My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 21

2.6K 117 6
By drazzzzyyyy

Jell’s PoV

Maaga akong nagising dahil sa maingay na excited na multo. Pesteng to, kita na ngang may natutulog eh sobrang ingay.

Kanta ng kanta eh. Nakakairita pa naman ang kinakanta niyang Di ako pakboy. Maganda naman boses niya kahit papaano pero yung kinanta niya? Aba’y di naman talaga siya pakboy. Multo siya!

“Di naman ako tulad ng inaakala mo—” Nagsalita na ako. Imbes di ko ipapahalatang gising na ako dahil gusto ko pang matulog pero wala na. Punong-puno na ako sa multong to. “Ang ingay mo! Tama na kanta, baka umulan pa.” Saad ko. Napahinto siya sa pagkanta at bigla nalang tumalon sa kama ko. Humiga siya ngunit di nakalapat ang ulo niya sa unan bagkus ay nakalapat ito sa kamay niyang inalalayan ang ulo niya.

“Gising ka na! Bangon ka na dali. Bilis.” Aniya. Magkaharap kami kaya kitang-kita ko ng malapitan ang maputla niyang mukha. Siguro kung di ako sanay sa multo, mapapasigaw ka nalang kung ganto kalapit mo siya makikita. Di kasi obvious na multo siya pag sa malayuan eh.

“Psh. Mamaya na. Matutulog pa ako.” Saad ko saka tumalikod sa kanya at tinakpan ng kumot ang ulo ko. Bumuntong hininga ito at nagulat na lamang ako ng hinila niya ang kumot ko at itinakbo ito tungo sa study table ko. “Nyenyenyenyenye..” Aniya na parang bata with matching labas dila. Maiinis na sana ako, buti nalang kyut siya sa lagay na yan.

“Psh.” Singhal ko pa bago umupo. Ginulo ko ang buhok ko. Ano ba yan. Sarap pang matulog eh, alas syete palang naman. Langya. Tumayo ako saka kinuha ang tuwalya ko at inis na pumunta sa banyo. “Jan ka lang ah. Wag kang maninilip!.” Pag iwan ko pa ng salita bago tuluyang pumasok ng banyo. Rinig ko pa ang singhal niya. Tsk.

Nang matapos ako maghanda ay bumaba na ako para kumain. Dumiretso ako sa kusina at nadatnan ko si mama na mag-isang kumakain. “Oh, napaaga ka?” Tanong ni mama. Sanay kasi siya na tuwing walang klase ay tinatanghali na kami ni kuya ng gising kaya laging mag-isa lang siyang kumakain tuwing weekends. “May pupuntahan lang ako Ma eh.” Sabi ko pa saka kumuha ng plato at kutsara bago umupo sa mesa.

“Saan naman yun?” Agad akong napatingin sa likuran ko. Kasalukuyang naglalakad ang bagong gising na si kuya. Gulo-gulo pa ang buhok nito at nakasleeveless tsaka pajama. Aga nitong nagising ah. Himala. Lagi kaya yang nakikipag unahan sa mantika kakatulog.

“Oh, ang aga mo ah?.” Tanong ni mama na siyang itinanong niya rin kanina. Ba't ba pag maaga kaming nagising ganyan ang tanong niya? Psh. “May lakad ako ma eh.” Aniya at ginawa rin ang ginawa ko kanina. Gaya-gaya lang? Tsaka saan nanaman to pupunta? “Uy Jellay, tinatanong kita. Saan punta mo?” Ani kuya nang makaupo siya. Tsismoso talaga kahit kelan.

“Basta. Eh ikaw saan ka?.” Pabalik tanong ko sa kanya. Makatanong akala mo eh wala rin siyang pupuntahan. “Basta.” Aniya. Konting kwentuhan lang ang naganap at humiwalay na kami ng landas. May kanya-kanya kasi kaming pupuntahan eh.

Sumakay na ako sa scooter at takang napatingin naman ako sa gawi ni Ehan. Nakatayo lang ito. Tuwing pinapasakay ko siya laging napapahinto ang taong to eh este multo. May troma ba ‘to?

“Oh, ano pang hinihintay mo? Pagputi ng uwak?.” Tanong ko pa. Wala pang balak eh. Sumimangot naman ito. “Psh. Init ng ulo. Heto na, sasakay na.” Aniya saka sumakay.

Pinaandar ko na ang scooter ko at pinaharurot ito ng mabilis. Sa gitna ng aming byahe ay di ko alam kung saan kami tutungo kaya napatanong ako sa kanya.

“Saan ba tayo pupunta?.” Tanong ko pa. Medyo nginig ang boses ko dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko kahit wala pa namang naisip na destinasyon. “Ewan ko. Saan ba?” Pabalik niyang tanong.

Eh siya nga ‘tong tinanong eh.

Any suggestions?

Nagpagasolina muna ako dahil mahaba-haba ang biyahe. Kasalukuyan akong nakatayo sa gilid ng ginagasolinahang scooter ko. Nakita kong panay ngiti ng gasoline boy sa akin. Problema ne’to? Inabot ko ang bayad saka sumakay na ulit sa scooter ko at pinaharurot ito. “Salamat Ms. Ganda, balik ulit!” Pahabol pang sigaw niya. Tsk. Alam ko ng maganda ako, di na niya kailangang ipagsigawan.

“Multuhin ko kaya yon?.” Inis pang singhal ni Ehan sa likod. “Bago yun, isipin mo muna kung saan tayo pupunta. Sayang sa gasolina.” Sabi ko pa sa sarkastikong tono. “Ah, Sa sementeryo muna kaya?.” Suhestyon niya. Kungsabagay, di ko naman tuluyang nalibot ang buong sementeryo noon dahil sa tinulungan kong matanda. Teka, kumusta na kaya iyon?

“Magandang ideya.” Pagsang-ayon ko pa. Nauna kami sa pinakamalapit na sementeryo. Dun sa maraming chismoso. Nandun pa kaya sila? Tsk. Sana tumawid na.

Ipinarada ko ang scooter ko, at kinuha ko ang kadena at kandado para ilock ito sa may isang pole sa gilid ng pinarkingan ko. Mahirap na, talamak na ang magnanakaw ngayon kaya kinakailangang mag-ingat.

Papasok na sana ako ng sementeryo ngunit nabigla ako nang hinawakan ako ni Ehan sa braso. “Please, ingatan mo ang sarili mo. Nandito ako pero kailan mong mag-ingat lalo pa’t maraming multo jan. Di natin alam kung mabubuti ba o hindi.” Natahimik ako sa sinserong pag sabi niyang yun. Nginitian ko naman siya. “Yakang-yaka ko yun!” Taas noo ko pang sabi. Umiling naman ito at sumimangot. “Di mo nga kaya yung multo sa school niyo eh.” Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Nagkita ba sila? Di naman kami magkasama ni Ehan tuwing nasasalubong ko yun eh.

“Teka, paanong?..” Di ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa pagtataka. Ngumiti lang ito “Basta..” At hinila na niya ako papasok na punong-puno ng tanong sa sarili.

Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad. Siguro kung krass ko lang to, kikiligin na ako eh. Buti nalang hindi. Tingin dito, tingin doon sa bawat nitso ang gawa namin na baka sakaling may ‘Ehan' kaming makita.

“Malapad ang sementeryong to, maghiwalay nalang kaya tayo? Para mabilis.” Suhestyon ko pa. Mas mabilis kasi kung dalawa kaming titingin sa magkaibang parte eh. “Hinde pwede.” Aniya. Napakunot naman ang noo ko.

“Bakit di pwede? Para mabilis tayo!” Pagpipilit ko pa. Huminto ito kaya bilang sumusunod sa kanya ay napahinto rin ako. Hinarap niya ako saka bumuntong hininga. “Pag maghihiwalay tayo, paglalaruan ka nila.” Aniya.

Kinilabutan naman ako saka inilibot ang tingin sa paligid. Andaming multong nakaupo sa mga nitso at pinagmamasdan kami. May kumaway pang isa. Kilabot. Tama si Ehan, tsaka di ako pwedeng mapa’no dito dahil baka tuluyan ng ipasara ni kuya ang koneksiyon ko kay Ehan ng mas maaga pa sa due date. Psh.

“Okay.” Pagsuko ko.

Kasalukuyan naming nililibot ang buong sementeryo. Nakakapagod. Out of nowhere ay bigla akong nadapa at sa kaswertehang palad ay aktibo si Ehan kaya dahil sa kanya di ako humalik sa lupa.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin, nakatingin lamang kami sa isa't isa. Teka, parang alam ko na to. Ah.

“Hikhikhik. Answeet.” Napaiwas ako ng tingin saka tuwid na tumayo nang may marinig akong hagikhikan sa gilid. Tinignan ko ang naging sanhi ng muntik ko ng pagkadapa at nakita kong may isang sanga ng kahoy ang hawak-hawak ng dalawang batang multo na tingin ko ay kambal pa?

Bwesit. Pinagtripan kami.

“O, Jin at Jan? Anong ginagawa niyo dito?.” Napakunot naman ako nang nilapitan ni Ehan ang mga bata. So kilala niya mga to?

“Girlfriend mo siya kuya?” Sabi nung isa. “Bagay po kayo.” Sabi naman nung isa. Mga nakabarong silang dalawa tsaka, grabe ah. Kinilabutan ako sa mga tanong nila? Mukha ba akong jowa ng multo? Psh.

“Kaibigan ko si ate niyo. May hinahanap lang kami.” Ani Ehan at ginulo ang buhok ng dalawang bata. “Nakikita niya rin po ba kami?.”Tanong nung isa. Magkamukhang magkamukha sila kaya di ko alam kung paano ko sila idedescribe eh.

“Oo eh. Mag ‘hi kayo.” Ani Ehan.

“Hi ate. Sana maging kayo.” Sabay pa nilang sabi. Aba, jusmeyo. Di pwede yun oy. Magmumukha akong tanga kung jojowa ako ng multo.

Alanganin akong ngumiti. “Ah eh. Hello.” Sabi ko pa with matching wave pa yan ah. “Sige ah. Mauuna na kami. Bye kiddos!” Paalam ni Ehan saka hinila ako ni Ehan palabas ng sementeryo. Buti nalang at halos nalibot na namin ang lahat bago kami tuluyang umalis.

“Kaibigan mo yung mga yun?.” Tanong ko pa habang inaalis ang kadena ng scooter ko.

“Hmm. Nakilala ko sila kahapon.” Taka naman akong napatingin sa kanya. Kahapon? Paano naman kaya? Akala ko nasa tambayan siya kahapon eh.

“Kahapon? Paano?” Tanong ko pa saka sumakay na. Tinap ko naman ang pwesto sa likuran ko senyas na para sumakay siya. “Mapaglaro ang mga batang yun kaya nakilala ko sila. May pinaglaruan kasi silang matanda habang dumadalaw dun, eh saktong napadaan ako kaya sinita ko sila.” Paliwanag niya pa. Tumango naman ako.

Pinaandar ko na ang scooter at pinaharurot ito. Saan nanaman kaya kami? “Ipunta mo sa park.” Napakunot naman ang noo ko. Park? Ano nanamang gagawin namin dun?

“Huh? Bakit?.” Takang tanong ko pa. “Basta.” Aniya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya.

Ano kayang balak niya dun? Psh.

Continue Reading

You'll Also Like

240K 356 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
6.3K 632 63
Si Isabelle ay isang magandang dilag na umay na umay na sa trabaho niya bilang tagabunot ng uban kina Aling Maria. Gusto niya ring gumala, pumunta sa...
1.2M 23.4K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
743 186 43
In the realm of "we should be," I find myself rewriting our destiny alone. How did it come to this? What unfolds as I forge my own path, guided by a...