My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 4

5.3K 213 50
By drazzzzyyyy

Nakakapagtaka. Nakakatakot. Nakakakaba. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang nilalang na nakaupo sa upuan ng study table ko. Nakasuot ito ng t-shirt na kulay itim at pants na kulay itim rin.

Ni hindi ko kilala kung sino siya at di ko rin alam kung papaano siya nakapasok.


Nakatalikod ito sa akin nung tinanong ko siya kaya hindi ko nakita ang kanyang panlabas na anyo. “Si-sino ka? Pa-paano ka nakapasok? A-anong kailangan mo?” Medyo natatakot kong sabi.

Eh baka kasi mamaya, rapist to o magnanakaw o di kaya killer. Aba! Kahit full of horror ang buhay ko, mahal ko pa rin ‘to noh.

Nakita kong ibinaba ng ewan kung sino to ang librong binabasa niya saka dahan-dahang humaharap si kuyang trespasser.

Ay! May pa slow motion effect pa siyang nalalaman ah?

Nang tuluyan na itong makaharap sa'kin ay nabitawan ko ang mga chichirya na binili ko kanina. Dinala ko kasi eh, nalimutan kong ikwento.

Para may props ako sa gulat scene na’to.

Pero, syet lang. Multo! MAY ISANG MULTONG NAKAPASOK SA KWARTO KO! O well, di naman na imposible yun. Pero please naman, gusto ko ring mag day off sa kakacommunicate sa multo uy. Nakakatakot rin kaya.

Ngumiti ang multo kaya kinilabutan ako at napaatras ng konti. Maputla na ito, kaya malalaman mong multo nga.

May medyo mahaba-habang itim na buhok. Matangos na ilong at manipis na labi. May pagkachinitong mata at makapal na kilay. Iba! Siguro, heartthrob ito nung nabubuhay pa. May capacity eh.

“Nagulat ka ba? O na starstruck sa kapogian ko?”

Biglang nawala ang takot ko nung bigla siyang magsalita. Pamilyar ang boses niya, inisip ko kung saan ko ito nadinig at tama nga. Ito yung pasaway na multo.

Inirapan ko ito, at bigla akong may naalala, na tila may umilaw na light bulb sa taas ng ulo ko.

Nilapitan ko siya at binatukan ng pagkalakas-lakas. Aha! Akala niya ah? Baka di niya alam, kaya kong hawakan ang multo.

Aray! Ang sakit ah! Papatayin mo ba ako?” Aniya. Natawa ako sa naging reaksiyon ng multo. Buti nga sayo! Sobra-sobrang kahihiyan at pagpipigil inis ang dinanas ko sa kanya ah. Mahirap hirap rin yun.

“Oy. Wag kang feeling. Patay ka na uy. Kaya nga multo ka na eh, diba?” Iiling-iling ko na sabi. Masyadong feeling naman to. Pinulot ko ang mga chichiryang binili ko kanina. Sayang pa to, ansarap pa naman na habang nagmomovie marathon eh may kinakain.

Hindi ko alam kung bakit hindi na ako natatakot sa multong kaharap ko ngayon.

Kahit na di ko pa siya gaanong kilala.

At di pa gaanong nakakausap.

Para kasing, andali niyang pakisamahan. Ewan ko.

Maiba ako, natakot ka ba sa inasal ko kanina? Epektib ba yung slow mo, ko?”

Aniya. Napanganga ako aa kanya. Mygad! Di ako makapaniwala sa tinanong niya. Hindi ko alam kung, matatawa ba ako o maiinis sa katanungan niyang walang sense. Napailing ako. Hayup!

Tinignan ko siya na tila sinusuri. “Kung wala kang gagawing matino, pwede? Alis na. Bukas pa ako mag eentertain ng multo dahil pagod ako? Ha? Alis!” Saad ko ng deretsang nakatingin sa kanya.

Ngumuso ang multo. Aba'y syet! Marunong palang magganon? Nginusuan ako? Putulin ko pa yan eh.

“Sungit naman neto. Makaalis na nga lang.” Aniya at nawala na nga siya. Parang usok na biglang mawawala. Ngunit di pa umabot ng isang minuto ay bumalik ito.

“Ay! May nalimutan ako. Pahiram netong libro ah. Bye.” Saad pa niya at sa ikalawang pagkakataon ay nawala ito.

“ANG LIBRO KO!” Sigaw ko pa. Peste na yun ah! Dadalaw na nga lang, mangungupit pa ng libro ko. How nice!

Napaupo ako sa kama ko, nag iisip.

Bakit ba andaming multo ang nagpakita sa akin ngayong araw?

Ano kayang meron? Hindi naman undas ngayon ah? Hay.

Atsaka paano nila nahahawakan ang isang bagay na samantalang multo sila?

Ang gulo.

Mag momovie marathon sana ako dahil wala naman akong pasok bukas ngunit nung napatingin ako sa orasan ay mag aalas onse na pala, hindi ako nagpupuyat dahil baka magkapimples pa ako kaya minabuti ko ng matulog. Bukas nalang ako magmomovie marathon.

Ilang saglit pang ang nakalipas at nagdilim na nga ang aking paningin saka tuluyan ng walang naririnig. Nakatulog ako.

~

Nagising ako sa liwanag na dumampi sa aking mukha, dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at inilibot ang paningin sa kabuoan ng kwarto at may nahagip akong isang nilalang na nakaupo sa study table ko.

Hindi ito si kuya.

Bumangon ako at naramdaman niya ata ito kaya nilingon niya ako.

Gising ka na pala?” Aniya. “Hindi. Kaya nga nakaupo ako diba?” Pabalang kong sagot. Nonsense naman yung tanong niya eh. Tsaka, bakit ba to nandito? Sinimulan ko nang ligpitin ang higaan ko dahil isa to sa nakaugalian ko at isa pa, kakain na rin kami makalipas ang ilan pang minuto.

“Sunget mo! Kaya nagmumukha kang singkwenta eh.” Napahinto ako sa pagliligpit at pinamewangan siya. Aba! Eh siya nga jan ang mukhang singkwenta eh.

“Aba aba! Ikaw nga jan, inaagnas na eh.” Saad ko at tumawa ng malakas habang umiiling saka ipinagpatuloy ang pagliligpit.

Naramdaman kong wala siyang kibo, ni hindi rin siya sumagot sa biro ko kaya nilingon ko siya.

Nakayuko.

Nakaramdam ako ng konting konsensya. Pakiramdam ko ay nasaktan siya sa sinabi ko.

“Uyy. Joke lang.” Saad ko at alanganing ngumiti.

Wala pa rin siyang kibo. Nanatili lang siyang nakayuko habang nakaupo.

“Eto naman, di na mabiro.” Sabi ko na parang nagsusuyo.

Teka lang nga,

Ba't ba parang sinusuyo ko siya? Wala namang mali sa sinasabi ko diba? Totoo naman yun eh kasi kaluluwa na siya? Kaya nga may words na "Truth hurts" diba? Kasi laging masakit ang katotohanan at masarap ang kasinungalingan?

Bahala nga siya jan, ang oa. Biro nga lang eh, ang biro dapat di sinesoryoso. Kaya nasasaktan eh. Ang biro kasi dapat biro lang. Hish. Ba't big deal sa akin yun?

Tahimik kaming pareho. Wala nagsasalita. Tanging hininga lang namin ang naririnig.

Katahimikang nakakabingi.

Nabasag lang ang katahimikan nung pumasok ang kuya kong trespasser, walang katok katok eh.

“Hoy. Unggoy, kain na.” Ani Kuya. Kabadtrip naman to oh, ang aga-aga nambibwesit. “Oo na. Labas na. Mas unggoy ka pa sa aking adik ka.” Sagot ko naman at inirapan siya. Di naman nagkakalayo ang edad namin ni Kuya Jhalle. Dalawang taong pagitan lang naman.

Close kami kahit adik siya. No choice ako eh,  kuya kasi. Humiga muna ito sa kama ko at masyadong maganda ang pagkakasira niya sa kakaligpit ko lang na mga unan at kumot. Tinakpan niya ang kanyang mata gamit ang kanyang braso, mukhang may balak pa yatang umidlip eh.

“Ang gwapo ng kuya mo ah.”  Rinig ko pang sabi nung multo. Nanlaki ang mata ko at otomatikong nilingon siya. “Putcha! Bakla ka ba?!” Sigaw ko pa dahilan para mapabangon si kuya. Oo nga pala! Nandito siya. Napasapo ako sa noo ko.

“Si-sinong bakla Jell?” Ani Kuya. Mukha siyang natatakot na parang natatae na ewan. “Wa-wala. Tara labas na tayo.” Saad ko pa at hinawakan sa braso si kuya para lumabas na.

Bago ko isira ng tuluyan ang pinto ay nag 'one final glare ako sa multo. Kinindatan niya lang ako na parang nangiinis. Bwiset siya!

Tahimik kaming bumaba sa hagdan hanggang sa makarating kami sa kusina. Nakahanda na ang lahat at nakaupo na rin si Mama. Lagot ako neto sa kanya!

“Good morning Ma.” Saad ko pa. Sabado ngayon kaya walang pasok, di pa rin ako nakaligo kanina dahil kinatok na ako ni kuya. Pati pagtoothbrush nga di ko nagawa, yaks. Pero mabango naman ako eh, kaya walang kaso.

“Saan ka naggaling kagabi?” Tanong ni Mama sa akin. Napalunok ako, hindi pwedeng malaman ni Mama kung nasaan ako kagabi dahil tiyak! Patay ako sa kanya.

Alam ni Mama na may kakayahan akong makipagkumunika sa mga multo at ayaw niya to kaya sinubukan niya itong ipasara sa eksperto ngunit hindi ito nagtagumpay.

“Bumili po ako ng Ice cream ni Kuya. Inutusan niya pa po kasi ako.” Saad ko pa at napayuko. Ramdam ko ang talim na tingin ni kuya at ilang saglit pa ay sinipa niya ako sa ilalim ng mesa, agad ko siyang tinignan ng masama bago ko siya sinipa. Ha! Akala niya ah.

“Tama na'ng sipaan. Kumain na tayo” Ani Mama kaya nagdasal muna kami bago tuluyang kumain.

Sa hapag, talagang di nawawala ang kwentuhan naming pamilya, nakagawian na namin yun.

“Ikaw Jhalle, Bakit mo naman inutusan yang kapatid mo na gabing-gabi na?” Sermon ni mama kay kuya kaya napangiti ako. Saved by the Ice cream, phew. “..eh alam mo namang lampa yan eh. Kita mo ang katawan niya? Mukhang, isang ubo nalang yata yan eh. Sakto naman ang pakain, tsk tsk tsk tsk.” Huwaw! Just huwaw! Agad akong napalingon kay mama.

“Grabe Ma? Ako? Isang ubo? Yan ang bagong sexy Ma. S.E.X.Y, seksi”. Iiling iling ko pang sabi. Close kami magbubuong pamilya, na para bang magkaibigan na. Pero we know naman our limits. Di sila masyadong strikto, pero di rin sila kunsintidor at yun ang gusto ko sa kanila.

“Kaya nga nakonsensiya ako Ma eh, nung natagalan siya.. nag aalala ako kasi akala ko, nilipad siya ng hangin.” Saad ni kuya na umasta pang tila nalulungkot at naiiyak.

Tinap naman ni Mama, ang balikat ni kuya. “Hayst, buti nalang talaga at mabibigat na sapatos ang binibili ko sa kanya ano? Para kahit malakas ang hangin, mananatili pa rin siyang nakatayo at hindi madadala.” Ani Mama sa malungkot na tono.

Ngunit ilang sandali pa ay humagalpak na sila sa tawa. Pinagtulungan ako nila eh, napailing ako. Pasalamat sila at nasa Thailand si Papa ngayon for business, kundi naku! Panis sila sa amin.

“Tss. ” Singhal ko nalang saka nakitawa. Wala eh, talo ako.

Habang nasa gitna kami ng pagkain, ay biglang may kumalabit sa akin at walang iba kundi siya ay si pasaway na multong mangungupit ng libro.

Binigyan ko siya ng nagtatakang look, “Pengeng pagkain.” Aniya, nagtaka naman ako lalo sa sinabi niya. Paano yun? Paano sila kumakain? Eh diba multo siya?

Nahalata naman siguro niya na nagtaka ako sa sinabi niya kaya nagsalita siyang muli. “Kumakain rin kami noh. Multo lang kami pero di kami manhid kaya nakakaramdam rin ng gutom.. kung paano kami kakain simple lang, ibigay mo lang mismo sa amin ang pagkain o offer sa tombs namin.” Aniya.

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya at nakita kong nagtaka si Mama sa akin dahilan para tanungin niya ako.

“Bakit? Di ba masarap?..” Ani Mama, umiling ako at ngumiti. “Masarap po ah!” Sagot ko pa. Tumango si Mama at nagpatuloy sa pagkain. Nung napadaan ang tingin ko kay kuya ay kunot noo itong napatingin sa akin saka umiling bago nagpatuloy sa pagkain. Adik lang?

Napalingon sa katabi kong upuan kung saan naupo yung pasaway na multo ngunit wala na siya. Asan na yun?

Kumakain din pala ang mga multo? Teka, Gutom na kaya yun?



#Waley

Uhm, sa nakaalam ng old story na to, Keep it nalang po sana sa memories niyo. Di ko na po yun iuulit dito for some reasons although may mga part pa rin namang magkakapareha ang old and new. Hihi. Kamsahamnidaaaa ❤

Continue Reading

You'll Also Like

84.3K 3.2K 83
ON-GOING BOOK 3 TO 4 [HIGHEST RANK: #1 in LEE SUNG KYUNG 8/26/18 #1 in DUGO 12/14/18 ] Matapos ang halos kalahating taon simula ng magbalik si Lucy s...
168K 3.8K 34
A horror-comedy-suspense-slight erotic story...
174K 5.7K 54
Nabuo ang club dahil sa simpleng hilig. Ngunit dahil sa isang malagim na pangyayari, nanganganib na itong mabuwag. Ngayon, pilit nila itong pinag...
618K 9.4K 65
COMPLETED BOOK 1 [ HIGHEST RANK: #1 in VAMPIRE -05/11/18 ] Si Lucy ay isang simpleng dalaga na mayroong simpleng pangarap. Ang mabigyan ng HUSTISYA...