Chapter 34

18.4K 404 15

Lucas' POV

"Lucas it's over.. I let him go.."

Last line na narinig ko kay Athena na tungkol kay Kenji. After nung Thursday hinde na niya binabanggit kahit yung name ni Kenji sa akin o kung kanino man na kasama namin.

Nung Friday mahahalata mong iniiwasan niya talaga si Kenji, pero siyempre hinde niya pwedeng iwasan buong araw si Kenji since magkatabi sila sa classroom. Nginingitian niya naman siiya pag nasa tapat ng maramign tao, pero pag wala masyadong nakatingin mapapansin mong may mali. Hinde ko alam kung maaawa ako kay Kenji o hahayaan ko na lang yung nangyayari dahil mali naman yung ginawa niya.

Nung activity period pumasok si Athena ng classroom ng nakangiti. Niloko pa siya ni Jigs na mukhang good mood siya since parang ang saya saya niyang pumasok ng room. Pero nung magsisimula na yung 'meeting' bigla siyang nagsalita na aalis na siya sa Barney and Friends at lilipat na siya sa ibang org dahil dahil daw hinde siya makatanggi sa moderator nung org na yun. Nabigla yung lahat dahil sa sinabi ni Athena, siyempre ang dakilang 'girlfriend' ni Kenji lilipat ng org. Pero pagkatapos nung announcement ni Athena sabay pasok naman ni Kenji at Abi. Nagbulungan lahat ng members sa nakita nila.

Nagsmile lang si Athena na parang wala lang sa kanya yung nangyari. Nagbow siya tapos nagsalita ng Korean. Clueless si Kenji at Abi sa nangyari. Nung tumingin ako kay Sara naka yuko lang siya tapos umiiling. Siyempre naintindihan niya yung sinabi ni Athena, si Jigs naman kinukulit si Sara tungkol sa sinasabi ni Athena. Nung nakaupo na si Abi nagbow ulit si Athena sa tapat namin, tumalikod siya at lumabas na ng room. Nung napatingin ako kay Kenji nakita kong nakatingin siya sa pintong nilabasan ni Athena.

Matagal tagal din siyang nakatingin sa pintuan hanggang sa hinawakan ni Abi yung kamay niya kaya napatingin siya kay Abi at umupo sa tabi nito. Ako rin eh, hinde ko alam kung masasaktan ako na makita si Abi na kasama si Kenji.. pero.. masaya ako pag kasama ko si Athena. Hinde ko alam kung bakit, pero masaya talaga ako pag kasama ko siya.

December 16, nag exam kami sa South University. Niyaya kami ni Kirby na sumabay na lang sa kanya pero tumanggi si Athena. Ang sabi niya

"Hinde.. magpapahatid na lang ako kay Kuya. Si Lucas na lang isabay mo."

Tumanggi rin ako dahil pag sumabay ako kay Kirby alam kong malulungkot si Athena dahil maffeel niyang nagiisa lang siya. Kaya kaming dalawa yung magkasamang nagexam sa South University. Pareho rin kami ng course na pinili.

December 17 niyaya kong umalis si Athena para manood ng movie. Pumayag naman siya since nalaman niyang libre. Ang kuripot ng babaeng yun! Nakarinig lang na libre pumayag kaagad! Pumalakpak yung tenga eh! naexcite pa! Pero nagtataka ako nung sinabi kong kumain kami.. umayaw siya. nag dadiet daw kasi siya. DIET?! Eh ang payat niya nga eh. Teka. tumaba siya ng konti kumpara dati pero payat pa rin siya.

Christmas fair

First day ng fair namin ngayon, Christmas fair kasi namin ngayong week. Lahat ng org nag set-up ng booths. Ang BnF 3 booths ang tinayo, yung akin kay Jigs at kay Kirby. Supposedly apat dapat, pero ayaw ni Kenji mag tayo ng kanya. Dahil sa dami ng members ng BnF kalahati nun yung nag tulungan ng pag gawa ng booth. Petiks kami kasi kami boss eh. Dinivide na lang sa 20 bawat araw yung mag babantay ng booth, 10 sa umaga 10 sa hapon. Siyempre kaming mga master hinde pwedeng mawala.

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!