Chapter 19

23.8K 596 25

I was shocked. Dumbfounded.. No wait, let's change it. I was astonished. I was about to say something.. but he suddenly left the room.

Wtf?! That's it?! After what I've said in front of everyone, he'll just leave me hanging?! This have gone far enough! I've been through a lot these past few days.. If he doesn't want to believe me, then it's his choice. I did my part..

Kenji's POV

Potek. Nasabi ko tuloy ng di oras. Kinuha ko yung bag ko at lumabas ng classroom. Nagcut na ko ng klase, hinde ko kayang harapin si Athena. Hinde pa siguro ngayon. Nagpunta ako sa PG. Dun lang naman yung lugar na pwede kong puntahan eh. Dun lang ako makakapag relax.

Nahihiya akong harapin si Athena.. Hinde kasi ako naniwala sa kanya. Masyado akong nadala sa kwento ni Bee, alam ko naman na hinde magagawa ni Athena yun eh. Kahit isang buwan pa lang kaming magkakilala alam kong hinde niya magagawa yun. Pero nung nakita ko yung pasa sa mukha ni Bee, napaniwala na niya ako. Pero nung Sunday lang may nakapagsabi sa akin ng totoo..

"Kenji, nakita ko yung girlfriend mo last last friday ah! Yung.. Athena?" si Sab. Family friend.

"Ah. Bakit? Saan mo nakita?"

"Sa tapat ng bahay nila Lucas. Nandun rin yung si Athena na isa!"

"Si Bee? Si Abigail."

"Oo, yun nga. Mas maganda pala yung Athena kesa kay Abigail noh? Kasi si Abigail gumaganda sa make-up eh, etong si Athena na girlfriend mo maganda kahit walang make-up. Medyo payat nga lang." natawa ako kasi halos lahat sinasabing payat si Athena.

"Anyway, hinde magandang eksena nakita ko eh. Sinampal nung Abigail yung girlfriend mo.." sinampal ni Bee si Athena? Ibig sabihin.. "Kenji, diba yun yung girlfriend mo?"

Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Sab. Si Athena, nakaupo sa swing.. Teka umiiyak ba siya? Bigla kasi siyang nagpunas ng mukha eh. Tumayo siya at biglang tumakbo.

Lalapitan ko sana siya pero naisip ko rin, anong sasabihin ko? MAhihiya lang ako sa kanya.

Hinde nga si Athena ang sumampal kay Bee. Bakit.. Bakit niya ako niloko? Bakit hinde ako naniwala kay Athena?

Hinde ako makapag concentrate sa pagdodota ko. Si Athena lang naiisip ko.. Ang assh*le ko. Feeling ko napakatanga ko kasi hinde ako naniwala sa kanya.. Sa sarili kong girlfriend. Tama siya, hinde ko napansin na siya yung nasa tabi ko, na siya yung laging nandyan para sa akin..

"T*ngin*ng buhay naman to oh!" sabay hampas sa table. Bakit ba kasi nakapag bitaw pa ako ng masasakit na salita eh. Minsan gusto ko na lang I-stapler yung bibig ko para wala na akong masabing masakit sa kanya. Ewan ko ba, hinde naman ganito trato ko kay Bee noon eh. Pero nagbago ako ng sobra sobra.. Siguro nga kasi kakaibang babae si Athena.. Kahit isip bata siya, maingay, at masungit.. Sa kanya ko napapakita yung totoong ako.

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!