THE UNFORGIVEN LOVE (under re...

By Theblackwdow

8.7M 130K 4.1K

Si Ana,isang babaeng nabuhay na walang ibang hinangad kundi ang makamit ang tiwala ng kanyang Papa. Wala siya... More

THE UNFORGIVEN LOVE
Chapter 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23 (present times, next to 17)
CHAPTER 24
Chapter 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
Chapter 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75

CHAPTER 30

107K 1.5K 23
By Theblackwdow

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT....


-CYRUS POV-


Inilayo ko ang aking mukha ng aabutin ni Tricia ang aking labi. 

Nakunot ang noo nito at tumayo ako na mas lalong kinabahala niya.

"I need to go to the office. May importante pa pala akong aasikasuhin." Hindi ko ito nililingon at inayos ang nalukot kong damit.

"You can't leave me Cyrus." pagbabanta nito sakin.

Mariin akong pumikit at pinigilan ko ang aking sarili na makapagsalita ng kung ano rito.

Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"I can." saad ko at hinarap ito.

Kinuha ko ang hinubad kong itim na Suit at linagpasan ito sa pagkaupo sa kama.

"I need you." halos pumipiyok ang boses nito.

"Hindi ako ang kailangan mo trish, sarili mo ang makakatulong sayo."

"NO!!" umere ang malakas nitong sigaw sa kabahayan na sinundan ng sunod sunod na pagkabasag ng salamin sa bintana.

Hinayaan ko lang ito sa ginagawa.

"You told me you love me..." umiwas ako ng tingin ng makita ko ang mga luha nito sa pisngi.

 

"I am.." sabay tingin muli rito. Nagkaron ng pag-asa ang mga mata ni tricia subalit ang pag-asang iyon ay tila bumagsak mula langit.

"I am but I love Anna more than anything else."

Napahawak ito sa bibig at pinigilan ang sariling mapahagulhol.

"I thought I have a perfect life when we were together until I met Anna. She came to the picture and brought so much joy to my life and everything is complete in me."

"No, No Cyrus.. You love me Cy. Please bawiin mo ang mga sinabi mo."

Mariin kong hinawakan ang kanyang mga kamay ng tuluyan itong makapalapit sakin. Her eyes are the reflection of the destruction of her soul.

"Hindi yun totoo; Ako ang mahal mo Cyrus. Sinabi mo sakin na ako ang mahal mo. Ako lang."

"Trish iyon ang totoo. " Malumanay kong sabi. Pinahid ko ang mga luha sa kanyang pisngi at napapikit ito sa ginawa kong paghaplos.

"You can't push yourself to someone who doesn't love you enough. You have to learn to let go of the things that's not meant for you."

"If someone leaves you along the road, someone will come over and walk with you. Somebody will love you more than what love you can give and what you deserve. You just have to let go of the things that hurt you so you may find that someone that will cherish you for the rest of your life."

Hinawi nito ang aking mga kamay at niyakap ang sarili. Nararamdaman ko ang lamig na  dala ng hangin nanggagaling sa bintana.

"It's you that all I need. I don't need that stupid someone in my life. I want you Cyrus, I love you."

Sunod sunod ang aking pag-iling.

That's all I can say for now. Gusto kong itigil na ang pagkukunwaring ito.

Ayoko na.

Hindi ako ang kanyang kailangan.

Akala ko ako ang makakatulong sa kanyang paggaling, subalit hindi pala.

Dahil habang lumalapit ako sa kanya at nagtatangkang ayusin ang kanyang buhay, ,mas lalo siyang sinisira ito.

Mas lalo ko siyang pinapakapit sa isang pag-asang wala naman nang patutunguhan.

Bagsak ang aking mga balikat na tumalikod.

Naisip ko na hindi rin pala maganda ang tumulong ka sa isang taong hindi naman handang tulungan ang kanyang sarili.

Ang desisyon pa rin ng taong iyong tinutulungan ang siyang magtatakda ng kanyang kapalaran. Kasi balewala ang iyong pagmamalasakit kung hindi ito kayang pahalagahan ng iba.

"Sige subukan mong umalis, ipapalaglag ko ang batang ito." Natigil ako sa paglalakad at nanlalaki ang aking mga mata na napatingin muli kay tricia.

Her eyes are full of anger, rage and pain.

"Sa oras na itapak mo ang mga paa mo sa labas ng kwartong ito, hinding hindi muna ako makikita. ' Pumiyok ito subalit nanatili ang galit nitong ekspresyon sakin.

"Minahal kita Cyrus, Minahal kita nang buong puso ko't kaluluwa. Minahal kita ng higit pa sa langit, ng higit pa sakin buhay. All I want is for you to return my love. Mahirap bang gawin yun? Mahirap bang mamigay ng pagmamahal sa katulad kong miserable ang buhay."

"I offered you what you want Tricia. I gave you what you need."

"I want Anna get out of your life!!"

 

"NO!!!" I growled. hindi ko na rin maiwasan mapasigaw.

"Sige!! Gawin mo!! Ipalaglag mo ang batang yan!! Gawin mong mas miserable ang buhay mo!! Sirain mo ang natitirang pag-asa mo sa buhay!!"

Unti unting napaatras si Tricia sakin mga sinabi. Hindi ito makapaniwala na kaya kong bitawan ang lahat ng meron kami. Will I'm desperate too. I can't handle the fact that she wanted to ruin my family just because she want to be happy. That's too much to ask; mga taong may mahina at marupok na pag-iisip lamang ang kayang mag-isip ng ganun sa kapwa.

"You know what; ikaw naman talaga ang may kasalanan dito eh. Ikaw ang nagdesisyon na maging miserable ang buhay mo hindi ang mga mgaulang mo, si Anna o Ako!! Angil ko sa kanya.

Ang galit nito kanina ay parang yelong unti unting nawawala at nagiging tubig na malamig. Nalulusaw hanggang sa tuluyang magiba ang blokeng hinarang nito sa kanyang puso.

I pity her. Pero hindi niya kailangan ang awang yun para hilumin ang sugat sa kanyang mga puso.

I am also hurt, but I choose to overcome the pain kasi ayaw kong manatili nalang don ng panghabang buhay.

Siguro nga, mas malakas ang mga lalaki sa mga ganitong bagay. We tend to forgive and forget, while women choose not to forgive and forget.

"Wala akong obligasyon sa batang dinadala mo; kung gusto mong itigil ang pagbubuntis mo ay hindi na kita pipigilan pa. Mag-isa kang habulin ng konsensya mo sa pagpatay ng sarili mong anak."

"I can't believe you." Sabay iling sa kanya. "Where is the woman that I used to fall in love; the woman who taught me how to fight for survival? Nasan na ang dating triciang hindi nagpapatalo sa lahat ng kalamidad sa buhay?"

Pero imbes na sumagot ay dahan dahan itong lumuhod sakin paanan at yinakap ang aking tuhod. Napagtuloy ito sa paghagulhol.

"Cyrus wag mo akong iwan, kailangan kita." Hagulhol pa nito.

Pero kailangan kong manindigan sakin mga sinabi. Ginawa ko na ang parte ko para tumulong, ayaw niyang magbago at Diyos nalang ang bahala sa kanya.

Kung ito ang paraan niya para mabalik ang mga taong nawala sa kanya ay hindi ito mangyayari.

The truth is, hindi lahat ng akala mong kailangan mo ay kailangan mo. Dahil kadalasan, ang mga bagay na iyon ang siyang magdudulot ng sakit na magdadala sayo sa pagkalunod at pagkasira.

Nasaktan s Tricia Oo; pero kung patuloy nitong yayakapin lang at makikisayaw sa sakit ng kahapon, hindi matatapos ang mapait na tugtugin at panghabang buhay siyang nakaakap sa dilim.

Inilalayan ko itong tumayo at hinawakan muli sa magkabilang balikat.

"You have to live with yourself Tricia." Inalis ko ang ilang hibla ng basang buhok na tumatakip sa kanyang mukha. Ang namumugtong mga mata nito ay sumasalalim kung gano ito nahihirapan sa sarili.

"Ang batang yan ang magbibigay sayo ng di mapapantayan kaligayan dito sa mundo."

 

"Maniwala kalang na lahat ng bagay, lahat ng pagsubok, lahat ng sakit, lahat ng problema, may hangganan; may katapusan."

"Mabuhay ka para sa sarili mo; para sa mga taong tunay na nagmamalasakit sayo; para sa magiging anak mo."

Tumulo na rin ang aking luha sa di ko malamang dahilan. Siguro dahil sa labis na pagkalungkot.

"Dahil kahit na anong gawin ko para abutin ang mga kamay mo at hilahin ka sa kumunoy na nagdadala sayo sa kapighatian, kung hindi ka masaya; hinding hindi kita matatangay pabalik sa kung sino ka noon."

Pain is inevitable and suffering is optional.

Ang sakit nandyan lang yan. Hindi natin maiiwasan, hindi natin maiilagan. Walang sinisino ang salitang yan. Lahat ng taong nakapaligid sayo ay sasaktan ka sa paraan hindi mo inaasahan.

Pero ang paghihirap, option natin yan.

Kasi dalawa lang naman yan eh; it's either we push our selves harder to get out in the cave of darkness and find the light for happiness or either we stay in the darkness and let our life suffer.

Walang saysay ang pagsasakripisyo kung hindi ka matutoto;

Walang saysay ang sakit, kung hindi ka marunong lumaban.

Nang magtatangkang umakap ito sakin ay hindi ko na hinayaan pa na magdikit ang aming mga katawan.

Wala nang dahilan para magpatuloy pa ito. Tapos na kami noon pa at wala na kaming sisimulan kahit kailan.

I can't offer my heart because it belongs to someone else.

Yung babaeng alam kong kayang pangalagaan ang aking puso ng hindi ako sinasaktan; nang walang kayang maibigay kundi pagmamahal lamang.

Sinalubong ako ng katulong na tila natataranta sa mga nangyari.

"Sir." Nahinto ako sa kanyang pagtawag.

"Nang galing po rito si Mam Anna."

Tila granadang sumabog sakin isipan ang mga salitang iyon.

Sunod sunod ang ginawa kong pagmumura.

"Hindi ko po alam kung ano ang nangyari pero nung pagbalik ko galing ng kusina, tumatakbo po siyang umiiyak."

Naalarma ako sa kanyang mga sinabi. Buong sistema sakin katawan ay nagimbal.

What if nakita ni Anna ang mga bagay na hindi niya dapat makita.

Swear, hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag magalit si Anna sakin.

"Nasan na ho siya manang?"

"Umalis na sir, kakaalis lang.." hindi ko na tinapos pa ang pagsasalita ng kasambahay nila Anna at agad akong nagtungo sakin sasakyan.

Kailangan kong magpaliwanag, I have to tell her the whole truth.

Kung kelan napagdesisyunan ko nang itigil ang pagkukunwaring ito ay tsaka pa nalaman ni Anna.

I tried to dial her number pero nakapatay  ang cellphone ng aking asawa.

Bigla kong nahampas ang manibela at sunod sunod ang ginawa kong pagmumura.

Wag naman sana, hindi ko kakayanin na mawala si Anna.

Hindi ko kaya.

Anna's POV

Naramdaman ko ang pagyakap ni Cyrus sakin katawan ng mahiga ito sa kama.

Nakagilid ako at nanatiling nakapikit ang aking mga mata.

Hinahalikan niya ang aking balikat at ang pigil nitong pag-iyak ang siyang nagpapapiga ng aking puso.

I have to act like nothing's happened. Pero hindi pala ganun kadali na magkunwari.

I was there. Narinig at nakita ko ang mga bagay na magpapahirap sakin damdamin.

"I'm sorry mommy." Pumiyok ang boses nito. Ang mga labi nito ay nanatili sakin balikat at hindi ko magawang gumala.

Natatakot ako.

At hindi ko alam ang bunga ng takot na iyon.

"Please forgive me Anna." He still is crying.

Naramdaman ko ang sincerity sa kanyang mga salita. Subalit hindi ko pa rin maikakaila ang aking mga nasaksihan kanina. I don't want to confirm it but I guess kung ano ang mga nakita ko ay sapat na para manatili ang takot sakin puso.

Oo iyon nga.

Ang dahilan ng takot na nararamdaman ko ay malaman ang tunay nitong ugnayan sakin kapatid.

Natatakot ako na malaman kung sino ang mas matimbang samin dalawa.

Pero kailangan kong maniwala sa mga salitang binitawan ng aking asawa.

Mahal niya ako.

Mahal na mahal niya ako..

Iyon nalang siguro ang iisipin ko. Iyon nalang ang paniniwalaan ko.

 

Cyrus POV

 

 

Wala akong narinig na pagtugon galing kay Anna.

Alam ko gising pa siya at hindi ko masisisi ang agarang panlalamig niya para sakin.

Kasalanan ko kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.

Nauubusan ako ng mga salita kasi hindi siya umimik sakin. Hindi niya ako pinapansin.

Pano ko aaminin sa kanya ang lahat kung hindi siya bukas sakin mga sasabihin.

Hindi madaling paniwalaan ang mga salita lalo na't kung nagsimula ito sa kasinungalingan.

Kung kinakailangan kong pagbayaran ang lahat ay gagawin ko wag lang mawala ang aking pamilya.

Handa akong magpakababa para sa kanya; para sakin asawa.

Humigpit ang aking yakap at nanatili ako sa kanyang tabi hanggang sa pareho na namin nakatulugan ang aming mga problema.

                                                                                                   


Continue Reading

You'll Also Like

18.2K 601 39
Natapos na ang lahat ng kasiyahan. Tapos na ang bawat pag-iintindihan at ang pag-asang magiging maayos ang lahat. Sa pangalawang yugto ng buhay nina...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.5M 53.3K 44
When she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement...
3.6M 49.5K 72
Bryle & Zeria's Whirlwind Story **WILL EDIT THIS SOON**