My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 26

2.9K 132 34
By drazzzzyyyy

“Anong ginawa niyo?!”

“Utos mo e.”

“Sabi ko sa inyo, wag niyo siyang sasaktan.”

“Sabi mo, dapat di niya alam na dinala siya dito kaya ayan. Pinalo ko para mawalan ng malay.”

“Hayshdgh!”

“Hmm..” A-aray ang sakit ng batok ko. Pati ng katawan ko.

“Gumagalaw na siya. Pumwesto na kayo!”

Bahagya akong gumalaw at dahan-dahang ibinukas ang mga mata ko. Ang dilim. Wala akong makita! Nasaan ako? Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. Medyo nahihilo ako e.

Nakaupo ako sa damuhan, at medyo nilalamig ako. Kinapa ako ang cellphone ko. Tanginis! Di ko mahanap. Nasaan na yun? Tsaka, paano ako napunta dito? Pati, bakit ako napunta dito?

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Kinapa ko ang bulsa ng bag ko, nagbabakasakaling nandito ang cellphone ko pero wala. Baka naiwan ito sa kalsadang dinaanan namin ni Ehan bago kami magkahiwalay—teka, nasaan si Ehan?

Medyo maliwanag ang buwan kaya kahit papaano ay may naaaninag pa rin ako. Nag lakad ako upang mahanap yung multo. “Ehan?” Bulong ko pa. Ewan bakit ako bumubulong e pwede namang isigaw para marinig niya. Antanga ko!

Medyo napapaisip ako, malamang sa malamang multo ang may gawa nito. Kasi kung tao, edi sana di kami mag kahiwalay ni Ehan.

Naglakad lang ako, medyo masukal ang daanan dahil mukhang gubat na ito. Kinakabahan ako. Baka, mamaya may biglang sumulpot na tigre o ahas jan at gawin pa akong midnight snack.

Halos mapatalon ako nang biglang may kandilang umilaw sa dinadaanan ko. Kinikilabutan ako ah. May nararamdaman akong kakaibang presensya ngunit di ko nga lang nakikita. Sunod sunod na umilaw amg kandila hanggang sa nagporma itong pahaba. Para siyang isang direksiyon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinundan ko ito. Medyo maliwanag na dahil sa kandila. Di ito ordinaryong kandila na tig tres sa tindahan kundi isa siyang malakihang kandila na may iba't ibang kulay.

Bakit may ganto sa gubat?! Pakiexplain nga.

Nagsitayuan ang balahibo ko at medyo kinakabahan ako sa posibleng lugar na pwede kong  puntahan sa pag sunod lamang sa kandila.

May mga baging na nakasabit at tinabig ko ang mga ito upang makadaan ako.

At napanganga nalang ako nang may mga nakahugis pusong kandila na bumungad sa akin. At sa gitna nun, ay nakatayo ang isang pamilyar na pigura. Di ako nagkakamali, si Ehan ang pigurang ito.

A-anong ibig sabihin nito?!

Dali-dali ko siyang nilapitan at binatukan. “Aray! Para saan yun?!” Reklamo pa niya. “Ano to? Tinakot mo ko! Sinaktan mo pa ako!” at pinagpapalo ko na siya. Bahala nga siya diyan. Matapos niya akong iwan sa damuhan? Paluin sa batok? Hanggang sa mawalan ng malay?! Akala niya, mapapatawad ko siya ng ganun ganun nalang?

Hmmp. No!

“Let me explain first okay?!” Aniya at pinagsasangga ang mga palo ko. “Explain mo mukha mo!” Inis ko pang baling. Tse! Akala niya ah.

“Bro. Tulong!” Saad ni Ehan. At maya-maya lang ay may humawak na sa akin na dalawang lalake. Nang tinignan ko ito ng mabuti, ala e, mga multo pala! Kakilabot. Piste.

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko. Ang lalamig ng kamay! Ang weird sa pakiramdam.

“Umupo ka muna diyan at mag relax.” Ani Ehan. May isa pang multo na lumabas at naglatag ng tela. Aba! Daming alas ah?!

“Ano nanaman ba to Ehan?” Tanong ko pa. Daming alam talaga tong multong to kahit kelan. Nakakainis!

Ngayon ko lang napansin, nagbago ang damit niya. Nakapolo siya ng blue at naka shorts lang. Medyo naging malinis ang awra niya at nagmukhang buhay na tao bagama't mahahalata pa rin ang kaputlaan niya ay hindi na iyon mahalaga.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang nakatayo pa rin siya sa gitna ng nakahugis pusong kandila. Ngumiti ito. Isang malungkot na ngiti. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Ayoko ng pakiramdam na ito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakangiti pa rin. Ngumiti rin ako sa kanya. Tahimik ko siyang pinapanood habang papalapit sa akin. Mula sa likod ay may inilabas siyang bulaklak. Mga gumamela at sampaguita. Kakaiba ang multong to!

Inaabot niya ito sa akin. “For you.” Aniya. Tinanggap ko naman ito habang nakataas ang isang kilay. “At ano nanaman ba ang kalokohang ito?” Biro ko pa sa kanya. “Pakisamahan mo nalang ako.” Sagot niya pa kaya napatawa ako sa sagot niya.

Inamoy ko ang bulaklak, mabango ang sampaguita samantalang ang gumamela naman ay walang amoy. “Saang bahay mo naman ito pinitas?” Tanong ko pa. Malamang sa malamang, pinitas niya lang ito sa tabi-tabi. Multo e, di pwedeng bumili.

“Dun sa kapit bahay niyo. Marami silang bulaklak e.” saad pa niya. Proud pa siya niyan ah. “So ano na?” sabi ko at napasulyap sa relo ko. “Ala una na, tos ito lang ang pakay mo?” Sabi ko habang naka crossed arms.

Nagulat naman ako nang ilagay niya ang hintuturo niya sa mga labi ko, “Shh, wait and see.” Aniya. Tologo bo? Tumango nalang ako at ngumisi. Daming paandar! Jusmeyo.

Nagulat ako nung bahagyang yumuko si Ehan at inilagay niya ang isang kamay niya sa likod, saka ang isa naman ay inilahad niya sa akin. “May I borrow you?” Aniya. Tinanggap ko nalang ang kamay niya. “Nahiram mo na ako, hihiramin mo pa.” Saad ko pa.

Idinala niya ako sa gitna ng mga kandilang nakahugis puso. Ano nanaman kaya to? Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya at inilagay niya naman ang kamay niya sa bewang ko. Ano to? Sasayaw ka mi nang walang musika?

Hindi ba kami mag mukhang tanga niyan?

I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet 
I never knew you were the someone waiting for me


Napahinto ako. Biglang may kumanta! Tumayo ang mga balahibo ko dahil medyo kinilabutan ako. Mga multo ang kumakanta! Yung tatlong multo kanina!

Nagsimulang sumayaw si Ehan kaya sumayaw na rin ako. Sumabay lang ako sa galaw ng katawan niya dahil di naman ako magaling sumayaw.

I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow, your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine

Tahimik kaming pareho, nakatingin lamang sa mga mata ng isa't isa. Gusto kong makipagtitigan sa kanya ngunit parang hinihila niya ang buong kaluluwa ko. Parang anytime susunod na ako sa mga utos niya. Nahihipnotismo ako.

Napatitig ako lalo nung bigla siyang kumanta. Ang ganda ng kanyang boses!

“Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight”

Bumilis ang tibok ng puso ko habang binabanggit niya ang mga katagang iyon nang nakatitig deretso sa mga mata ko.

Huminto siya sa pagkanta matapos ang chorus at yung tatlong multo pa ang nagpatuloy ng kanta.

Well I found a woman, stronger than anyone I know
She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home

“Jell. Alam mo bang naiinis ako sa sarili ko? Naiinis ako kasi multo lang ako. Naiinis ako kasi di ko magawa ang mga bagay na gusto kong gawin sayo.” Nagulat ako sa biglaan niyang pag salita.

“A-anong ibig mong sabihin?” Takang tanong ko pa. Wala akong ideya na anuman sa pinagsasabi niya.

I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own

Nung una, akala ko wala lang to. Binalewala ko lang. Pero Shit! Di ko kaya! Di ko na kaya na itago pa to. Mababaliw ako! At natatakot ako na baka...”

“Baka ano?” Kunot noo ko pang sabi. Pabitin kasi e. Nakakakaba!

We are still kids, but we're so in love
Fighting against all odds
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand

“Natatakot ako na baka bigla akong mawala at di ko na masabi sayo to.”

“Masabi ang ano? Pabitin ka naman e”

Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes

“Jell, gusto kita. Matagal na. Mahal na nga yata kita e. Pero alam kong di dapat, tao ka, multo ako. Di pwede. At kinaiinis kong naging multo ako. Kasi gustuhin ko man na ako yung magiging karapatdapat para sayo, ay di ako pinambigyan ng pagkakataon.”

Kasabay ng mga katagang iyon ay ang mga naguunahang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 497 99
'ʷᵃᵏᵉ ᵘᵖ ᶠʳᵒᵐ ʸᵒᵘʳ ˢˡᵉᵉᵖ, ᵗʰᵉ ᵈʳʸⁱⁿᵍ ᵒᶠ ʸᵒᵘʳ ᵗᵉᵃʳˢ, ᵗᵒᵈᵃʸ ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ, ʷᵉ ᵉˢᶜᵃᵖᵉ' - ᴱˣⁱᵗ ᴹᵘˢⁱᶜ ⁽ᶠᵒʳ ᴬ ᶠⁱˡᵐ⁾ [San Gabriel University Files is an online...
56.6K 2.2K 62
Patuloy sina Kaira at ang Ghost Club sa paghahanap at paglutas ng mga kababalaghan na nagaganap sa Haunted University. Isang panibagong hamon nanaman...
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...
6.3K 632 63
Si Isabelle ay isang magandang dilag na umay na umay na sa trabaho niya bilang tagabunot ng uban kina Aling Maria. Gusto niya ring gumala, pumunta sa...