My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 27

2.8K 130 44
By drazzzzyyyy

“Hmm..” Usal ko nang may maramdamang sinag ng araw na dumampi sa aking mukha. Psh. Ano ba naman yan, ang sarap pa ng tulog ko eh! Paniguradong ang echuserong multong Ehan nato ang may pakana eh.

Sarap na sarap kasi siyang inaasar ako lalo pa't alam niyang ayaw na ayaw kong masinagan ng araw at mapilitang magising. Ang liwanag kasi sa mata tapos mainit, deretsa kasi ang sinag sa akin e. Ang oa ko.

Kinuha ko ang unan na yakap-yakap ko at dagliang inihagis ito papunta sa may bintana, kahit nakapikit ako, alam kong nandun siya. “Isara mo nga!” Inis ko pang sabi saka tinakpan ng isa pang unan ang pagmumukha ko dahil sa liwanag. Letseng Ehan to, gusto ko pa matulog eh.

“Aba't Hoy! Mag-aalas syete na, ayaw mo pumasok?” Agad kong inalis ang unan at napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses ni kuya. “Anong ginagawa mo dito? Kuya naman eh!” Pagdabog ko pa.

“Ginigising ka.” Aniya at naglakad papunta sa pinto. Wow ha? Ganun pala gumising ng tao? Pasinagan ng araw? Kunsabagay, gumana sa akin. “Ayy, ang sweet mo naman kuya.” Pang-aasar ko pa sabay pacute.

“Tanga! Utos ni mama. Kadiri ka.” Aniya at lumabas. Ang sungit naman ng taong to, may dalaw ba siya ngayon? Tsk, kaya mukhang matanda e, laging nakakunot. Napatingin ako sa relos ko at hela! 6:35 na samantalang alas syete ang pasok ko.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at binilisang maligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at inayos ang mga gamit ko saka tumakbo pababa.

“Kumain kana muna Jell.” Anyaya ni Mama. Nginitian ko siya saka umiling. “Di na po ma, sa school nalang.” Saad ko at lumabas. Wala na ang kotse ni kuya kaya paniguradong nauna na siya. Himala! Ang aga niya ah?  Sumakay na ako sa scooter ko at pinaharurot ito tungong paaralan.

Nang makarating ako ay nahagip ng paningin ko si Jeriche, kabababa niya lang sa kotse niya, nakita niya ako kaya kumaway siya. Kinawayan ko nalang din siya, baka mapahiya eh tsaka kelan pa kami nag pansinan ng ganto? Di naman kami close eh, ang fc naman nito, pasalamat siya crush ko siya dati.

Kinuha ko ang bag ko saka naglakad patungong classroom, medyo malayo pa ang lalakarin ko ah? Mula parking lot pa eh. May nadinig naman akong mga yapak na nakasunod sa akin kaya agad ko itong nilingon. “Hi!” nakangiti niya pang sabi nang makita ko siya. Ang gwapo, nyeta! “Yow!” Sagot ko pa kay Jeriche. Ang weird sa feeling nito kasi di ako friendly. Kunsabagay, kaibigan naman siya ni kuya e, normal lang siguro na pansinin ang kapatid ng isang kaibigan. Malamang.

“So how are you?” Tanong niya pa. At talagang makichika pa to sa akin e malelate na ako. Kunsabagay, minsan lang naman ito. “Eto, malelate na.” Pagkibit-balikat ko pa.

Agad nanlaki ang mata ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at mabilis na tumakbo. “Aba't anong ginagawa mo?” Protesta ko pa habang tumatakbo kami. Di pwedeng maglakad? Hinihingal ako e.

“To your classroom. You said, malelate kana e.” Aniya at napatahimik naman ako. Nakaramdam ako ng init sa pisngi kaya panigurado ay namumula ako, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil sa pagod.

Hingal na hingal kami nang marating namin ang silid, pareho kaming pawisan kaya inilabas niya ang kanyang panyo at ipupunas sana sa akin ngunit napaatras ako. “Wait. Anong nangyayari sayo?” Tanong ko pa. Napayuko naman ito, “I don't know.” Aniya at naglakad palayo.

Napakamot naman ako ng ulo. Problema nun?

Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok. “Good morning sir, sorry Im late. May I come in?” Magalang kong tanong, kinunutan naman ako ng noo bago sumagot. “Have a seat.” Aniya at nagpatuloy sa pagsasalita.

Bago ako pumunta sa upuan ko ay nahagip ng mata ko si Ehan na naiiling habang nakadekwatrong umupo sa upuan ko. Aba? Letseng to, di man lang ako ginising samantalang nauna pa siya sa akin dito ah.

“Bakit ngayon ka lang?” Tanong pa niya habang salubong na salubong ang kanyang kilay. “Di mo ko ginising.” Pabulong ko pang sabi, mahirap na baka may makahalata sa akin at masabihan akong baliw. Napatingin ako sa bakanteng upuan sa may gilid ko. Wala si Jezreel ah? Ba't naman kaya absent yun?

“Okay, get one whole sheet of paper. We will be having our short quiz.” Nagulat ako sa sinabi ng guro. Aba'y letse! Late na nga ako at di ko na inabutan ang lesson niya plus di ako nagstudy tapos magpapaquiz siya? Anong score ang makukuha ko dito? Circle? Tsk. Bahala na nga.

“Rizza, Pengeng papel.” Paghihingi ko pa sa harapan ko. Inirapan niya muna ako bago binigyan sabay sabing “Sasagot ka pa pala? May maisagkt ka kaya?” Aniya saka demonyong ngumiti. Tsk, kala mo naman kung may masagot din siya. Di naman ako manghihingi kung meron ako e. Bakit ba? Naiwan ko ang mga papel ko e.

Nagsulat na ako ng pangalan at tamang titig lang sa papel ko. May maisusulat pa kaya ako dito? Napailing na lamang ako at ibinaba ang ballpen. Wala ng pag-asa to. Nagsimula ng magtanong ang guro pero nanatili pa rin akong nakatunganga ngunit may isang butihing hulog ng langit sa tabi ko.

“Sigmund Freud.” Aniya. Takang napatingin ako kay Ehan. Kunot ang noo nito nag magsalubong ang mga mata namin. “Nakinig ako habang wala ka, kaya isulat mo nalang ang sasabihin ko.” Aniya. Wow? May advantage rin pala pag may kaibigan kang multo eh noh? Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Matapos ang lahat ng katanungan ay bigla itong umalis, well di naman ako nagulat kasi nagpaalam ito. “Gala muna ako ah?” Aniya. Tumango naman ako at tuluyan na nga siyang umalis.

Nang magchecking na kami ay nagulat ako nang ako lang ang nakakuha ng perfect score. Talino ni Ehan ah? “Perfect? Wow. Nakachamba ka ata? O may multong tumulong sayo? Haha!” Ani Rizza. Tsk, di ko nalang siya pinansin baka mamaya makahanap pa ako ng away e. Yumuko nalang ako at isinandal ang ulo ko sa armchair

Nang pumasok ang kasunod na guro ay nag anunsiyo muna ito bago tuluyang nagdiscuss ng aralin. “On wednesday, we will be having our retreat together with Class B. I will give you the consent today and make sure to return it tomorrow.” Naghiyawan ang mga kaklase mo na animo'y excited sa nasabing activities. Ang oa naman nila tsk.

Wednesday na agad? Tapos, sina kuya pa ang kasabay namin. Pag minamalas nga naman oh. Sana mag enjoy ako.

Mabilis lang natapos ang unang tatlong subject palibhasa nakatulog ako sa pangatlong subject kaya di ko namalayan na tapos na pala basta tumunog nalang ang bell para sa break at ayun nakagising ako buti nalang at di ako napansin ng guro na natutulog at baka, pinagalitan ako.

Tahimik akong lumabas at pumunta sa isang bench kung saan nakapwesto sa may ilalim ng puno. Alas diyes na kasi at mainit kaya dun ko napiling tumambay.

Nakatulala akong napaupo dun. Ang boring, ba't kasi umabsent si Jezreel, kahit siya lang yung laging nagsasalita sa amin ay okay lang, kahit minsan nakakarindi ang boses niya ay okay lang. Medyo nasanay na rin kasi ako sa presensya niya e.

Nung una mag isa talaga ako, pero bakit parang ngayon ay tila nakakapanibago? Parang ang tahimik ng mundo ko ngayon tapos umalis pa si Ehan. Wala tuloy akong kausap.

Teka, san naman kaya yun? Napaisip tuloy ako bigla.

Mag iisang buwan na rin pala ang nakalipas mula nung gabing lumabas kami ni Ehan. Ang bilis ng panahon. Wala rin namang nabago sa pagkakaibigan namin, lalong mas naging close pa kami. At lalong mas ayoko na siyang umalis.

Medyo awkward nung kinabukasan nun kase, di ko alam kung paano siya kakausapin ulit, andami kasing alam e. Buti nalang at kinausap niya ako ng masinsinan tungkol dun. Tawang-tawa pa ako nang malaman ko na yung mga kandilang ginamit nila dun ay galing pa sa sementeryo.

Nagpaalam naman kaya sila sa kinuhaan nun? Adik talaga, kung ano-ano naiisip gawin.

Kaya naman pala ay iba-iba ang hugis nito, may mataas at may maiikli pati kulay ay iba-iba rin. Yun pala ay, galing pa sa sementeryo. Pasaway talaga. Natatawa talaga ako tuwing naaalala ko yung gabing yun. Kasalukuyan tuloy akong napangiti na parang timang. Baka mamaya may makakita pa sa akin tapos ipahuli ako sa mental, tsk.

Di ko lubos maisip kung ano ang sumapi sa kanyang mapaglarong utak. Nakahithit kaya yun? Polbo ang tinira. Sa kabila ng mga masasayang ngiti ko ay napalitan ito ng makungkot na ngiti at pag-aalala.

Hanggang ngayon ay hindi pa ako handang umalis si Ehan.

Mag tatatlong buwan na rin pala mula nung nakilala ko siya e, marami-rami narin kaming pinagdaanan. Sabay naming nilabanan ang palabang killer na multo, pati yung masamang multo sa school at kung ano pa man.

Pilit kong isinawalambahala ang mga iniisip ko, baka mabaliw lang ako.

Napatingin ako sa relos ko at limang minuto nalang ay matatapos na ang 30 minute break namin. Kaya naman ay tumayo na ako at pinagpagan ang sarili.

Magsisimula na sana akong maglakad ngunit may biglang humarang sa akin. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang multo. Pamilyar ito sa akin, isa siya sa mga kumant ng Perfect dun sa sayaw namin ni Ehan. Hingal na hingal ito at mukhang takot na kabado.

“Jell!” Aniya. Wow? Kilala ako ah? Maka Jell naman, parang close kami. Sasagot na sana ako nang muli siyang magsalita. “Si Ehan!” kinabahan ako nang marinig ko ang pangalan ng echuserong multo. Anong kagaguhan naman kaya ang ginawa nun?

“Bakit? Ano meron?” Tanong ko pa. “Nawawala!” Medyo kinilabutan at kinabahan ako nang marinig ko iyon. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Kasama ko pa yun kanina ah? Kumunot naman ang noo ko. Baka niloloko lang ako nito? Baka inutusan lang siya ni Ehan—pero mukhang seryoso naman e.

“Tara hanapin natin!” Maglalakad na sana ako ngunit bigla niya ako pinigilan. “Teka teka. Ibang klaseng pagkawala. Mahirap ipaliwanag.” Aniya. Mas lalong nagsalubong ang kilay mo. “Huh?” Naguguluhan ako! Anong klaseng pagkawala ang ibig niyang sabihin?

“Basta sumama ka sa akin.” Saad niya saka hinila ako. Makahila naman parang magkaibigan na kami ah?

Ngunit di ko mapigilang mag isip. Ehan? Ano naman ba ito?

Hindi kaya?..

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 158 28
This is the Book 2 of Tasio'ng Mangkukulam. Ang sabi, may isang lugar daw na maaring kinaroroonan ng mga Nekoruk. Ito nalang ang pag-asa ni Jasmine...
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
236K 354 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞