My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 28

3.1K 129 29
By drazzzzyyyy

Ehan's Pov

Napatingin ako sa wallclock ng silid nina Jell at mag-aalas syete na ay wala rin siya. Tagal naman ng babaeng yun, wala tuloy akong makausap.

Di ko na nga siya ginising dahil lagi niya akong nasasapul sa pagtatapon niya ang unan e, ewan ko ba kahit nakapikit yun ay natatamaan pa rin niya ako.

Napaisip tuloy ako, kapag ba nakasira yung dalawang mata niya e pati yung third eye rin? O nananatiling nakabukas? Kaya siguro sapul ako kasi nakikita pa rin niya ako gamit ang third eye niya. Tsk.

Nanatili lamang akong nakaupo sa upuan niya, marami-rami na rin ang nagsidatingan. Ang boring! Tagal ni Jell. Di ako makapirmi sa upuan ko kaya naman ay naisipan kong  maglaro. Sa kabilang column ay may nakita akong isang babaeng nagpapaganda eh mas maganda naman si Jell kahit di magpaganda. Umupo ako sa harap niya, hawak-hawak niya ang salamin nang may inilagay siya sa kanyang pisngi. Di ko alam anong tawag dito e, basta kinukulayan niya mukha niya. 

Pagkatapos niyang gawin iyon ay may nilagay siya sa kanyang labi. Lipstick to e, nakita ko tong minsan nang ginamit ng mama ni Jell to. At dahil bored ako, ay pinanood ko lamang siya, nang malapit na siyang matapos ay agad kong ikinompas ang lipstick niya patungong ilong kaya naman ay gulat siyang napasigaw. "Ahh! What the heck?"  sigaw niya kaya napatingin sa kanya ang iba pa niyang mga kaklase. Dali- dali niya itong pinunasan ng kanyang panyo. Tsk, di man lang natakot.

Sa sunod, manonood ako ng tutorials kung paano manakot. Kasi naman e, kahit si Jell di natatakot. Hmmp. Speaking of, napatingin ako sa wall clock, alas siyete na ah? Papasok pa kaya yon? Lumabas ako saglit para tignan kong papasok na siya, inilibot ko na rin ang tingin ko sa paligid pero wala pa rin at sakto namang pumasok na ang kanilang guro. Nasan na kaya yon?

Bumalik ako sa loob ng silid, nagtuturo na kasi ang kanilang guro. Minabuti koo nalang makinig para kung sakali mang hindi ito maabutin ni Jell, ay matutulungan ko siyang makahabol sa araling ito. Nakss! ang sweet ko naman.

Nasa gitna pa rin ng pagtuturo ang guro nang lumabas ako upang masilip kong paparating na si Jell. Inilibot ko ang paningin ko sa buong campus at isang pamilyar na pigura ang nakita kong nakaagaw ng atensiyon ko. Tinitigan kong mabuti ang isang babae na may kahawakang lalaki upang masiguro kong siya nga ba talaga ito. nang medyo malinaw na ay parang dinudurog ang puso ko nang hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Si Jell nga yon at si Jeriche. Ano meron? Ba't magkahawak kamay sila?

Walang ganang bumalik ako sa classroom at naupo sa upuan ni Jell. Ba't ganun? Imbes na maging  masaya ako kasi long time crush niya yon eh pero hindi. Hindi ko magawang maging masaya. Ang hirap na makita siyang may kasamang iba at magkahawak-kamay pa. ang masakit dun eh, Bagay na bagay sila! Alam ko namang wala akong karapatan na magemotye nang ganito, pero anong magagawa ko? Mahal ko eh.


Nang makarating na siya ay kunot noo akong napatingin sa kanya. Ewan ko kung bakit, pero medyo naiinis ako sa nakita ko na hindi dapat. Sinundan ko ng tingin habang naglalakad papunta sa upuan niya. Nang malapit na siya ay tumayo ako upang makaupo siya, tutal kanya naman ito eh.


"Bakit ngayon ka lang?" Salubong na kilay na tanong ko pa. Umupo naman ito at sumagot habang walang emosyong kakikitaan sa kanyang mukha. "Di mo ko ginising." Aniya. Napailing naman ako sa sinagot niya, ayaw niya ngang ginigising siya tapos ngayon magrereklamo? Naku naman Jell.

Nang biglang mag-anunsyo ang guro na magkakaroon sila ng quiz ay halos matawa ako sa naging reaksiyon ni Jell, pwede na to pang memes e. Para kasi siyang bata na inasar mo tapos napikon na kaya mukha na siyang natatae na parang naiiyak. HAHAHA! Natatawa ako pero kelangan pigilan dahil baka bigla niya akong awayin edi nagmukha siyang tanga tignan dahil di naman ako nakikita kaya magmumukha siyang mag-isang nagsasalita.

"Rizza, pengeng papel." Aniya sa babaeng kaharap ng inuupuan niya. Tignan mo to, aral-aral tapos walang papel? Tsk tsk, kuripot talaga. "Sasagot ka pa pala?" Maarteng saad ng babaeng Rizza ang pangalan sabay abot ng isang buong papel. Aba'y loko to ah? Ba't ginaganyan niya ang babaeng sobreang espesyal sa akin? Lagot ka talaga mamaya. Akala mo ah?

Nang magsimula nang magtanong ang kanilang guro ay halos malusaw sa titig ni Jell ang papel na walang sagot. Halos matawa ako sa itsura niyang parang nalugi. Ibinaba niya ang ballpen na parang maiiyak na dahil sa kawalan ng pag-asa ngunit dahil isa akong butihing multo ay sinabi ko ang sagot. "Sigmund Freud" Saad ko pa ngunit takang napatingin ito sa akin na tila ba nahihirapang magtiwala sa sinabi ko. Aray ha. Tsk, nakinig kaya ako ng mabuti at di ako madaling makalimot pwera lang sa kung paano ako namatay, nakakalungkot talaga. So balik na tayo sa topic, kayo kasi eh.

"Nakinig ako habang wala ka kaya isulat mo nalang sasabihin ko" Seryoso kong utos sa kanya na sinunod naman niya. Aba, masunuring tao. Matapos ang pagtulong ko ay nagpaalam muna ako na gumala. Gusto ko lang magpahangin muna dahil ang init dito e, buti at pumayag naman siya.

Pumunta ako sa lugar kung saan naganap ang first dance naming Jell, ewan ko ba ba't bigla nalang pumasok sa utak ko na gawin yun at talagang naghanap pa ako ng multong tutulong sa akin nun ah? Buti nalang pumayag sila. Tsaka muntik pa ako mapaaway dahil sa mga kandila dun sa sementeryo. Pano kasi, ang dadamot nung iba kesyo bigay sa kanila ng mahal nila samantalang ibabalik ko naman agad, hihiramin lang nga eh. Umupo ako sa patag at madamong lugar habang pinagmamasdan ang tanawin.

"Oh bro, mag-isa ka?" Tanong ni Third, isa sa mga multong tumulong sa akin. Isa siyang yumaong bokalista sa isang banda. Oh diba? Swenerte ako at singer ang nakuha ko. Pagala-gala siya dahil may isa pa siyang bagay na di pa natatapos at gusto niyang gawin bago man lang siya tuluyang tumawid sa liwanag. Yun ay ang makita niyang ipanganak ang kanyang anak. Masakit ang sinapit niya dahil pitong buwan palang na buntis ang asawa niya nung siya ay pumanaw dahil sa isang kaguluhan.

Umawat kasi siya sa bar nang matapos niyang awitin ang isang kanta, at saktong may mga kutsilyo ang mga lasing. Siya ang napuruhan, nadala pa siya sa ospital ngunit ilang minute lang ay nabawian na siya ng buhay. Ito ang kwento niya sa akin, sana ako alam ko rin ang istorya ng pagkamatay ko.

"Gusto ko lang mag pahangin." Saad ko pa. Umupo naman ito sa tabi ko kaya sabay naming pinagmasdan ang tanawin. Alam kong mahirap sa part niya na hindi man lang niya nakasama ang anak niya, ngunit masakit din para sa isang ina ang mawalan ng asawa lalo pa't buntis ito at di man lang inabutan ng anak ang kanyang ama. Nakakapanlumo.

Bumuntong hininga ito. "Kumusta ang paghahanap mo?" Habang tinutukoy ang paghahanap ko sa aking sarili. Nagkibit balikat lang ako "Wala pa rin" Sagot ko pa.

Kung dati ay nalulungkot ako dahil di ko mahanap ang sarili ko, ngayon ay parang ayaw ko nang mahanap pa at umalis dahil sa nag-iisang rason. Tinapik niya ang baikat ko "Ayos lang yan. Mahahanap mo rin." Pampalubag loob niya pa. Ngumiti ako "Parang ayoko na—ahh!" Napahawak ako nang biglang sumakit ang ulo ko, sobrang sakit na oparang minamartilyo.

"Bro, anong nangyayari sayo?" Pag-aalala ni Third. "Masakit—ahh!" Parng sasabog ang ulo ko sa pagkirot. Maya-maya ay may mga kakaibang imahe ang lumalabas.

"Ehan! Nagfe-fade ang katawan mo! Teka, tatawagin ko si Jell." Sigaw pa ni Third at nung mapatingin ako sa kamay ko ay tila lumalabo na ito.

Kumirot nang kumirot ang ulo ko kaya napapikit ako.

"Babe! Let's take a picture" Ani ng isang magandang babae na may mahabang itim na paalon-alon na buhok.

"Babe, let's eat na muna ha? Maya na mga pictures." Saad ng isang lalaki.

Ngumuso ang babae. "Hayst, Okay babe, I love you!" Happy Anniversary." Saad niya at ngumiti nanaman ng sobrang tamis.

"Happy Anniversary din, I love you more and more!" Sagot ng lalaki at hinalikan ang babae sa noo.

Tila tumigil ang mundo ko nang wala na ako makita. Idinilat ko ang aking mga mata. Ano yun? Sino yung mga tao dun?

Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang nagdilim ang paningin ko at wala na akong maramdaman.

Jell's Pov

Tumatakbo na ako sa may pathway para sundan ang multong maghahatid sa akin kay Ehan. Hang on tight Ehan! Papunta na ako! "Ano ba ang nangyari?" Halos pasigaw ko nang tanong kaya halos nagtinginan sa akin ang mga taong nasa paligid pa. Gulong-gulo na ako kaya wala akong pake sa iisipin nila.

"Ewan! Nag-uusap lang naman kami tapos biglang sumakit ang ulo niya at buiglang nagfefade ang katawan niya" Saad nung multo. Napailing naman ako, hindi pwede to. Wag muna sana. Wag ka muna umalis Ehan please? Wag mo muna akong iwan, just stay longer. Di pa ako handa.

Malapit na kami sa parkinglot nang biglang makasalubong ko si kuya. Ang taong gustong ipasara ang third eye ko. Hinarangan niya ako at mahinalang tingin ang ipinukol sa akin. "At saan ka pupunta?"Tanong pa niya. Hindi ko pwedeng sabihin na kay Ehan ako pupunta kundi pagbabawalan niya ako tsaka ipapasara ulit ang third eye ko. At kapag nangyari yun ay malaking tsansang hindi ko na maaabutan si Ehan o makikita pang muli dahil sa kagustuhan niyang ipasara ito alang-alang sa akin. Para iligtas ako sa panganib na dala nito.

Isang buwan lang ang palugit niya para masulit ko ang third eye ko, sinubukan niya itong ipasara ngunit di naman nasara. Pilit kong itinago ang katotohanang nakakakita pa ako dahil gusto ko pang makasama si Ehan.

Kinalma ko ang sarili ko sa pagsagot ngunit deep inside ay halos bulabog na ang puso ko sa halo-halong emosyopng naramdaman. "Sa parking lot. May naiwan kasi ako." Kalmado ko pang sabi. Tinitigan niya ako ng matagal na tila sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Maniwala ka please, kelangan ko nang umalis dito. Baka di ko na maabutan si Ehan!

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan, "Tara sabay na tayo, may kukunin din kasi ako." Wala nang paligoy-ligoy ay tumango na ko para di na tumagal ang usapan. Nagmadali akong maglakad at dumeretso sa scooter ko, buti nalang at di kalayuan ang pinagparkingan ko. Pinanood ko muna si kuya na may kinukuha sa kotse niya. Kelangan niya munang makaalis para di niya ako mahuli.

"Jell! Bilisan mo, baka mapano si Ehan. Mag-isa lang siya!" Ani ng multong kasama ko dahilan para mas lalo akong kabahan. Tagal umalis ni kuya!

Nang matapos niyang kunin ang ewan kung ano yun, ay naglakad na siya pabalik ng campus. Akala ko ay dederetso na siya ngunit bigla itong sumigaw. "Jell! Hali ka na, malelate na tayo" Saad pa niya. Di Pwede uy.

"Mauna kana! Di ko pa nakita yung kukunin ko!" Pabalik na sigaw ko pa. Tumango lang ito saka naglakad na papaalis.

Sumakay na ako sa scooter ko. Papunta na ako Ehan! Hintayin mo ko. "Sakay" Saad ko pa sa multong kasama ko. Sumunod naman ito kaya nang makasakay siya ay pinaharurot ko kaagad ang scooter ko ngunit sa kasamaang palad ay hinarang kami ng gwardiya. Lintek na!

"Saan ka ineng? Nasa kalagitnaan kayo ng klase tapos lalabas ka? Di pwede. Balik! " Kunot noong saad niya na tila irritated. Napakagat ako sa labi ko na. Parang gusto ko nang umiyak! "Kuya, Emergency ho." Pagrarason ko pa. Sandali lang Ehan. "May letter ka bang pinapayagan kang lumabas?" Tanong niya. "Wala po pero please?"Pagmamakaawa ko pa.

"Iha, kami ang mawawalan ng trabaho pag pinalabas ka naming kaya bumalik ka na sa klase mo o isusumbong kita sa principal." Saad ni kuya.

Nanlumo ako at nakaramdam ng takot. Natatakot ako nab aka pagdating ko ay wala na. Huli na ang lahat at di ko na naabutan.

Hindi pwede to. "Jell ano na?" tanong ng multo. Dali-dali kong ibinalik sa parking lot ang scooter at iniwan ito dun saka patakbong pumunta sa isang lugar na kami lang ang may alam. "Dun tayo sa secret exit. Sumunod ka." Saad ko pa. di naman kumontra ang multo kaya mabilis kaming nakarating doon sa labasan na nakalocate sa likod ng paaralan.

Nang makalabas kami ay itinuro agaad ng multo ang daan papunta kay Ehan. Lakad-takbo na halos ang ginagawa namin at habang kami ay nasa daan pa ay taimtim akong nanalangin na sana, sana talaga maabutan ko pa siya. Bahala na ang tatlo ko pang natitirang subject.

Pamilyar ang dinadaanan naming at napag-alaman kong dito niya ako isinayaw.

Nakarating kami sa isang burol. Huminto ang multo kaya napahinto rin ako. "Asan na yun? Dito lang yun kanina eh." Napakamot ng ulo ang multo habang inililibot ang paningin.

Tila tumigil ang mundo ko nang wala akong madatnang Ehan. "Ehan, Lumabas kana! Dito nna ako!" Sigaw ko pa ng paulit-ulit habang iniikot na ang paligid. Nanggilid ang mga luha sa mata ko hanggang sa sunod-sunod na itong pumapatak. "Ehan.." Pabulong ko pang sabi at napaupo na lamang sa sobrang sakit.

Wala na siya...

Totoo ba to? Ayokong mmaniwala. Di ako handa.

Bakit mo ko iniwan Ehan? Bakit...

Someone's Pov

"Doc! Gumalaw ang daliri niya!" Masaya ko pang sabi nang makita kong gumalaw ang kanyang hintuturo. Ichineck naman ito ng Doctor at sinabing good sign daw ito. Marami pa siyang sinabi at pagkatapos ay iniwan na niya ako sa silid. Napangiti ako saka hinalikan siya sa noo. "Babe, Malapit na tayo magkasama ulit. Gumising kana ha? 3 days nalang ay anibersaryo na natin. Mahal na mahal kita."

A/N: Sorry sa matagal na update, sana magustuhan niyo pa rin.

Continue Reading

You'll Also Like

168K 3.8K 34
A horror-comedy-suspense-slight erotic story...
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
618K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...
105K 897 5
Kilala mo ba sila? Narinig mo na ba silang kumanta? Nakita mo na ba ang kanilang mga mukha? Napatigil ka ba nang marinig mo ang mga tinig nila? Halin...