Chapter 25

30.8K 626 50

"Mag c-cr lang ako, dito ka lang." tumayo siya at nag lakad na papuntang cr.

Four days after nung makalabas ako ng hospital naging ganito na naman kami ni Kenji..binabali wala na niya ulit ako, iniiwanan mag-isa, dumating yung time na bigla na lang siya pumasok sa work ng hinde ako kinakausap magdamag.

Nung bumisita ako sa restaurant na pinag woworkan niya, nakita ko si Kenji may katabing girl.. sobrang sweet nila.. nandoon lang ako, nakatingin sa kanila.. ang nakaharang lang samin ay yung glass window.. I was just there..

I called him.. I saw him staring at his cellphone
'Nag dadalawang isip pa ata siya kung sasagutin niya yung tawag ko oh hinde..' I thought.

Nagulat ako nung bigla niya itong sinagot. Nagtanong ako ng kung anu-ano, sinagot naman niya yung mga tanong ko.. pero lahat ng sagot niya, puro kasinungalingan.

Of course, hinde totoo lahat ng kinukwento ko. iniimagine ko lang yun. sa totoo lang after nung October 22, mas naging close kami ni Kenji, siya parin yung gangster na nakilala ko pero nag bago siya kahit papaano. Naging expressive na siya.. wait, expressive naman siya eh, pag galit. Muahaha! Kidding.

Naging sweet na siya, kahit papaano, ganun din ako. nasasabi ko na yung mga gusto kong sabihin sa kanya ng walang pressure at ng hinde ako nag mumukhang tanga. Ang hirap kasi samin, pareho kaming nagtatago ng feelings. Pag nasobrahan lang, dun kami nag ssnap. But, haha we've changed..

"Hi!!" hinde ko napansin na may lalaking nakatayo sa tapat ko. nung tiningnan ko siya, nag smile siya. Tiningnan ko yung i.d niya, Carlo Paez , Section 25.. so second year siya..hmm.. in fairness, cute siya.

"Ah, hi.." nag smile ako sa kanya

"Ako si Carlo Paez, 2nd year high school, section 25." I nodded. "Ikaw si Athena, diba?" I nodded again. Psh. Ang yabang ng dating niya! sabi nga nila Kirby, 'maangas' yung term pag pa-cool yung lalaki. Tss.

"May kailangan ka ba sa akin?"

"Wala naman.. may gusto lang akong itanong sayo.."

"Ano yu--

"PWEDE BA KITANG MAGING ATE??? WAAAAH! GUSTO KITANG LAPITAN MATAGAL NA PERO SABI NUNG MGA CLASSMATE KO HINDE MO RAW AKO PAPANSININ!! T_T" dirediresto niyang sinabi. omg. Akala ko naman kung anong tanong yun.

"Ha?? hinde naman ako ganun.. Sige.. Subukan natin maging close, ok?" I smiled at him, he gave me this one great big bright smile. Wow. He's cute!!

"Kumain ka na ba?" he nodded. Umupo siya sa tabi ko tapos nag simula na siyang mag kwento tungkol sa buhay niya. He reminds me of someone.. HAHAHAHA! GUESS WHO!! Ok fine, it's Jigs!

Hinde ko na napansin yung katagalan ni Kenji sa banyo dahil nakakatuwa si Carlo. Only child siya, tapos nakatira siya sa lola niya kasi yung parents niya nasa states. Lahat ata ng students dito sa Southville High puro nasa abroad magulang!

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!