My Guardian Ghost (Completed)

By drazzzzyyyy

161K 6.7K 1.3K

Yhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost as... More

My Guardian Ghost
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
EPILOGUE
Author's Note

Chapter 3

6.8K 234 25
By drazzzzyyyy

Tug tug! Tug tug!

Matapos kong makabangga itong pesteng lalaking harang na kahit kelan hindi ako mapapansin bilang tagahanga niya ay agad ko itong sinigawan. Nakakapeste eh! Aba, di porket crush ko siya ay kokonsintihin ko na siya. A big NO yun oy!

“Um.. So-sorry Miss.” Aniya sa magalang na tono. Eh kaya naman crush ko to eh, ambait kasi talaga! Idagdag mo pa yung nakakabighani niyang kapogian at nakakabaliw niyang bango.

Okay lang naman kahit mabangga niya ako ng paulit-ulit eh. “Sa susunod kasi, wag kang sapaw ah! Tumabi-tabi rin kasi..” Saad kong nakakainis at sobrang sarap ipakain sa puyat na pating ang sarili kong walang preno kung mag salita.

Imbes na nagiipon ako ng points sa taong to, wala na!

“I'm sorry okay? Really.” Aniya. Huminga ako ng malalim para ikondisyon ang sarili. Baka masigawan ko pa to eh, edi malabo na ngang magugustuhan ako nito someday.

Kalma Jell. Kalma.

“Oo na. Tabe, dadaan ang reyna.” Napapikit ako sa sinabi ko. Bakit ba laging walang coordination ang bibig at utak ko? Bakeet? Dahil namumula na ako sa kahihiyan ay naisipan kong umalis na. Ngunit, bago pa ako tuluyang makagawa ng hakbang ay hinawakan niya ang braso ko na ikinagulat ko ng labis.

Tug tug tug tug.

“I think, I've seen you already.” Aniya at tila nag iisip habang pinagmamasdan ang pagmumukha kong maganda pa sa dyosa. Tsaka antanga naman neto, malamang!

Nakita na niya kaya ako kanina, at di lang kanina noh. Ako kaya ang number one cheerer nito pag may laban sila sa ibang school. Tas, ako rin tong panay titig sa kanya tuwing break time. Naku talaga.

“Oo kanina. Tanga!” Ba't ba ang short tempered ko? Wala na. Sirang sira na image ko sa kanya. Iuuncrush ko na ba siya? “Ow. I see. So, May I know your name?” Aniya. Kung makapagenglish naman to, akala mo talaga laking ibang bansa eh. Ang arte!

“Oy. Nasa Pilipinas tayo, magtagalog ka. Jell nga pala. Alis na ako” Saad ko pa at inalis ang kamay niyang nakahawak pa sa braso ko.

Maglalakad na sana ako ngunit hinawakan niya ulit yung braso ko. “Ano na naman ba? Nagmamadali ako oh. Baka abutan akong curfew.” Usal ko pa. Aba! Pag ako nadakip ng tanod nito, iuuncrush ko na talaga siya. Pero syempre, joke lang yun. Nagmamadali naman kasi talaga ako eh.

“Nice to meet you. I hope, this won't be the last..”Aniya. Anak ng! Sabing magtagalog eh. Pero yung puso ko. Para akong nasa racing sobrang bilis. Tsaka, hindi talaga ito ang panghuling kita natin ano. Malamang, schoolmate tayo. Adik!

Sus. Pasunget sunget, pero deep inside. Kinikilig. Ampanget mo uy!”

Aba aba! Ako, punong puno na ko sa multong to ah. Humanda talaga siya pag nakita ko na siya. Kahit pa multo siya at nakakatakot aba! Di ko siya uurungan. Bahala siya.

Bago ako tuluyang umalis ay tinanguan ko nalang amg pinakagwapong si Jeriche. Hinde niya pwedeng malaman na crush ko siya baka mamaya, ipagkalat pa niya, naku! Lagot ako sa fans niya pag nagkataon. Amg kikitid pa naman ng mga utak ng mga yun. Singkitid ng isang eskinita na maputik.

Nang makalabas na ako ay napasinghap ako at naglilingon-lingon. Kating kati na kasi akong batukan ng hard ang multong yun eh.

Panget raw ako? Aba! Para sa kaalaman ng lahat, kamukha ko si IU pag nakatalikod. Iba ang harap eh, yung Thai actress na si Jannine Weigel. Ganda ko talaga!

“Excited ka na bang makita ako?” Rinig kong tanong ng multo. Napatingin ako sa gawi ng pinanggagalingan ng boses ngunit wala akong nakita. Pasaway na multo to!

Napasinghap ako at mariing napapikit “Lika ka, kasi may surprise ako sayo pag nakaharap na kita.” Nakapikit ko pang yaya upang magpakita ito sa akin ng harapan.

Ngunit pagdilat ko ng aking mga mata ay nagulat nalang ako na may batang lalaking nakangiti sa akin ng malapad at may bitbit itong sampaguita, tagpi tagpi rin ang suot nito na animo'y batang kalye. “Sa akin po? May surprise kayo?” Ngiting ngiti niyang tanong sa akin.

Natulala ako sandali dahil ewan ko kung anong susunod na gagawin ko.

“Oyy. Wag mong paasahin ang bata.” Dinig ko pang sambit nung pasaway na multong ayaw pang magpakita. Dahil to sa kanya eh.

Napangiti ako ng alanganin at nag isip ng gagawin.

Kinuha ko ang pitaka ko at nakitang may syitenta pa ako. Kinuha ko yung bente at itinira ang singkwenta. Iniabot ko ito sa bata bago ako nagsalita. “Opo. Bibilhin ko ang mga natitira mong sampaguita.” Saad ko pa. Kung di lang talaga ako mabait eh. Ayan tuloy, lampera na ako.

Ngumiti ng pagkalapad-lapad ang bata. “Talaga po? Yes! Makakauwi na ako. May pang ulam na kami.” Aniya at nagsususuntok sa hangin na tila ba nanalo sa isang loterya.

Napangiti ako, kuripot akong tao ngunit natutuwa ako sa mga taong natutulungan ko.

“Sige. Mauuna na ako.” Sambit ko pa. “Salamat po!” Ani ng bata. Ngumiti ako bilang respond bago tuluyang naglakad pauwi. Napatingin ako sa relo ako at saktong alas diyes na ng gabi. Patay ako neto sa mga tanod eh!

Minadali ko na ang paglakad tungong sakayan at nung may makita akong sasakyang paparating ay wala na akong sinayang na oras saka agad itong pinara bago ako sumakay.

Lima lang kaming sakay kaya di gaanong masikip. Bago ako nag abot ng bayad ay pinagmasdan ko muna ang mga katabi ko at sinigurado kong hindi sila multo. Mahirap na, baka maulit muli.

Pumara ako sa kantong dadaanan ko pauwing bahay. Dahil nga alas diyes ay tahimik na ang lugar na to. Takot ata sa mga tanod. Aba'y siyempre, pag nahuli ka eh dun ka pansamantalang patutulugin sa selda nilang kinalawang. Naku talaga!

Wala na akong nadatnang pedicab kaya sa muling pagkakataon ay nilakad kong muli ito. Halos lakad takbo ang ginawa ko dahil tiyak, lagot ako kay kuya neto.

“It's you again!”

“Ay palakang adobo!” Napahawak ako sa dibdib ko ng may biglang magsalita sa gilid ko. Si Jeriche. Nasa loob siya ng kotse na may mabagal lang na takbo at tila sinusundan ang paglakad ko.

“Ano ba! Ba’t ka ba nanggugulat ha?” Inis ko pang sabi. Aba! Di ako konsintidor kaya di ko siya kokonsintihin sa ginawa niya kahit crush ko pa siya ng hard!

Sus. Kunwaring inis, style mo oy. Bulok!”  Aba'y ako talaga iniinis ng multong to ah. Kanina pa siya ah. Nagtitimpi lang ako pero ngayon, sabog na sabog na.

“Anong kunwaring inis?! Nakakainis talaga!” Sigaw ko pa ngunit tila binuhusan ako ng malamig na tubig nung biglang nagsalita si Jeriche. Nalimutan kong nandiyan nga pala siya. Nawala tuloy bigla ang inis ko. “I didn't say anything. Sorry okay?.” Aniya. Letcheng multong to. Sirang sira na image ko. Sirang sira na talaga.

“Hahahahahaha!” Nakakaasar na tawa pa ng pasaway na multo.

“Sorry din nasigawan kita. Bye, nagmamadali kasi ako.”  Sabi ko pa at tumakbo ngunit sa kabila nito ay naabutan pa rin ako ni Jeriche, siyempre, kotse eh. “Hop in! Gabi na.” Aniya.

Nagdadalawang isip man ay pumasok nalang ako. Medyo malayo pa kasi yung bahay namin. “Ituro mo lang yung way. Okay?” Aniya at tumango nalang ako bilang sagot.

Tahimik ang naging biyahe ngunit dahil sa pasaway na multo ay naging maingay ito. Para sa akin.

“Yaks. Kinikilig eh bakla naman tong crush niya.”

“Uy. Jell, sigurado ka bang crush mo to? Paano?”

“Uyyy. Nahihiya pa kunwari pero ang totoo eh... Naku!”

Tahimik niyo naman. Pamusic tayo ah!”

Di ko pinapansin ang papansing multong to dahil baka pa ako ang mapahiya sa ultimate crush ko ngunit nabigla nalang ako nung PINAANDAR NIYA ANG RADIO NG SASAKYAN. O well, di ko alam anong tawag dun basta sa akin, radio tawag ko.

Ang tutugtog nito ay makalumang musika na ang title ay Kastilyong Buhangin.

Nakakainis! Nakakainis na talaga siya. Gusto ko siyang patayin ulit. Bwiset. Dali-dali kong inilipat ang stasyon at ang tugtog na ay Too Good at Goodbyes ata title nun. Di kasi ako mahilig sa music eh, maliban nalang pag ost ng kdrama.

Narinig kong medyo tumawa ng mahina si Jeriche kaya napapikit ako. Sa araw na to, sobra-sobrang pahiya sa sarili na ang naranasan ko. Paano na niya ako magugustuhan neto? Landi ko, yaks.

“Hanggang diyan nalang sa may gate na kulay itim.” Saad ko pa nung natanaw ko na ang gate ng bahay namin. Inihinto niya ang kotse kaya naman inayos ko na ang bitbit kong mga pagkain. “Salamat ah.” Sabi ko pa at inalis na ang seatbelt bago bumaba.

“Your welcome. Sorry kung nagulat kita. Hehe.” Aniya ng nakangiti. Ba't ang gwapo niya? “Pasensiya sa sigaw ko. Bye. Ingat sa pagdrive.” Sabi ko pa at kumaway bago pumasok. Grabe lang noh? Ni hindi ko na hinintay response niya. Ah bahala! Ganon ako eh, pagkinikilig na.

Nung pumasok na ako sa loob ng bahay gate namin ay nakita kong nakaupo si kuya sa may swing namin. Nakapajama ito at nakasandong kulay puti.

“Hoy. Ba’t ngayon ka lang?” Aniya. Seryosong-seryoso ang mukha neto pati na rin ang kanyang boses na nakakapagdagdag ng kaba sa aking puso. Lagot talaga ako neto eh.

“Ah, ano kasi eh. Uhm.. Ice cream?” Saad ko at ngumiti ng alanganin. Mukha kasing kakainin niya ako ng buhay at gawing toppings ng ice cream niya. Sa kabila ng lahat, nanatili pa ring seryoso ang kanyang face. “Anong ano kasi? Ano nga?” Aniya. Anong sasabihin ko? Hindi naman neto alam na nakakakita ako ng multo eh.

“Lagot ka.. nakipagdate ka pa kasi eh.”

“Tumahimik ka nga!” Badtrip talaga tong multong to. Papatayin ko talaga siya sa kabilang buhay.

“Aba'y antahimik ko naman dito ah? Ba't ka ba naninigaw?” Napasapo ako sa noo ko. Nalimutan kong kaharap ko nga pala ang butihin kong kuya na lagi akong inaaway.

Pahamak talaga tong multong to eh, nakakagigil! “Hindi naman ikaw tong sinabihan ko kuya eh.” Sabi ko sa kalmadong tono. Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni kuya. Parang gusto ko siyang takutin.

Ngumiti ako ng werdo at tila nababaliw na ngiti para makalusot sa bulyaw ni kuya.

“A-anong..Si-sinong.. tara na, pasok na. Gabi na oh, kakainin ko pa to. Lika na bilis!” Aniya. Napatawa ako ng mahina. Sabi na eh! Kahit anong siga nitong adik na’to eh, multo lang pala ang katapat.

I'm very very galing. I know na kung anong pang takot kay kuya brother. Peste! Ba’t di bagay sa’kin mag salita ng ganon? Para tuloy akong tanga.

Naunang pumasok sa loob ng bahay namin si kuya at tila nagmamadali nga, napailing tuloy ako at napatawa sa inakto niya. Akala niya ah!

Nang makapasok ako sa bahay ay dumiretso ako sa aming kusina upang uminom ng tubig. Nakakapagot ang araw na to! Andami-dami kong ginawa para sa multo but, I'm happy naman for them.

Nakita ko si kuya na nakaupo sa dining table habang kumakain ng ice cream, kumuha ako ng baso at kutsara saka nagtungo sa mesa saka naupo.

Nagscoop ako ice cream at inilagay ito sa baso ko. Buti naman at hindi naging madamot to ngayon ah? Pagdating kasi sa ice cream, ang damot damot damot damot niya talaga.

“Si Mama nga pala kuya?” Tanong ko pa, tsaka sumubo ng kalahating kutsarang sorbetes. “Napagod ata kaya ayun, tulog.” Aniya. Sandaling katahimikan ang namutawi sa aming dalawa.

Ngunit, napansin ko sa gilid ng aking mata na panay pagmamasid at titig ang ginagawa ni kuya sa akin na tila ba siya ay nagoobserba.

Sa loob-loob ko ay gusto ko ng matawa. Sigurado akong magtatanong to tungkol sa sinabi kong hindi siya yung sinabihan ko. Naghahanap lang to ng timing eh. Hayst. Ayaw pa magsalita eh. Pwede niya naman akong diretsahing tanungin. Adik talaga.

Napansin kong wala na dito yung presensya ng butihing multo, salamat naman. Kasi lagi akong napapahamak pag nandito yun eh, sarap ipapatay.

Nung matapos na akong kumain ay dinala ko na sa sink yung pinagkainan ko dahil ako’y antok na antok na at ang kuya kong unggoy ay di pa tapos kumain kaya minabuti ko nalang na wag siyang hintayin. Magkapimples pa ako neto eh, dahil sa puyat. Tsk.

Kumuha muna ako ng maiinom saka uminom ng tubig. “Matutulog na ako kuya. Good night, ingat sa multo.” Saad ko pa at narinig kong naubo si kuya. Haha! Ang sama kong kapatid. Narinig kong nagligpit agad si kuya matapos kong sabihin yun kaya napa iling na lamang ako.

Umakyat na ako gamit ang hagdan tungo sa kwarto ko, nung nasa tapat na ako ng kwarto ko ay agad ko itong binuksan ngunit napahinto ako ng may makitang hindi pamilyar na pigura. Isang taong nakaupo sa table ko at nagbabasa. Kinabahan akong bigla.

“Si-sino ka?”

#Waley😂
Short update lang to kasi busy.

Continue Reading

You'll Also Like

174K 5.7K 54
Nabuo ang club dahil sa simpleng hilig. Ngunit dahil sa isang malagim na pangyayari, nanganganib na itong mabuwag. Ngayon, pilit nila itong pinag...
35K 1.2K 26
Si Kaira ay nagmula sa pamilya ng mga paranormal experts, at tulad ng kanyang mga kamag-anak nais nya din maging paranormal experts balang araw, kay...
168K 3.8K 34
A horror-comedy-suspense-slight erotic story...
3.3K 91 10
Paano kong magbago nalang bigla ang kinagisnang mong buhay dahil sa pagbabalik ng nakaraan nakaraan na magpapaliwanag sayo kong ano ba talaga ang tot...