Chapter 28

85.6K 2.2K 956
                                    

Kenji's POV

Lumabas na rin ng banyo si Athena at Sara, holding hands pa ha! Ayos. Bumobrokeback! Habang papalapit silang dalawa, napansin kong medyo malungkot yung expression ng mukha ni Sara. Ano ba kasing meron? Anong nangyari sa loob ng cr? Ano bang alam nila na hinde ko alam? Ano ba yung tinatago nila sa akin??

Tumayo ako, "Anong nangyari?"

Napatingin si Sara kay Athena.. ano balak pa nilang itago sakin?!

"Anong nangyari?! Bakit ayaw niyong magsalita??"

Napayuko si Athena tapos si Sara tumingin sa akin, "She's 8 weeks pregnant.."

Napatingin bigla si Athena kay Sara, "SARA!!" humarap siya sa akin, "Mi an." Tapos naglakad siya papunta sa may bench na inuupuan ni Grace. [I'm sorry]

"Per..o.. hinde naman.. walang.. samin.. hinde... ako.. ginawa.. pano..?" sabi ko ng paputol putol. Hinde ko alam kung pano ko sasabihin yung nasa isip ko, buntis?! Tama diba? tagalog ng PREGNANT, BUNTIS?! Anak ng. SINONG TATAY?!

"YA!! I was just JOKING!" natawa sila Jigs at Kerb. Pinatong ni Sara yung kamay niya sa balikat ko, "Joke." Tapos lumapit siya kay Jigs.

Naiwan ako doong nakatayo. Nakatulala. A JOKE? tch. Hinde nakakatawa yung joke na yun. Halos atakihin ako sa gulat nung sinabi niya yun!! ampotek! Ganun na ba mga joke ngayon?? Sasabihin bigla buntis yung girlfriend mo?! anak ng tokwa naman.

Lumapit sakin si Lucas, tapos inakbayan ako. "Ok ka lang ba?"
Tumango ako tapos ngumiti, "Buti naman at napilit ka nila Kerb bumalik dito. Matutupad na yung

deal natin na dapat sabay sabay tayong gagraduate sa school na to." Inakbayan ko rin siya

"Maiiwan ko ba naman ang Barney and Friends? Malamang hinde diba?"

"Thug Lords na kami papi!"

"Oh, sino nag bigay nun? Ayos ha! Thug Lords.. parang, sindikato lang!" natawa kami pareho

"Si Athena nag bigay nun, para daw kasi kaming gangster kung kumilos eh." Sinabi ko habang nakangiti, "Iba siya paps. Ibang iba.."

"Alam ko.." sinabi ni Lucas habang tumatango, "Alam ko.."

Umakyat na kaming pito sa classroom, habang paakyat kami, nakasalubong namin si Abigail. Nagkatinginan kaming dalawa, ngumiti na lang ako sa kanya tapos hinawakan ko yung kamay ni Athena. Napansin kong napatingin siya sa kamay namin kaya umuwas na ko ng tingin sa kanya. Pagkadating namin sa classroom umupo na kaagad ako sa upuan ko.

"Kelangan kita makausap.. Mamayang uwian.. Magkita tayo dun sa dating lugar.. Iintayin kita..."

She's Dating The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon