Chapter 8

16.1K 395 30

I've known him for 26 days and we've been a 'couple' for 19 days. Great.

"Athena!! GISING NA!!"

'Sino ba tong istorbo na to.. nakita ng natutulog yung tao eh..' I said to myself.

"HUY GUMISING KA NA! MAY BISITA KA!"

"Sara.. Inaantok pa ko.. wala naman pasok eh.. let me sleep.. so tired.."

"Megaphone tanghali na!"

'Megaphone? Isang tao lang tumatawag sakin nun ha..' again I said to myself

Pagkarinig ko ng 'megaphone' unti unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Sara naka smile sakin.

"GOOD MORNING SUNSHINE!!"

"Haaa... I'm still sleepy.. sabihin mo sa bisita balik na lang siya.." tapos ipinikit ko ulit yung mga mata ko tapos nag patong ng unan sa ulo ko.

"Gumising ka na!! ano ka ba! Pag hinde ka gumising makikipag date ako sa ibang babae!!!!"

Napabangon ako sa kama. BAKIT NANDITO SIYA SA LOOB NG KWARTO KO?!

"EDI MAKIPAGDATE KA! PARA NAMANG MAY PAKIALAM AKO!"

"Hay nako ang aga aga nag aaway na kaagad kayo! Ganyan ba batian niyo ng 'good morning'? Ang sweet ha! sige maiwan ko na kayo."

Lumabas na ng kwarto ko si Sara, so ako at si gangster na lang ang natitira.

"Bakit nandito ka? Ang aga-aga eh.."

Umupo siya sa may couch, "Wala akong magawa eh.. alam mo naman na wala akong kasama sa bahay. Kung hindi si peanut lang! yung maid kasi boring.. hinde makausap ng matino.."

"Ahh.. so may sense pala akong kausap? Kenji ok lang naman kung sasabihin mo sakin na namiss mo ko eh."

"Ang kapal talaga ng mukha nito. Baka AKO NAMISS MO. Aminin mo na! Hinde ko ipagkakalat."

OMG. He's being conceited again.

"Kapal ng mukha mo. Sige matutulog na muna ako." tapos humiga ulit ako sa kama tapos tumalikod na sa kanya.

"Paano naman ako??? GUMISING KA!!"

"Bahala ka. Magcomputer ka kung gusto mo, oh kaya manood ka ng tv sa may living room, pero mas ok kung uuwi ka na lang ng bahay mo at wag ka ng bumalik pa dito. Kahit kelan."

"Tss."

Narinig ko siyang tumayo tapos nakarinig din ako ng foot steps.. lalabas na ata siya ng kwarto. I won again!

She's Dating The GangsterRead this story for FREE!