talo. Pakiramdam ko pag nagkakasalubong kami parang tinatry ng destiny na pagsamahin ang apoy sa tubig, impyerno sa langit at ang tao sa hayop.



"Sunny okay ka lang ba?" Tumango lang ako bilang sagot kay Jill at tsaka siya ningitian. Uminom ako ng orange juice at nilapag ang baso pagkatapos. Kakaunti na lamang ang tao sa cafeteria dahil siguro sa mga nakapost na kung ano man sa bulletin board.


"Flash news! Flash news!" Sigaw ng isang lalaking nerd na may dala-dalang maraming weekly newspaper mula sa mga Journalist na parang paparazzi na rin. Binigyan niya kami ng isang newspaper na sobrang nipis at halos malaglag na ang dapat malaglag dahil sa cover ng newspaper.


"What. The. Hell." Sabi ko pagkatapos kong buksan ang pinakamain article nila para sa linggong 'to.


"Teka.." Pinandilatan ko ng mata si Jill at bigla siyang napatakip ng bibig niya at tumango.


"That's you right?" Pabulong na tanong ni Chasey at tumango lang ako.

Saktong sakto ang pagkakuha nila sa litrato na ginawa nilang main article, yung moment na hinalikan ko si Bryan, kinuha ang tseke at nilagay ang singsing sa inumin niya. Pasalamat na lang ako at nakatalikod ako sa mga nakuhang litrato.


"Ano bang pinaglalaban ng article na yan?" Tanong ni Pat.


"Blind item. Kaya blurred yung mukha ni Bry. No wonder bakit siya absent ngayon." Sagot ni Cha.


"Ito ng isa sa mga dahilan bakit mahirap mapunta sa Section A, Chasey." Panimula ni Jill. Tumango naman si Pat pagktapos niyang inumin yung mango juice niya.


"What do you mean?" Tanong ni Cha.


"Kahit saan ka magpunta, susundan at susundan ka nila. Lalo na ng mga lower mula sa C pababa." Sabi ko sa kanya.


"Napansin mo ba na hiwa-hiwalay ang section per year? Magugulat ka na lang na kabatch mo siya kasi sinadyang ihiwalay ng school ang lower. Sabi nila yung iba kasi dun hindi na normal. We'll use KPOP as an example. Yung ibang estudyante dito parang sasaengs. They'll hunt you wherever you go. Tipong mawawalan ka na ng privacy kapag sumobra na sila.." Paliwanag ni Jill habang pabulong niya itong sinasabi. Mahirap na, baka mamaya may makarinig pa.


"Kung hindi naman obsessive fans, yung iba naman basag ulo. Kasama kahit saang fraternity and gangs. Halang ang bituka at ang iba siguro dealer pa ng drugs at kung ano ano." Dugtong pa n Pat.


"Pat OA masyado. Hindi naman sila ganun. Siguro sadyang basag ulo lang sila at ang school na 'to ang tumanggap sa kanila. Well, napapabago naman ng admins ang ibang estudyante pero yung iba lumalala kapag napabayaan." Sabi ko.


"At ang tinggin ng iba nadadaan sa pera ang pagiging hari-harian dito. Kapag may shares ka good for you. Instant famous ka na. Kung kilala ka naman ang parents mo magpasalamat ka pa rin kasi kahit bagsak ka ilalagay ka nila sa medyo matinong section. Kapangyarihan ang sukatan dito Chasey." Sabat pa ni Jill.


"Weird but sort of cool." Sagot ni Cha.


"Kaya hindi naniniwala ang mga estudyante dito bakit ka nasa Section A. It's either may tinatago kang identity o may shares ka lang sa school. " Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.


"Pero kay Sunny sila hindi pumapayag na maging parte ng Section A. Hindi na kasi natanggal sa Section A simula sa umpisa. Commoner lang naman siya kaya hanggang ngayon di maiiwasan na may magalit sa kanya. Lalo na kung ang basehan ay katulad ng sinabi namin kanina, hindi maalis sa tao ang pagtataka.." Sabi ni Pat.



Tama lahat ng sinabi ni Pat. Simula ng bata pa lang ako hinding hindi na ako natanggal sa Section A. Partida pa at ako palagi ang Class President bawat taon. Lahat naman ng nagaaral dito ay mayayaman, bilang lang siguro ang hindi, katulad ko na normal lang ang buhay. Isa rin sa mga pinagtataka ko hanggang ngayon. Bakit kaya ako nasa Section A?


-*-*-



Mabilis na tumakbo ang oras at nagdismissal na rin. Kanya-kanyang uwian na sila at nagpaplano na kaming magstay kela Pat ng bigla akong hinarang ni Bryan sa gate ng school.


"Uwian na ngayon ka pa lang papasok?" Sabi ko sa kanya. Yung dalawa ko namang kasama nagpigil ng tawa.


"Bye Sunny!! Next time na lang ah?!" Sigaw ni Jill ng dumaan sa gilid namin ang kotse sinasakyan niya. Tumango lang ako at nag-bye sa kanya.


"Ugh. Nakalimutan kon--"


"Enough with that. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya ng dire-diretso. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya sinilip ko ito at nag-alarm ang isang reminder. Ngayon pala kami gagawa ng visual aids ng lokong 'to.


"Ah.. Chasey, Pat. Next time na lang pala. May gagawin pa ko eh." Sabi ko bigla.


"With him?" Tanong ni Cha.


"Sort of. Values. You know.." Sagot ko.


"Okay. Bukas na lang. May report din pala ako.." Sabi ni Pat.

In the end naiwan kami ni Bryan sa labas ng school at hinintay muna namin makaalis yung dalawa. Napabuntong hininga ako bigla. Wala pa naman ako sa mood gumawa ng report ngayon.


"Doon na lang tayo sa bahay gumawa." Sabi niya bigla. Tumango lang ako at naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.


"Saan ka pupunta?" Sabi bigla ni Rain pagkatapos niya kong gulatin at akbayan.


"None of your business." Sagot ko sa kanya and he just smirked.


"Oo nga naman Rain. None--"


"Gusto mo bang mabuhay? Then you shut up. Hindi ikaw ang kausap ko." Pagsusungit ni Rain, "Don't tell me kasama mo siya?" Dugtong niya



"It's none of your business." Sagot ko sa kanya. Napasimangot siya bigla at napangiti lang ako. Gustong gusto ko talagang nakikita yung busangot niyang mukha, hindi kasi bagay sa kanya. Ang pangit tingnan, bagay sila ni Amber kapag nakasimangot.

Imbes na bitawan niya ko ay siya pa ang pumara ng jeep at kinaladkad ako papasok nun. Sakto lang na bilang ang tao sa loob kaya sa bandang kanan ako umupo at hindi sa tabi ni Rain. Napansin ko ring pumasok si Bryan habang nakangisi at lalo nabusangot ang mukha ni Rain.


"Hoy Rain Lee Cruz, anong karapatan mong hilahin ako pasakay dito ha?"

Kahit gusto kong bumaba nakakahiya naman, nagbayad na si Bryan para saming tatlo. Ungas talaga yun at binayaran ppa 'tong aroganteng lalaking nanghila papunta dito.


"For your information- nevermind. Edi bumaba ka Ms. Class President." Sagot niya sakin. Inirapan ko lang siya at sinaksak ang earphones ko sa tenga ko.

Napansin ko na nadaanan na ng jeep ang village na tinitirhan ko at normal naman yun dahil sa bandang dulo pa talaga ata nakatira si Bryan, ewan ko lang 'tong pesteng Ulan na nanghila. Mga ilang minuto ang lumipas at biglang bumuhos ang ulan. Bakit ba ang panahon ngayon parang babaeng meron, ang bilis ang magpalit ng mood. Sisikat tas biglang uulan ng malakas. Ang ganda ganda ng sikat ng araw kanina tapos biglang ganito?


"Andito na tayo." Sabi ni Bryan.


"Alam ko." Sagot naman netong Rain.

Napakunot lang ang noo ko habang tinatago ko yung earphones at phone ko sa bag ko. Tiningnan ko lang sila at hindi ko alam bakit parang may mali sa kanila habang tinitingnan nila ang isa't isa. Parang may kuryenteng dumadaloy na hindi mo maintindihan.


"May balak ba tayong bumaba?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Bigla silang napatingin sakin pareho at iniwasan ko lang yung mga tingin na yun. Pakiramdam ko naramdaman ko pa yung spark galing sa titigan nila. Unang bumaba si Bryan dahil meron siyang payong na maliit lang. Hinila niya ko papalapit sa kanya para hindi ako mabasa ng ulan. Dinaanan lang ako ni Rain at tsaka naglakad ng dire-diretso na parang walang kasama. Ugaling ewan talaga yung lokong yun.


"Hoy! Saan ka ba pupunta?" Sigaw ko habang magkalapit pa rin kami ni Bryan dahil siya ang may hawak ng payong.


"Malapit lang dito yung bahay ko, diyan lang kayo sa tindahan. Ikukuha kita ng payong." Sinabi niya yan na walang lingon lingon man lang. What's with that attitude? Para siyang ewan. Meron ba siya?


"Gamitin mo oh." Sabi ni Bryan ng makasilong kami sa isang tindahan sa na nakita namin kaagad. Napatingin ako sa inaalok niya at yun ang panyo niya, hindi pa rin naman kasi maiiwasan na hindi kami mabasa dahil pang-isang tao lang ang payong na iyon at matangkad siya.


"Okay lang. Ipantuyo mo na yan sayo, meron ako." At kinuha ko yung face towel na extra sa bag ko. Pinampunas ko ito sa binti ko dahil tinaas ko ang jogging pants ko nung nasa school pa ako kaya nabasa ng ulan.

Binalot kami ng katahimikan habang nagpapatuyo. Hindi maiwasang hindi mapatingin kay Bryan. Iba ang aura niya kapag nasa bar at kapag normal na araw lang. Hindi mo sukat akalain na nagiinom kaagad siya, kahit sabihing light drinks lang yun, nagiinom pa rin siya. Ano kaya naging reaksyon ng mga kaibigan niya pagkatapos ng ginawa ko kagabi?


"Ang tagal naman ng ungas na 'yon. Patigil na yung ulan oh.." Napatingin ako sa paligid at medyo humihina na nga ang ulan.


"Hindi na tayo babalikan nun. Meron ata yun ngayon at ang lakas makapagsungit." Sabi ko at nagpigil siya ng tawa.

Tiningnan ko siya at tinanong ko kung anong nakakatawa pero wala naman daw.

Natapos na nga ang ulan at hindi na bumalik ang lokong lalaki. Mura na ng mura yung kasama ko kasi sayang oras lang ang paghihintay namin. Totoo naman kasi halos kalahating oras lang din kaming naghintay doon at ni anino ng lalaking yun hindi na namin nakita.


"Diba sinabi ko doon ka lang?" Sabi agad ni Rain ng makasalubong namin siya. Nakapambahay na siya at walang dalang payong.


"Pinagloloko mo ba ko? Sabi mo kukuha ka ng payong tapos nagpalit ka lang ng damit?" Sabi naman netong Bryan.


"Sunny naman eh. Pag sinabi kong magstay ka dun, mag stay ka. Mamaya mapano ka." Sabi naman ulit ni Rain. Tiningnan ko lang siya with 'bored look' at sinabayan si Bryan sa paglalakad.


"Sebastian Rain--"


"Ano bang iniiyak mo? Hindi ako makalabas ng bahay kasi naulan!" Sagot ni Rain ng hindi niya patapusin si Bryan sa pagsasalita.


"Gago ka ba? Kaya nga kita hinayaan mauna kasi akala ko kukuha ka ng mas malaking payong. Kita mong basang basa kami ni Sunny kahit nakapayong eh."

Hindi ko na sila pinansin, para silang aso't pusa na nagbabangayan. Ang ingay, sobrang sakit sa tenga. Dinaig pa babaeng nagsasabunutan sa sobrang kulit ng dalawang nasa gilid ko. Igitna daw ba ko habang naglalakad kami, kaya rinig na rinig ko kahit simpleng pagmumura nila.


"Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad lakad?" Singgit ko bigla sa bangayan nila.


"Sa bahay ko." Sagot nila pareho. Lalo napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nila. Tandaan mo Sunny, eto na ang una't huli na dapat mong makasama sila Bryan at Rain, kundi tatanda kang dalaga.


"Excuse me? Ang alam ko kasi sa bahay pupunta si Sunny dahil gagawa kami ng report." Ngising sabi ni Bryan.


"Ah basta! Sa bahay siya sasama!" Sabi ni Rain.


Biglang may binuksan na gate si Rain at tsaka siya pumasok doon. Ako naman ay nakasunod pa rin kay Bryan. Matapos ang dalawang bahay mula kela Rain ay binuksan niya ang gate at tsaka pumasok doon.



"Dyan ka lang saglit. Baka sugurin ka kasi ng aso." Sabi niya, tumango lang ako bilang sagot.

Tiningnan ko lang at paligid. Sobrang tahimik dahil siguro kakatapos lang ng ulan. Bigla akong nabasa dahil may dumaang motor sa gilid ko.


"HOY!!"

Lumingon nga pero tiningnan lang ako at tiningnan lang ako saglit tsaka nagpaharurot ng mabilis palayo. Nabasa na naman ako dahil sa gulong ng motor niya sa hulihan. Mas lalo akong nadumihan at nabasa.


"ANG KAPAL NG MUKHA MO! NAKAKAINIS KA!" Sigaw ko pero nakalayo na yung ungas na lalaki.

Pinunasan ko ang sarili ko gamit yung pinamunas ko kanina sa ulan. Tsk. Hindi naman matanggal tanggal dahil putik pa ang kumapit sa damit ko. Naalala ko na wala akong extra shirt at shorts sa bag ko, kung mamalasin ka nga naman.


"Anong nangyari sayo?" Pagkalingon ko ay nasa harap ko ang isang Rain Lee Cruz na parang gulat na gulat na nakakita ng multo.


"May bastusing nagmomotor ang dumaan at trip niya lang akong dumihan. Ang saya niya sa buhay niya eh." Sagot ko habang pinagpapatuloy kong punasan ito kahit mukhang impossibleng matanggal.


"Tara pasok ka muna sa bahay, tulungan kita dyan sa mantsa ng damit mo." Alok niya sakin.

Hindi ko siya pinansin ng bigla na naman niyang hilahin yung kamay ko.


"Huy paano si Bryan. Okay lang ako." Imbes na sagutin niya ko ay hindi niya binitawan ang kamay ko.

Tiningnan ko lang siya at hindi siya nakatingin sakin. Dire-diretso niya akong hinila papasok sa bahay nila at napansin ko na walang ibang tao sa loob. Buti na lang at naalis ko agad ang suot kong sapatos kaya hindi narumihan ang sahig nila.



"Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng damit na pwede mong hiramin." Sabi niya sakin. Tumango lang ako bilang sagot at umalis na siya.

Tumingin lang ako sa paligid at sobrang linis ng bahay nila. Alagang alaga. Kulay puti ang mga dingding pero hindi to the point na nakakairitang tingnan. Nakadisplay ang ilang picture frame at sa taas nito ay isang malaking family picture. Tatlong tao lang ang andoon, si Rain, ang kapatid niya at isang babae na sobrang ganda. Kahawig ng kapatid ni Rain, ang mga mata nung babae ay kapareho nung sa kanya.



"Oh maligo ka muna dun." Sabi ni Rain.


"Tsk. Hindi na. Magpapalit na lang ako." Sagot ko sa kanya.


"Ayun yung bakanteng room, doon ka na magpalit." At tinuro niya ang pangatlong kwarto mula sa kinatatayuan ko. Kita kasi ang mga pinto sa 2nd floor, nasa gilid kasi ang hagdanan ng bahay nila paakyat.


"Sige. Salamat." Sabi ko. Tumango lang siya at tsaka umupo sa sofa.


Pumasok akosa kwartong tinuro niya at daling dali binuksan ang switch ng ilaw.Madilim sa loob dahil natakpan pala ng makakapal na kurtina ang mga bintana. Lahat ng gamit ay puti, siguro ito yung guest room nila.


Nilock ko ang pinto at sinuot ang binigay niya saking isang plain v-neck shirt na kulay puti at isang maong na shorts. Tinanggal ko rin ang pagkakaponytail ng buhok ko at hinayaan itong bumagsak. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kahit papano ay disente na akong tingnan.


Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto, nakuha ng isang picture frame ang atensyon ko. Nakapatong ito sa isang drawer, katabi ng isang vase na mukhang ordinaryo lang naman. Kinuha ko ang frame na iyon at pinunasan ang makapal nitong alikabok gamit ang kamay ko. Bigla akong nasugatan dahil sira pala ang salamin ng frame.


Binitawan ko muna iyon saglit at dumiretso sa isang maliit na banyo sa loob ng kwartong ito. Hinugasan ko ang maliit na hiwa at tsaka ito nilagyan ng band aid na nakatago sa case ng phone ko. Binalikan ko ang picture frame na hawak ko at hinipan na lamang ang mga alikabok para mawala.


Isang imahe ng babae at lalaki ang andoon, dala dala nila ang isang batang lalaki at isang batang babae. Pinagmasdan ko iyon at dun ko napagtanto na si Rain ang batang lalaki, ang kapatid niyang si Rainia ang batang babae. Ang babae na may buhat kay Rain siguro ang nanay niya, at yung lalaki ang tatay niya.


Napakasaya nilang tingnan sa picture. Kinuhaan ito habang nasa park sila, may hawak pa ngang bola ang batang lalaki at isang teddy bear ang batang babae. Pansin na pansin din sa picture na ito ang pagmamahalan ng mag-asawa sa litrato. Kamukhang kamukha ni Rain yung lalaki maliban sa mata at labi nito.


Pinunasan ko ng tissue ang tumulong dugo sa frame na galing sa daliri ko gamit ang shirt na suot suot ko kanina. Nasaan kaya ang tatay niya? Bakit yung malaking picture frame sa labas wala na yung tatay nya doon?


Binalik ko na lang ito sa dati niyang pwesto. Lumabas na ako dali dali at pagkabukas ko ng pinto ay nasalubong ko si Rain.


"Akala ko kinain ka na ng kama. Bakit ang tagal mo?" Tanong niya sakin habang nakakunot ang noo niya.


"Kasi hindi ko alam nasaan switch ng ilaw. Hindi ako sanay, tsaka may pagkabulag din ako minsan." Palusot ko sa kanya.

Hindi na siya sumagot pa at agad na niya akong tinalikuran. Bumaba ako kasunod niya at nilagay ang mga damit ko sa bag ko.


"Rain, puntahan ko muna si Bryan. Gagawa pa kasi kami ng visual aids tsaka report diba?" Sabi ko sa kanya.


"Go on." Sagot lang niya sakin.

Tulad ng sinabi niya ay lumabas ako ng bahay niya dala dala ang bag ko. Pumunta ako sa labas ng bahay ni Bryan at tinawag siya. Agad agad siyang lumabas ng bahay na nakapambahay na damit.



"Hinahanap kita. Saan ka ba nagpunta?" Tanong niya sakin habang nakakunot ang noo niya.


"Kela Rain, may bastusing nagdumi ng damit ko habang hinihintay ka." Sagot ko sa kanya.


"Tara, pasok ka. Mahaba haba pa yung pagaaralan natin."

Pumasok kami sa bahay niya at pagkapasok pa lang niya ay sinalubong na siya ng isang pusa. Tiningnan ko lang yung pusa kasi parang nabasa ng ilang ulit dahil kulot kulot yung fur niya. Binuhat ni Bryan yung pusa at ang sama ng tingin sakin ng pusa. Kung naiisip man nung pusa na baka agawin ko ang amo niya, kanyang kanya na si Bryan. Saksak pa niya sa baga niya.



"Binuhat mo eh basa ata ng ulan yan." Sabi ko sa kanya.


"Hindi siya nabasa ng ulan. Natural sa kanya yan."

Biglang may lumabas galing sa kusina nila dala dala ang isang tray na may dalawang coffee mug at biscuits.


"Andyan na pala yung bisita mo hindi mo man lang agad ako tinawag." Sabi nung babae, may hawig kay Bryan yung babae.


"Kakapasok lang namin." Sagot ni Bryan habang nakaupo sa sofa at hinihimas yung alaga niyang pusa.


"Iha maupo ka. Feel at home." Sabi niya habang nilalagay sa coffee table nila yung mga dala niya sa tray.


"Thank you po." Sagot ko. Umupo ako sa katabing parte ng sofa malapit kay Bryan.


"Sige, kumain muna kayo. Balita ko mahaba-haba pa yung aaralin niyo para sa report niyo. Wag kang mahiya ha? And inumin mo yang hot choco para hindi ka lamigin. Babalik pa ata yung ulan." Tuloy tuloy na sabi niya bago siya tuluyang umalis. Tumango at ngumiti lang ako bilang sagot sa mga sinabi niya.


Tulad ng sinabi niya ay ininom ko nga ang hot choco na binigay niya. Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid at halos pareho ang hitsura ng bahay ni Bryan sa hitsura ng bahay ni Rain. Konting pagkakaiba lang tulad ibang cabinet ang nakalagay sa ibang lugar o pwesto. Mas maaliwalas ang bahay ni Bryan.

Naubos ko rin naman kaagad yung hot choco kaya nagumpisa na kaming pag-aralan yung report habang hinihighlight ko pa rin yung mga parte na dapat kong isulat sa visual aids. Inexplain ko sa kanya ang dapat niyang sabihin sa report namin. Kahit papaano nakukuha ko naman atensyon niya kaso sobrang selosa lang ng pusa niyang kulot.


"Hachoo!" Biglang reaksyon ko.

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat pero paulit ulit akong hinahaching dahil sa hindi ko malamang dahilan. Biglang lumabas yung nanay ni Bryan mula sa kusina at tinanong kung okay lang daw ba ako, sumagot naman ako na ayos lang ako at pasensya na daw kasi naglilinis sila ng isang maliit na kwarto malapit sa kusina.


"Bryan!" Sigaw ng isang lalaki mula sa labas.


"Oy Bry, si Rain hinahanap ka." Sabi ng ate niya na kakapasok pa lang sa bahay nila.

Nakasuot ito ng uniform para sa nursing students. Ngumiti siya sa akin dahil naging school mate ko rin siya noong Freshmen pa ako. Kaya pala ganun na lang kapamilyar sakin ang apelido ni Bryan. Kilalang kilala kasi siya dahil sa sobrang ganda niya at talino.


"Oh Sunny ikaw pala yan." Sabi niya bigla. Ningitian ko lang siya pagkatapos kong magbow sa harap niya. 3rd dan na kasi siya sa taekwondo kaya ako nagbow para respeto sa kanya.


"Hello ate Mira." Sabi ko sa kanya.


"Kaklase mo pala si Sunny, Bry. Bakit hindi mo sinasabi?"

Pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa ko sa irereport namin. Mabilis din naman nagpaalam ang ate ni Bryan para magpalit ng damit at magaral ng bigla niyang pinaalala na si Rain ay nasa labas. Tumayo ako at ako na ang nagkusang loob na sumilip dahil mahal na mahal ni Bryan yung pusa niya.



"Anong ginagawa mo dito?"

Napalabas ako bigla dahil nasa likod ko si Bryan ng bigla siyang magsalita. Akala ko kung sino na ang nangulat sakin.


"Doon na kayo sa bahay gumawa ng report." Sabi niya habang nakakunot ang noo.


"Wag na 'to--"


"Oo nga anak, doon na kayo gumawa. Naglilinis pa kasi kami sa storage room. Kanina pa haching ng haching yung bisita mo..." Biglang singit ng nanay niya.

Napabuntong hininga na lang siya at binitawan niya bigla yung pusa niya. Nilinis niya yung gamit na ginagamit ko at dali-daling dinala ito sa bahay ni Rain. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa at tahimik lang. Pakiramdam ko awkward na pareho silang kasama, parang tahimik na chaos.


Umupo lang ako sa sofa at ganun din si Jeffrey. Hinanap ko yung marker sa bag ko ng biglang marinig ko ang mga pamilyar na salita na sinasabi ni Bryan.


"At first, I thought my summer would be boring like the usual cases.."

Napatingin ako bigla sa kanya at hawak hawak niya yung extrang notebook ko na walang laman kundi random notes, scribbles and doodles. Sinamaan ko siya ng tinggin at ginantihan lang ako ng isang masamang ngisi galing sa kanya. Naglalakad pa siya habang nagbabasa at halos umeecho na yung boses niya sa bahay ni Rain. Hinabol ko siya pero hindi kami nagtatakbuhan, bukod sa nakahiga si Rain sa sofa (at hindi ko alam kung tulog ba siya) ay hindi ko naman ito bahay.



"Bryan kasi, akin na yan." Pero hindi niya pa rin binibitawan ang notebook ko. Paikot ikot na kami sa coffee table nila Rain at winawagayway pa niya yung notebook sa taas.

Habang nagiikot-ikutan pa rin kami ni Bryan ay biglang hinawakan ni Rain ang kamay ko habang nakahiga pa rin siya sa sofa at nakapikit na parang tulog.


"Wag mo siyang habulin. Umupo ka na lang." Sabi niya habang sobrang hina ng boses niya.

Tulad nga ng sinabi niya ay umupo nga ako sa isang sofa sa di kalayuan kung saan nakahiga si Rain. Biglang lumapit sakin si Bryan at inabot yung notebook na kanina ay dahilan bakit kami naghahabulan.


"Ayan na oh. Korny lang naman pinagsusulat mo." Sabi niya sakin.

Sasagutin ko na sana siya ng biglang may isang babae na pumasok galing sa labas ng bahay nila Rain. Dala dala niya ang isang paperbag at nakadress ito na kulay asul. Siya yung babaeng nasa picture kaso mas nagmature ang mukha niya. Pansin na pansin din yung tyan niya na medyo may kalakihan.



"Rain, bakit di ka nagsasabing may bisita ka pala?" Sabi agad nung babae habang hinuhubad ang sapatos na suot suot niya.


"San ka galing mom?" Sabi niya habang nakahiga pa rin.


"Grocery. Some stuffs you know."


"Sana hinintay mo ko.." Pabulong na sagot ni Rain.


"Hi Tita." Bati agad ni Bryan at tinulungan yung mom ni Rain na dalhin yung bags na dala niya.

Tumayo si Bryan kaya tumayo rin ako, nasa likod lang niya ako. Magmamano na sana si Bryan ng biglang nakipagshake hands lang yung nanay ni Rain sa kanya.


"Wag kang magmano. Feeling ko ang tanda tanda ko na." Sabi niya while smiling.


"Ahh.. Hahaha." Yan lang ang nasabi ni Bryan habang napapakamot siya sa batok niya.


"What's your name?" At tinuro ko ang sarili ko.


"Yes. You. What's your name?" Tanong niya ulit sakin.


"S-Sunny po... Sunny Branson." Sagot ko habang nauutal pa.


"Nice to meet you. I'm Mrs. Cruz.." Sabi niya sakin while offering a hand shake. Tinanggap ko naman yun at medyo awkward na nagshake hands kami.

Pumunta na ng kitchen yung nanay ni Rain at nag-umpisa na kaming magaral ulit ni Bryan kahit medyo naa-awkwardan ako sa sitwasyon namin. Hindi ko naman kasi kagrupo si Rain (well, mas pipiliin ko pa siyang kapartner kesa sa nakakainsultong lalaking 'to) pero andito kami sa bahay niya.

Binigyan naman kami ng nanay niya ng ice cream at nag-agawan pa nga si Bryan at Rain sa natitirang Ube flavor. Hindi na ako humingi pa dahil malamig sa labas tapos malamig pa rin ang kakainin ko, baka magkasakit lang ako. Nag-paalam na rin yung nanay niya na susunduin yung bunsong kapatid niya sa school kaya tatatlo na naman kaming nandito sa bahay niya.



"Sunny tara dito." Sabi ni Rain habang may tinuturo yung space na nasa gilid niya.


Pare-pareho kaming nakaupo ngayon sa sahig at nasa left side kami ni Bryan magkatabi. Siya naman ang nagaaral nung notes at ako na yung nagsusulat sa manila paper for visual aids. Tumayo nga ako dahil tinawag niya ako at umupo sa tabi niya.

Napatili ako bigla ng may luamabas na nakakatakot na imahe sa screen ng laptop niya. Hinampas ko siya bigla at sinabunutan pa.


"Nakakasar ka!" Sigaw ko habang hinampas ko ulit siya.


"Aray ah! Nakakarami na!" Sabi niya bigla habang bigla niyang nahawakan ang magkabila kong braso. Napatinggin ako sa kanya ng matagal at ngumiti siya.


"Napakamatatakutin mo.." Sabi niya bigla at pinisil ng mahina ang ilong ko pagkatapos niyang pakawalan ang kaliwang braso ko.


"Heh. Wag ka nga, parang hindi mo alam." At umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Alam ko. Hindi mo ba naaalala yung sinabi ko sayo nung nakaraan sa phone? Face your fears." At ginulo pa niya ang buhok ko na parang asong pinapaamo niya.


"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag mong ganyanin buhok ko?"

Ngumisi ngisi lang siya at bumalik na naman yung tinggin niya sa laptop niya. Tiningnan ko kung anong tinitingnan niya at isang facebook account iyon ng isang babae.


"Sino yan ah?" Tanong ko sa kanya habang tinutusok tusok ang tagiliran niya.


"One of my ex, happy?" Walang alinlangan niyang sagot sakin.


"Ow. She's pretty. Bat mo iniwan?" Tanong ko kaagad sa kanya.


"I don't love her so why I should hold her if I can let her go?"

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng gulit mula sa mga sinabi niya. Parang sising sisi siya na ewan. Tiningnan ko ulit yung picture ng babae at bigla na naman niyang nilipat sa nakakatakot na site.


"I HATE YOU SEBASTIAN RAIN LEE ALFORD CRUZ!"


-*-*-



At mabilis na tumakbo ang oras, puro hampasan lang ang nangyari samin ni Rain at si Bryan na ang nagsulat ng visual aids namin.


"Tara ihahatid na kita sa inyo." Sabi ni Bryan at kanina pa niya niligpit yung mga ginamit namin.


"Ako na Bryan, umuwi ka na sa inyo." Tutol naman ni Rain.


"Ako dapat maghatid sa kanya, ako kumausap sa tita niya."

Nanahimik silang dalawa, napabuntong hininga na lang ako. Kanina pa sila aso't pusa dahil ayaw ni Rain na tumulong ako kay Bryan.



"Sige, una na kami." Sabi ni Bryan at dala dala na niya ang gamit ko.



Tuloy tuloy kaming naglakad palabas ng bahay ni Rain. Bastusan na dahil sobrang higpit ng hawak niya sa bandang pulso ko at ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Rain.


Marahas pa rin niya akong higit higit at nung medyo nakalayo layo na kami ay tsaka ko lang pinilit higitin yung kamay ko sa kanya. sobrang sakit dahil sa bracelet ko at mas lalo pang humigpit yung hawak niya sakin. Paniguradong magmamarka yung bracelet ko dahil sa ginawa niya.


"Bryan ano ba!"

Biglang natanggal yung beads ng bracelet ko kaya siya napatigil. Hindi niya pa rin nagawang humarap sakin. Pinulot ko yung mga beads na gumugulong pa sa daanan. Naiiyak ako. sobrang importante kasi ng bracelet na 'to.


"Umuwi ka na. Wag mo ng pulutin yan."

Hinigit na naman niya ko patayo pero hindi ako nagpahila at pinulot ko pa rin ang mga iyon. Nilalagay ko yung mga nakukuha ko sa bulsa ko para gagawin ko na lang ulit 'tong bracelet sa bahay.


"Sunny ano ba?! Wag mo ng pulutin yan."

Nilagay ko yung huling beads na nakuha ko at agad ko itong nilagay sa bulsa ko. Hinarap ko siya at tsaka ko siya tinitigan ng masama. Sa ibang taong nakakakilala sakin natatakot na sila kapag ganito na ang titig ko pero dahil bago nga siya ay parang normal na lang sa kanya.


"Wala kang ideya kung gaano kahalaga sakin atong bracelet ba 'to. Mas mahalaga pa to sa buhay mo." Sabi ko sa kanya.

Tinalikuran ko na siya at nagumpisang maglakad palayo sa kanya. Para siyang poste na napako sa kinatatayuan niya. Totoo naman kasi na mas mahalaga pa yung bracelet ko kesa sa papel niya sa buhay ko. Wala naman isyang ginawa kundi inisin ako buong magdamag.


"Wait. Look."

Hawak hawak na naman niya ang isa kaliwa kong braso na agad ko naming tinabig at matanggal sa pagkakahawak niya.


"Pwede ba, tigil tigilan mo na ko? Nakakairita ka. Sa lahat ng transfer ikaw lang ang hindi ko matimpla ang ugali at marinig ko pa lang ang pangalan mo naiinis na ko. Sirang sira na ang araw ko kapag naririnig ko yang boses mo at ngayon mas lalo kitang kinainisan dahil sinira moa ng bracelet ko!" Tuloy tuloy kong sabi.


"Look. I'm so sorry okay?" At pinatong niya sa magkalbila kong balikat ang dalawa niyang kamay.


"Naiinis lang ako kasi kapag kasama mo si Rain parang bale wala na ako. Katulad na lang kanina, parang hangin na lang ako sa inyong dalawa."


"Pwede bang tigil tigilan mo na ko? Kailangan ko ng umuwi!"


"Tsk. Gusto mo ng diretsuhan ah. I like you and I'm going to court you whether you like it or not."

Bigla ko siyang tinawanan ng malakas at halos maluha luha na ko sa sobrang kakatawa ko.


"Darn it! I'm fcking serious!"


"Next time magpaturo ka ng ibang joke ha? Kay Rain ka nagpaturo noh? Mag pinsan talaga kayo!" Sagot ko habang natatawa tawa pa rin ako.


"I'm dead serious!!"


"Ganito. Pft. Nakita mo yung buwan? Pag naging tatlo na yan tsaka lang ako maniniwala sayo."

At tsaka ako naglakad palayo. Buti na lang at malapit na kami sa sakayan kaya sumakay na ako kaagad sa isang jeep. Napabuntong hininga na lang ako ng maalala kong nasira yung bracelet ko. Nakakaasar na Bryan yun.

Mabilis naman akong nakauwi at mabilis na naghapunan at naglinis ng katawan. Napansin ko ang isang box na nasa study table ko na naka-address sakin.


"Spring! Binuksan mo ba yung box na nasa study table?" Sigaw ko ng nasa hagdanan na ako pagkatapos kong lumabas ng kwarto.


"Hindi."

Nagpasalamat ako pagkatapos at binuksan ang box gamit ang cutter na nasa lalagyan ko ng mga lapis.


Halos masuka ako sa amoy pagkabukas ko nun. Isang patay na kalapati ang nasa box. Ang lansa pa ng amoy at halos parang kakatuyo pa lang ng dugo sa katawan ng kalapati. Kapansin pansin ang isang patay na rosas sa tabi ng kalapati at may note na nakatali sa katawan nito. Agad agad ko iyong kinuha at binasa ang nakalagay sa note. Nakasulat ito sa hanggul at buti na lang ay marunong ako kahit papano.




죽을수있는세가지구성요소

"There are three components to die."




Bakit parang bigla akong kinilabutan ng naintindihan ko na ang mga nakasulat sa papel?

Continue Reading

You'll Also Like

27K 1.5K 40
"Tuwing nananaginip ako, nagkakaroon ako ng ikalawang buhay at tila lahat ng nangyayari doon ay totoo." Evangeline Laverde, isang call center agent n...
497K 15.1K 54
Ambriel was sent to a mansion little she did not know they are six guys living in the mansion then as she arrives she felt something weird and then s...
56.6M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
320 83 17
UNEDITED. Mercy Hernandez is a high school student who went missing for days and found dead after. Mercy's death sends the town into chaos as her cl...