Chapter 3

45K 1.1K 144

Nag ring na yung bell, ibig sabihin tapos na yung break. May 3 subjects pa kami bago mag lunch. Ibig sabihin tatlong oras ko pa makakatabi si Kenji.

Practical Art yung next subject, ibig sabihin sa computer room kami. Alphabetical yung pag assign, ang sama naman talaga ng taon ko na to. Si Kenji na naman ang katabi ko, since delos Reyes siya at Dizon ako.

Wala namang pinagawa samin yung teacher kung hinde pagamitin lang kami ng internet. Etong katabi ko naman, nakita ko nag lalaro.

"Ano na naman tinitingin tingin mo ha?"

"Anong nilalaro mo?" maayos na tanong ko. "Pakialam mo ba!?" wala talaga siyang kwenta. "Sumagot ka na lang."
"Dota."

Dota? Anong klaseng pangalan ng game yan?! DOTA. Wtf? Pero mukhang corny yung game, kaya hindi ko na siya pinanood mag laro.

Natapos yung P.A class namin. Next subject Physics. 2 hours yun. ang masakit sa loob ko, katabi ko na naman siya.

Habang nagdidiscuss yung teacher si bigla akong kinausap ni Kenji

"Wag kang mag-alala. Hinde ko pa nakakalimutan na may atraso ka sakin. Mamayang lunch break, humanda ka sa akin."

Ano!? Akala ko pa naman din ok na lahat!! Hinde pa pala! ano ba kasing ginawa ko sa kanya? Ha??

Ok. pinag hintay ko siya. pero sinabi ko bang maghintay siya?! HA?! sabihin niyo nga sa akin? Ako ba may kasalanan? Sinabi ko ba na 'OK WAIT FOR ME.' Wala naman eh T_T I'm dead.. UMMA! APPA! HELP ME!

"Ano bang ginawa ko sayo?! HA?!?!" napalakas ata yung pagkasabi ko ng 'ha' kasi napatingin samin yung klase at yung teacher.

"Ms. Dizon, Mr. delos Reyes, BE QUIET!! You're disturbing the class!."

"Sorry.." bago pa lang ako sa school na to ang panget na kaagad ng impression sakin ng mga teacher! Eto kasing sushi boy na to eh!!

"Pwede bang hinaan mo yang boses mo? para kang megaphone eh!"

"MEGAPHONE?!" napatingin na naman sa amin buong klase.

"YOU TWO!!! GET OUT OF THIS ROOM RIGHT NOW!"

Naunang tumayo si Kenji tapos sumunod ako. napaaga ata lunch break namin. Sinusundan ko lang si Kenji kung saan siya mag punta, since bago pa lang ako dito sa school na to. Bumaba siya sa may center stairs at tumuloy tuloy pa rin sa pupuntahan niya.

Huminto sa paglalakad si Kenji, "Bakit mo ba ako sinusundan ha?! anong problema mo!? dahil sayo napalabas tayo ng classroom!"

"Excuse me? MY fault?! WAS IT MY FAULT?! YOU pissed ME off!"

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!