Chapter 16

25.1K 647 70

Kenji's POV

Dismissal na.. nilapitan ko si Sara para alukin sana siyang sumabay sa akin pauwi.

"Wag ka munang bumisita sa bahay. Wala kasi si Athena eh, nasa QC siya ngayon kay Sang Min oppa."

"Sang Min oppa? Sino yun? Si Nathan lang naman kapatid niya diba? Bakit siya nasa bahay ng ibang lalaki?! Ano niya yun??? Niloloko na ba niya ko??"

Look, I'm not paranoid. It's just that, she never mentioned that SANG MIN 'oppa' before. Potek! Nag e-english na tuloy ako ng di oras. Anak ng.

"Si Kuya Nathan nga." She said. So Korean name ni Nathan, Sang Min? She can call Nathan, Nathan para naman hinde ako maguluhan. Jesus. At eto na naman ang english ko. "Bakit ka naman nun lolokohin? Ganun ba tingin mo sa kanya? Dahil nga sayo kaya siya nagkakaganito eh."

WTF?! Dahil sa akin!? Anong ginawa ko?? Medyo nagulat ako nung sinabi niya yun. Ang seryoso kasi ng mukha niya eh.. Dahil sa akin.. Bakit kaya?

"HAHAHAHAHAHAHA! OMG! You should've seen your face!!! I'm just kidding! Relax! She texted me a while ago, she said that she's ok." Hinde nakakatawa yun Sara. Siguro kung Jigs o si Kerb lang to kanina ko pa siya nabatukan dahil dun.

"Pakyu. Kelan siya uuwi?"

"I'm not sure.. Maybe later.. Around 10 pm, I guess.. Bakit?" 10 pm pa?! ang tagal naman nun!! Hinde ba sila nag kita ng kapatid niya ng matagal!?

"Bakit ang late naman?! Wala lang. Sabihin mo pupuntahan ko siya."

"Oo nga pala, pinapasabi rin ni Athena na wag ka munang bumisita. Papasok na rin naman yun bukas eh, edi mag intay ka na lang hanggang bukas! Eto naman parang ilang araw lang hinde nagkita eh namiss na kaagad. Sige alis na ko! Babay!" sinuot na niya yung backpack niya at sabay tumakbo palabas ng classroom.

"Sira ulo to ah! Namiss ka dyan.." kinuha ko na rin yung bag ko at umuwi na.
Gaya ng sabi ni Sara, hinde ko siya pinuntahan. Baka isipin rin nun namimiss ko siya! Namimiss..

Ang kapal! Siguro, pero.. Konti lang..

6:30 am na, naligo na ko kasi kakatapos lang ng basketball practice. 4:00 am pa lang nandito na ko. Paano ba naman may game bukas! Tuesday pa lang pasasa na kami kakapraktis nila Kerb. Wag kayong mag-alala hinde ako yung captain ball, trabaho ni Kerb yun. Sa totoo lang walang may gustong maging captain ball sa amin. Siyempre, paano kami makakatakas tuwng praktis diba?

Malas na lang talaga ni Kerb.

"P*ta. Ayoko talaga tong praktis na to tuwing 5am. Ang aga-agang nabubugbog yung katawan ko eh. Buti ba sana kung may nagmamasahe after."

"Wag ka na mag reklamo! Ikaw captain ball eh, tiisin mo yan!"

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!