Chapter 14

26.7K 659 117

Kenji's POV

Nahatid ko na si Athena sa bahay nila. Masaya ako kasi nagustuhan niya yung surprise ko sa kanya. Amp! Nahirapan pa akong humanap ng tiyempo nun kay Sara ha! Inintay kong mag cr si Athena at malasing si Sara.

*Flashback*

"Hoy ikaw! Hehehe.."

Napatingin kaming tatlo nila Kerb kay Sara
"Sino samin?" sabay sabay naming tinanong.
"Etong si blondie!" tapos tinuro niya ako. Tumawa yung dalang mokong.
"Paps! Weng weng na tong si Sara! Blondie daw oh!" tumawa na naman si Kerb. "Bwiset ka. Wag ka na humirit!" tumingin ako kay Sara, "Oh bakit?"
Ngumiti lang siya sa akin. Anak ng nagpakyut pa daw!

"Wala lang. Gusto ko lang sana malaman kung bakit nakakatiis sayo si Athena, eh ayaw niya sa ganyang itsura." nagsmile na naman siya kay Jigs, "Mga parang Jigs yung gusto niya.. Ay hinde.. May sinasabi siya eh.. Sino yun.. Lu..Lu..." nagiisip pa rin siya habang hinahampas niya yung balikat ni Jigs

"ARAY KO NAMAN! Tama na hampas! Lucas! Lucas yung lalaking yun!"

"KOREK! YUN NGA! MISMO! NADALI MO!" humarap siya sa akin "Para na ba akong si Jigs? Nasobrahan pagsasama ko sa kanya eh. AYUN NGA. Si Lucas, yun! Ganun mga type niya."

Si Lucas.. Kaya pala kanina, ganun na lang siya makangiti sa tapat nung lalaking yun. Anak ng. "TUMAHIMIK KA NA NGA! ANG DALDAL MO EH!" sabi naman ni Jigs

Lucas pala.. Ganung mga itsura ang gusto niya, sige. Susurpresahin ko siya bukas. Para naman tuwing magkasama kami hinde na niya ako awayin ng awayin. Babaguhin ko na itsura ko para sa kanya. Ibabalik ko na yung dating Kenji.

*end of flashback*

Halos inisip ko yun buong maghapon! Kung gagawin ko ba talaga oh hinde. Siyempre kelangan, para kahit papaano mapasaya ko si Athena, at dapat kahit konti mapansin ni Bee na nag-iimprove yung relasyon namin ni Athena, hinde porket nakita niya kaming nag-kiss sa 310 sapat na yun. Although napansin ko na medyo nairita siya, oh baka akala ko lang yun. Eh kahit ano.

Nagpunta ako sa kwarto ko at tiningnan ko kung naka online na si Athena, aba online na nga siya. Ginagaya na niya ata akong walang patayan ng computer eh. Pahinga lang ng computer ko ay tuwing blackout oh kung may magpapatay man dito. Tss. Subukan lang nilang makialam sa gamit ko.

I-me-message ko pa lang sana siya ng biglang may nag pop na window. Princess Athena says: Thank you.. for this day.
Thank you? Aba. Marunong pala siyang mag-thank you ha!

I am Sushi says: tss. wala yun. gawa mo? Princess Athena says: ka-chat ka.
I am Sushi says: yun lang?
Princess Athena says: oo. bakit?

I am Sushi says: ok. gusto mo tumawag ako? Princess Athena says: sige..

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!