She's Dating The Gangster

By SGwannaB

8.3M 163K 55.2K

Unedited version of She's Dating the Gangster. More

She's Dating The Gangster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 4

148K 4.1K 1.1K
By SGwannaB

It's been two days simula nung kumalat sa school nila na tawag ko sa prince nila 'gangster' wow, he's not even qualified to be a PRINCE! My god. And oh yeah, it's been 2 days.. two effin' days since nung sinabi sakin ni Kenji yung kabayaran ko daw sa paghihintay niya.

"Alam ko na gagawin mo para mabayaran mo yung pag hihintay ko sayo." I just stared at him, with a blank expression on my face. "You'll be my toy. Dapat palagi kang susunod sa gusto ko. Kelangan maibalik mo sakin si Athena."

"What if hinde ko siya maibalik?" nag smile siya sakin I don't like that smile. Wait, that wasn't a smile..GRIN yung ginawa niya eh.

"Edi ititigil na natin to. Hinde na kita magiging toy. Susuko na ako. pero hinde ako mabilis sumuko eh. Kelangan mapaselos natin si Athena, kelangan bumalik siya sakin. As a reward pag bumalik sakin si Athena, you can have Lucas."

He's freakin' crazy, I know! I will be his toy?! Gagamitin niya ako para lang maibalik sa kanya yung ex niyang iniwan siya para sa ibang guy?! OMGSH! He must e crazy! Buong lunch inaavoid ko talagang mag cross yung landas namin. Ayokong magsolo kaming dalawa or magkasama. Hinde ko ata kayang makipag laro sa kanya, plus ang pangit nung game parang ang sama masyado sa part ko.

That effin gangster!!! Hinde ako pinalaki ng ganito ng dad ko para lang maging laruan niya! Eto tuloy ako, magisang nag-lulunch, nasa skyline lang tuloy ako (mini canteen) paano ba naman kasi! Nasa canteen silang apat

[a/n: referring to Jigs, Kirby, Sara and Kenji]

"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh. iniiwasan mo ba ako?"

Sino pa ba.

I raised my head para makita ko mukha niya, "Iniiwasan? Ha? Hinde ha!! kumain ka na ba?" Obvious bang iniiwasan kita?

"Oo, tapos na." hinila niya yung upuan sa tabi ko. aba, ngayon tumatabi na siya ng kusa sa akin. "Oh, bakit hinde mo na tinuloy pag kain mo? Kumain ka lang."

"Hinde, ok lang. Busog na rin naman ako eh.." EFFFFF!!!! i'm not even done eating!!! Fcukin a! I'm so hungry pa naman! Hinde kasi ako sanay na pinapanood habang ako lang yung kumakain eh, unless si Sara, at yung family ko yung nanonood.

"Ahh, oo nga pala, saan mo gustong pumunta mamaya? August 18 ngayon oh, friday pa.. may gimik ka ba?" alam ko kung anong date ngayon, hinde ako coo coo brain na katulad mo.

"Uwi na kaagad ako after school. Wala akong plano ngayong araw eh, bakit?" nagsmile siya sa akin. Nagpapacute na naman ba siya? Oo na. CUTE NA SIYA. EW.

Tumayo siya then he started walking away from me. What was that for? He asked me that question for nothing? Ang loser talaga niya.

"ATHENA! HINTAYIN MO AKO SA BACK GATE PAGTAPOS NG CLASS NATIN!" without looking at me he said that. Then he waved.

I'm pretty sure they all heard him!! OMGSH! What do I do?? His groupies might kill me! Baka balatan nila ako ng buhay! LORD HELP ME!

Habang paakyat ako ng stairs, naririnig kong ako yung pinag uusapan nila.

"Omg!! Narinig mo ba yung kanina? Nag-papaantay si Kenji sa kanya.."

"I know! Pero bakit naman siya? I mean.. pano na lang si Abigail?" "OMG!! NARINIG NIYO NA BA NA SI KENJI MAY DATE MAMAY-- Nakita niya ata ako kaya tinigil niya yung pagsasalita niya.
Nakarating ako ng 4th floor at ako pa rin ang pinag uusapan.

"Is she dating Kenji?"
"Hinde pwede! Paano na ako?"
"After blank months nakipag date narin siya!"

Blank months? Gaano ba katagal yun? grabe, hinde ako tatantanan ng mga to, I swear lagot sakin yang Kenji na yan! I know he did it on purpose. He is such a meanie.. making my life more miserable.. I still have a loooong school year to go.

Buti na lang yung next class namin english, im so glad at hinde ko siya katabi! Pag english kasi may sariling seating plan yung teacher kaya I'M SO HAPPY! Ang katabi ko ay si Jigs and sa right niya si Grace. Medyo maagang natapos yung class, kasi masama yung pakiramdam nung teacher namin.

And ang last class ko ay yung Activity Period. Pero wala pa kaming sinasalihan na club ni Sara.

[a/n: activity period = school org/club/group, it only happens every Friday. You'll pick your own club/org]

"Babes, anong org ang sasalihan niyo ni Sara?"

"Kelangan ba talaga naming sumali?"

"Ano bang ginagawa sa mga org na yan? Meron na ba kayong nasalihan?" anong klaseng tanong yan Sara. Of course may nasalihan na sila, august na my dear..

"Yup!! Sali kayo sa org namin!! Para masaya sama sama tayo!"

"Sige! Athena dun na lang tayo sa club nila!" nag nod na lang ako, anong klaseng org ba yung sasalihan naming? Eh ni hindi nga sinabi samin ni Jigs kung ano yung club nila eh!

Habang nag aayos na ko ng gamit para pumunta sa room nung org nila Jigs lumapit sakin si Grace

"Oh may nasalihan na ba kayong org? kasi kung wala pa dun na lang kayo sa org namin." Nag smile siya

"Meron na eh, dun sa org nila Jigs, im sure nandun din si Kenji." Nagsmile kami pareho. "Ano nga pala yung org mo?"

"Music Guild. Lahat ng mga mahilig sa music nandun, if ever mag bago isip mo, welcome ka palagi sa org namin, okay?" nag nod ako sa kanya

"Teka, ano nga bang pangalan nung org nila Jigs?"

"Barney and Friends"

WTF?! Sure ba siya na BARNEY AND FRIENDS yung name nung club nila?! Come on! Hinde ba sa grade school yung club na yun???

"Are you serious? Barney and Friends??? I bet konti lang members nun."

She shook her head, "well, kung konti sayo yung 305..edi konti nga sila."

"THREE HUNDRED FIVE?! Man, that's a lot! ilan ba clubs dito?!"

"Hmm.. 15? I'm not sure.. wait... Tama. 15."

Kung 450 students per year level tapos may 15 clubs, so 1800 to 15.. dapat 120 each lang diba? Bakit yung sa kanila 305?? Parang tatlong club na yun eh! let me guess.. majority nun puro babae.

"Wag ka na mag taka! Puro babae yung nandun. 50 lang yung mga lalake, yung 5 sa 305 kasama na sila Jigs, Kirby at Kenji dun yung dalawa, siyempre ikaw at si Sara."

Counted na pala kami ni Sara sa 305! Pero kahit na! 303?! Ang dami parin nun eh! parang kung iisipin mo.. ang laki nung nahatak nila. Ay ewan. It doesn't matter.

Sabay kaming lumabas ng room ni Grace, hinatid niya ko sa may tapat ng auditorium, sabi niya dito daw yung room ng club ko. since masyadong malaki yung group kaya dito raw nilagay.

Pagpasok ko ng room. Ang dami nga nila. Nakita ko si Kenji naka upo lang sa may gilid. Lahat ng babae tuwang tuwa, nakalabas yung cellphones nila at pinipicturan si Kenji.

"Nandito na pala si Athena eh!" ang layo layo ko pa lang, narinig ko na boses ni Sara. Napatingin sakin si Kenji tapos nag wave siya. So nag wawave na siya sakin ngayon? Close na

kami? Dapat pag ganun, bawiin na niya yung consequence ko! "Babes dito!!" tinawag ako ni Jigs, tapos nag wave siya sakin. "Babes?? Diba yun ang tawag niya sa mga close niyang tao?" "Bakit siya babes ang tawag!"

"Si Jigs ba dinedate niya?"

"Buti na lang at hindi si Kirby!! Akin yun eh!"

"Sayo na talaga yun! Sakin si Kenji!"

Ano ba tong mga babaeng to, bago pa lang ako makarating kela Kenji natunaw na ko sa mga titig nila eh!

"Guys, you're dismissed, you may go."

That's it?! Hinde sila nag didiscuss ng mga activities?! Ang weird naman ng napasukan kong club!! Sayang sa oras eh. sana umuwi na lang pala ako. nag bigay pa ko ng effort para lang pumunta dito!

"Tara na hahatid na kita pauwi."

"ANO?! OK KA LANG?!" nag nod sakin si Kenji "BAKIT KELANGAN MO PA AKONG IHATID?!"

"Aray! Ang lakas ng boses mo! hinaan mo naman ng konti oh." Eh nakakagulat naman kasi siya eh! ako pa ngayon may kasalanan? Bigla bigla na lang mag aalok sakin na ihahatid niya ko pauwi.. weirdo!

"Wag na, kaya ko naman mag lakad mag isa eh. Pati sabay naman kami ni Sara pauwi."

"Sara?"

"Oo. Si Sar--"

Paglingon ko wala na si Sara. Saan kaya yun nag punta? Iniwan na naman niya ako! lagi na lang siyang ganyan, iniiwanan ako kay Kenji!

"Kanina pa siya umalis. Hinde mo siguro napansin. Tara na hahatid na kita."

Tumayo siya at kinuha niya yung backpack niya sa sahig. Wala akong choice kung hinde ang sundan siya. Habang bumababa kami ng stairs naririnig kami yung pinaguusapan ng mga tao sa paligid. Hinde ba pupwedeng wag naman nilang ipahalata na kami yung pinag uusapan nila? Obvious eh. Sobrang obvious.

"Sikat ka talaga noh?"

"Siyempre. Ako pa."

"Oo, mukha ka kasing gangster eh. mukhang hindi pag kakatiwalaan." I mumbled. "Ano? May sinasabi ka ba?"

Nagsmile ako sa kanya, "Wala noh. Ano ka ba. Tara! Samahan mo ko mamaya ok?" nag nod lang siya.

Paglabas namin sa back gate mas dumami yung ingay na narinig ko.

"Totoo ba to?! Hinde diba? nagkataon lang magkasabay silang nag lalakad!"

"Bago pa lang siya tapos tatlong lalaki na kaagad dinedate niya?!"

"Akala ko ba si Jigs?!"

When will they stop? Seriously, it's irritating. Everywhere! They're everywhere!! Sana sa bahay tahimik na!!

"Intayin mo ko sa may tapat ng gate, puntahan ko lang sila Jigs, ok?"

"Ano ako!? katulong mo?? pagiintayin mo ko dito mag isa??" tinitigan niya ko ng masama. Ayoko yung titig na yun. "Sige. Bilisan mo ha.." wala na akong magawa. Ayoko naman masapak ng di oras! Alam niyo naman si Kenji, bayolente! Baka bigla na lang akong sapakin niya pag may mali akong nagawa.

Habang nag-lalakad ako papalabas ng gate may bumangga sakin na babae. That caused my books to fall. Pano ba naman hinde kaya ng backpack ko. mini backpack lang to, tipong 2 notebooks at maliliit na bagay na ang pupwede. Kaya hawak ko tuloy yung 2 libro na dala ko.

Pupulutin ko na dapat yung books ko pero biglang may nag bend na lalaki at pinulot ito.

"Sayo ata to." Pag-angat ng ulo niya..

OMG. Ang gwapo niya! matangkad siya at malinis tingnan.. nagbow ako tapos nag thank you sa kanya. Nag smile lang siya. grabe.. ang gwapo talaga niya. Pero ibang uniform yung suot niya.. hinde siya taga rito!!

"Sige, mauna na ko.." nag nod lang ako.
Hinde ko man lang natanong name niya! Siguro magkikita rin kami niyan dito, maliit lang mundo

namin dito sa BF eh.

"Nakita mo ba si Lucas?!?! Ang gwapo niya!! Sinundo niya pa si Abigail sa loob ng school! ang sweet niya!"

Lucas? Familiar yun sakin ha.. sino nga ba yun? Oh well. Malalaman ko na lang yan next week. Teka, ang tagal naman niyang Kenji na yan! San ba siya nag punta?!

Maya maya, may kotse na huminto sa tapat ko, ano ba to. Nag papasikat pa sakin. Wala akong interest sa mga lalaking may kotse. May kotse din naman kami eh. Pwede ba!

"HOY! Pumasok ka na!"

Pagtingin ko si Kenji pala yun, may kotse siya? diba highschool lang siya?! ilang taon na ba yan?? Binuksan ko yung pintuan ng kotse at pumasok. Tinuro ko yung daan sa bahay namin.
"Malapit lang pala bahay niyo eh. akala ko naman malayo!"
"Oo nga. Mga 15 mins pag nilakad, 5 mins pag drive, kasama na traffic"

"Ang ibig kong sabihin malapit sa bahay ko." bahay niya!? Malas nga naman talaga.

"Susunduin kita ng mga 4 pm. 3:45 pm pa lang, magpahinga ka muna ok?"

"Anong klaseng pahinga gagawin ko sa 15 minutes!? Pati marunong ka ba mag basa ng oras? 2:45pm pa lang! sasusunod wag ka na mag suot ng watch. Napapahiya ka lang eh!" bumaba na ako ng kotse, baka bigla niya akong sampalin dahil napahiya siya.

"4 ok? pag hinde ka pa nakahanda ng 4 lagot ka sakin!!"

Pumasok na ako ng bahay at nag pahinga. Ano ba tong pinasok kong gulo! Sana naman matapos na to, bumalik na sana yang Abigail na yan sa pesteng lalaking yan! Nasisira buhay ko sa kanila eh!

4:00 pm na, buti na lang at nakaligo at bihis na ko. Simple lang sinuot ko, mini skirt at shirt lang. baka kasi isipin niyang Kenji nay an nag papaganda pa ako sa kanya! Pwes nag kakamali siya. ipapahiya ko siya sa mga taong makakahita sa amin!

Nagpasama ako kay Kenji sa parlor, magpapagupit ako at mag papadye ng buhok, sabi kasi ni Nathan oppa, kelangan ko na raw magpagupit, masyadong mahaba na raw yung buhok ko kaya nag mumukha raw akong manang. Gusto niya rin magpabangs ako at mag padye ng buhok, gusto niya raw pag uuwi siya sa BF maganda na raw ako tingnan! Sinunod ko gusto niya kasi 1 month ko na siyang hinde nakikita, kahit nasa QC lang siya bihira na siyang umuwi.

After 2 hours na tapos na rin yung buhok ko! Nagbayad na ako tapos lumapit ako kay Kenji, kung saan nag lalaro siya ng cellphone habang naghihintay.

"Bagay ba?" unit unti niyang inangat yung ulo niya tapos
Tumawa.
"Ano ba yan! Mukha ka ng asian! Pareho na tayong asian Tara na!"

"BWISET! ANG STUPID MO TALAGA! MUKHA TALAGA AKONG ASIAN KASI ASIAN AKO! COO COO BRAIN!" Napaka walang kwenta nitong taong to! mukha raw akong asian?! malamang!! asian kasi ako! magkamukha kami?? pwede ba! ang pangit niya noh!!

Nagmadali akong lumabas ng salon. Si Kenji naman nasa likod ko. habang nag lalakad kami may 3 lalaking humarang samin

"Aba. Si Kenji may girlfriend na. Maganda siya ha." napatingin ako kay Kenji, kilala niya siguro tong mga to, kasi naka smile siya eh.

"Anong pangalan niya? Maganda siya ha."

"Athena. Hinde ko siya girlfriend. Pwede ba, tumabi na kayo."

Hinawakan ni Kenji yung braso ko tapos hinila ako papalayo sa kanila. Narinig kong sumigaw yung isang lalaki at biglang sinuntok si Kenji. Tinulak ako ni Kenji sa may gilid nung kotse. Eto yung first time na nakita kong nakipag away si Kenji. Nagulat ako nung lumapit sakin si Kenji na halos walang galos sa mukha, yung tatlong lalaki nakita kong tumakbo.

"Sorry, hinde ko naman alam na dadating yung mga yun eh. hayaan mo hinde na mangyayari."

"Ok lang.. tara na.. baka bumalik pa sila eh." OK LANG?! HINDE OK YUN!!! NAKA WITNESS AKO NG ISANG SUNTUKAN! NANONOOD ANO NG MOVIE NA MAY SAPAKAN PERO AYOKONG MAKAKITA NG GANUN HARAP HARAPAN NOH!!

Sumakay kami ng kotse at nagpunta ng mall.

Wala naman kaming ibang ginawa dun kung hinde mag ikot ikot. Nag dinner din kami dun. Paghatid niya sakin sa bahay, nakita ko si Sara, hinihintay na ko. nagtanong siya kung anong nangyari sa date namin. Date?! Pano naging date yun? nakipag suntukan sa tapat mo yung tao! Pwede ba, it's not considered as a date!

Saturday and Sunday wala masyadong nangyari, pumunta lang si Kenji saglit para bwisitin ako, eto naman ako nagpabwiset. Nagdeicde na rin si Sara na lumipat na sa totoong room niya, since kelangan daw naming pareho ng privacy. Privacy of what? Oh well.

Monday na naman. Makikita ko na naman si Kenji mabubwiset na naman ako sa pagmumukha niyang nakakadiri.

Paakyat pa lang ako ng room, naririnig ko na naman yung walang katapusan na paguusap ng mga tao. I'm sure ako yun, pagkadating ko sa tapat ng classroom namin

"Narinig niyo na ba yung news?!" "Is it true???"
"Na what??"
"They're dating!!"

"Kenji and--"

"YES! IT'S TRUE!" sabi ni Sara. Ano yung totoo?
Napatingin yung 7 na babaeng classmate namin na naguusap. "Na?" sabay sinabi nung 7 girls.
Nagkatinginan si Sara at Grace tapos nag smile then tinuro ako

"She's dating the gangster." I'M DATING THE WHAT?! 

Continue Reading

You'll Also Like

114K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
25K 5.6K 82
The land that's really sunny, Above all others is the black beach. Beautiful, broad, black beach. Down, down, down into the darkness of the black bea...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
39.5M 929K 37
Avah Chen is my name and hating is my game. Loved by no one, hated by everyone. Half-Chinese. Pure-Maldita.