Chapter 39

26.3K 528 54


Lucas' POV

Hinde ako makatulog sa napagusapan namin ni Kirby. Napaka seryoso ng mukha niya habang sinasabi niya sa akin lahat ng nalalaman niya. Napatingin ako kay Athena na natutulog sa may kama. Hinde ko alam kung papayagan ko si Kirby sa gusto niyang gawin.

Akala niya ba gusto kong itago yung totoo sa kanila? Nahihirapan na rin akong itago lahat ng nalalaman ko mapakay Athena o kay Abi. Hirap na hirap na rin ako.

Unang una ayokong magalit sila kay Abi dahil sila na ulit ni Kenji pero ayoko rin naman mahirapan ng ganito si Athena..

"Lucas?" nakita kong bumangon si Athena "Hm?" sagot ko sa kanya.

Tumayo siya tapos umupo sa may tabi ko. Sumandal siya sa may balikat ko tapos niyakap niya yung kaliwang braso ko. Sa ginagawa niya mas lalo akong nahihirapan. Hinde naman talaga ako yung dapat na nasa tabi niya eh.. hinde ako dapat yung nag papasaya sa kanya.

"Bakit nandito ka sa couch? Ang hirap kayang matulog dito.. dun ka na lang sa tabi ko.."

Napatingin ako sa kanya pero naka sandal parin siya sa may balikat ko. "Ok lang ako dito.." Naramdaman ko yung pag iling niya. Tapos humigpit yung pag yakap niya sa braso ko, "Tabi na

tayo.. please?"

"Sige na nga." sabi ko sa kanya.

"Umm.. Luke? Pwede mo akong samahan sa baba? Kelangan ko kasing uminom ng gamot eh.."

Lumabas kami ng kwarto at pumunta sa may kitchen. Kumuha kami ng dalawang baso ng tubig. Sa may living room muna kami tumamabay dahil hinde pa daw siya makatulog. Nung tiningnan ko yung relo ko nakita kong 4:28 am na. Ano ba tong babaeng to sanay na ata siya sa puyatan eh.

Nagpakwento siya sa akin tungkol sa buhay ko. Gusto niya raw akong makilala ng mabuti at gusto niya raw malaman lahat ng past ko. Siyempre sinabi ko sa kanya lahat ng gusto niyang malaman. Wala rin naman akong dapat itago tungkol sa past ko eh.

Humiga si Athena sa sofa na inuupuan namin habang hawak yung kamay ko.

"Humiga ka rin. Parang kama to sa laki eh. Tingnan mo kasya tayong dalawa!" sabi niya habang nakangiti. Humiga ako sa tabi niya. "Ayan. Ikaw na lang ang kakampi ko Lucas.. wag mo akong iiwan basta basta.."

"Iiwan lang kita pag sinabi mong iwanan na kita.."

Ngumiti siya sa akin tapos hinawakan niya yung muka ko, "para namang gagawin ko yun.."
Alam ko hinde ko dapat ginagawa tong mga bagay na to.. pero masisisi niyo ba ako? Tao rin ako,

marunong magmahal at nasasaktan.

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!