Chapter 41

27.1K 464 71


Athena's POV

"ATE!! Ano bang nangyayari sayo?? Kanina ka pa dyan paikot ikot sa upuan! Hinde ako maka focus sa pinapanood ko kasi napapatingin ako sayo!" sabi ni Carlo habang nakatayo siya.

Umikot na naman ako sa sofa. Hinde ako mapakali sa nangyayari sa buhay ko ngayon.
"ATE!!! ANO BAAAA!!" sabay kamot niya ng ulo. Lumapit siya sa akin tapos hinila ako pabangon.

"Umupo ka na lang ha?? Hinde ko mapanood yung pokemon ng maayos eh!"

"Ang tanda tanda mo na pokemon parin pinapanood mo. Halos magkasing tangkad na nga kayo ni oppa eh." humiga na naman ako sa sofa

Ngumuso si Carlo, "Hinde lang naman pambata yung pokemon noh!! Meron nga mas matanda sakin nanonood ng pokemon eh!"

"Whatever you say, dork."

"Wag ka ng umikot, ha? PLEASE??"

"Pag hinde ako umikot baka mabaliw ako! gusto mo bang mangyari yun??" umupo sa may paanan ko si Carlo, "hinde ko na nga alam gagawin ko eh!"

"Bakit? Ano ba kasi nangyari?? Si ungas na naman ba?" tanong ni Carlo sakin habang nakasalubong yung kilay niya.

Hinde pa rin niya kayang maging kaibigan ulit si Kenji dahil sa nangyari sa aming dalawa. Hinde na

niya binabanggit yung pangalan ni Kenji dahil umiinit yung ulo niya pag naalala niya yung nangyayari. Wow, parang siya yung naloko noh?

"Ate? Bakit natutulog ka ng gising??" hinampas hampas ako ni Carlo sa may paa ko, "Ano na nangyari?? Bakit ba ang wirdo mo ngayon? Tama ako noh?? Yung mokong na yun na naman!!"

"Hinde siya! Bakit ba siya yung una mong naisip?? SIYA LANG BA YUNG TAONG GUSTO KO?!"

"Oo. Obvious ba." sabi niya na may seryosong mukha. "YA!!!!!!" napatayo tuloy ako sa pagkahiga ko ng di oras. "ANO!!!!!" sigaw ni Carlo
"YA!! SHIKURUWO!!!"

Napatingin kami ni Carlo sa may likuran namin. Nakita namin si Sara at Oppa mukhang nairita dahil sa ingay namin ni Carlo.

"Mianhaeyo. / Sorry po." sabay naming sinabi ni Carlo sa kanilang dalawa. Pag sorry namin bumalik ulit sila sa kanya kanya nilang kwarto.

"Ikaw kasi eh!" sabay ulit naming sinabi tapos natawa bigla kami
"Di nga, seryoso. Ano nangyari?" napatingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan. Nagkamot ng ulo si

Carlo

"Kasi.. ganito yun.. May kaklase ako, tapos may gusto siyang lalaki yung lalaking yun may girlfriend na eh may gusto rin sa kanya yung lalaking gusto niya dati tapos ngayon may lalaking lagi siya nakakasama tapos kaibigan yun nung lalaking gusto niya kaya nagkakasama parin sila tapos yung lalaking gusto ni--"

She's Dating The GangsterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!