Chapter 37

16.5K 386 59

Lucas' POV

Malapit na kami sa rest house nila Kenji, siguro mga 15 minutes nandun na kami. Maaga kasi kaming umalis kaya halos parang 2 hours lang yung biyahe.

Pagkarating namin sa rest house nag babaan na kami. Si Kenji at Abi nauna ng pumasok kami sumunod na sila Kirby tapos kami naman ni Athena nag pahuli dahil ayaw niya raw makipag sabayan sa kanila.

Nung pag pasok namin ng bahay nagkabanggaan sila ni Kenji, nag katinginan, pero hinde sila nag imikan.

"Punta tayo sa may beach!" sabi niya sa akin. Tumango na lang ako tapos lumabas ulit kami ng bahay.

Kitang kita kong may gumugulo na naman sa kanya. Madali lang basahin si Athena, mapapansin mo kung malungkot o masaya siya. tinanggal niya yung slippers niya tapos hinawakan ito. Naglakad siya sa may sand ng nakangiti

"Ang ganda!! Ang sarap ng feeling!" tumingin siya sa akin tapos nag smile. Nag bago na naman yung mood niya. "sana ganito rin buhay ko sa manila!"

Nag smile ako sa kanya tapos tinanggal ko rin yung slippers ko kinuha ko yung slippers niya sa kamay niya tapos ako na yung nag bitbit. Hinawakan niya yung kamay ko tapos nag smile siya sa akin.

"Sorry.. nagiging pabigat na ba ko sayo? Kung naaasar ka na sa akin, sabihin mo lang.." Napatigil ako sa pag lalakad kaya napatingin siya sa akin.

"Hinde ka pabigat sa akin. Bakit mo ba naiisip yun? gagawin ko ba to kung hinde ko naman gusto yung ginagawa ko? Diba?" nag nod siya, "ganito na lang, boyfriend mo ko habang nandito tayo sa batangas."

"Ayoko. Baka iwanan mo rin ako eh." sabi niya habang naka smile
"Bakit naman kita iiwanan? Ikaw talaga! Pinapangunahan mo eh! Tara na nga! Balik na tayo dun.

Nagugutom na ko eh." nag nod siya tapos bumalik na kami sa bahay

Nagpunta kami sa may kitchen ni Athena, nakita namin si Jigs at Sara nag peprepare sila ng sandwich. Nung nakita kami ni Jigs hinde kaagad siya nag salita. Kinalabit niya si Sara kaya napatingin din si Sara sa amin

"Gagawa na rin kita ng sandwich ok?" binitawan ko yung kamay niya tapos kumuha ng tinapay "Teka.. meron ba kaming hinde alam?" tanong ni Jigs.

"Wala. Ano ba kelangan niyong malaman?" sagot naman ni Athena "sasabihin naman namin kung may special ng nangyayari eh. bakit naman namin itatago sa inyo yun?"

Napakagat si Sara at Jigs sa sandwich nila kaya napangiti tuloy ako sa naging reaction nila. Inabot ko kay Athena yung ginawa kong sandwich, ngumiti siya sa akin tapos kumain niya. nakakakalahati

pa lang siya ng pag kain biglang sumulpot si Abi sa may kitchen.
"Ano palaman niyo? May tinapay pa ba? Nagugutom na rin kasi ako eh.." walang umimik.

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!